Chapter 3

3 0 0
                                    

Andito kaming lahat na napili sa muse and escort for the year sa meeting room.

Feeling outsider ako dahil sa ang gaganda ng mga babaeng pinili, samantalang ako... Oh God!

"Cy, hindi kaya nakakahiyang nandito ako?" Bulong ko.

Tinignan nya ako na kunot ang noo, bago pa sya makasagot tinawag na sya.

"Hi Cyrus" bati ng isang boses na mula kay Shaira, syempre.

"Buti sumali ka, at least there's a chance na... you know? Makilala ang section nyo in a good way" tapos tumawa sya na hindi ko maintindihan kung totoo o peke?

"Pinili lang din ako" simpleng sabi ni Cyrus.

"Sino ba namang hindi pipili sayo? I see na may chance ka. Unlike..." Tumingin sya sakin at tumawa.

"Thanks" tsaka humarap sakin.

"May pupuntahan tayo mamaya" sabi nya sakin.

"Saan?" Pagtataka ko.

"Good morning!" Naagaw lahat ng atensyon ng mga estudyante.

"Today... Magbubunutan tayo sa bawat grade level ng dalawang section na magiging representative for muse and escort of the year, nainform naman siguro kayo ng teachers nyo?"

"By section? I thought names" sabi ng isang babae.

"Shall we start?... Sir Victo will list the names na mabubunot, ito..." Tinap ng head teacher ang apat na box. "Ang naglalaman ng sections nyo, ang mabubunot, congrats and good luck, may chance kayong makakuha ng trophy and cash prizes at ang hindi? Thanks for joining!" Natatawang sabi neto.

Nagsimula na sila magbunutan sa first year, may ibang nag-iyakan dahil siguro gusto talaga nilang sumali.

Sumunod naman ang second year at third year and last kaming mga fourth year.

Ipinasok na ng isang teacher ang kamay nya sa box para kumuha ng pirasong papel. Kumunot ang noo neto at tinanggal ang kamay tsaka sinilip. Nagbulungan silang tatlong teacher at tinignan din nila ang nasa loob.

"Asan ang mga fourth year students dito?" Tanong nito.

Nagtaas naman kami ng kamay.

Nagtinginan ang lahat kaya unti-unti kong binaba ang kamay ko.

"The representative for fourth year sections are section Antonio and Juan Luna" announce ng teacher.

Ju-juan Luna?

No way... How? Madami kami...

Out of 25 sections there's a probability na isang chance lang na mabubunot kami.

"Congrats to all representative and I hope you'll do your responsibility to this contest... Good luck by the way"

Matapos ang naganap sa meeting room ay pumunta agad ako kay Sir para magtanong at humindi ulit.

"Sir—"

"I know..." Sabi nya.

"Nakakapagtaka na walang ibang sumali sa fourth year"

"What do you mean sir?" Tanong ni Cyrus na nasa likod ko pala.

"Ang Antonio and Juan Luna lang ang nasa box wala ng ibang papel... thats why kasali kayo" tumingin samin si Sir.

"Baka po may ibang gustong sumali, Sir baka po may magawa kayo..." Pagmamakaawa kong sabi.

"Let me see kung anong magagawa ko" tinap nya ako sa balikat at umalis na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pretty's on the InsideWhere stories live. Discover now