Ep.4

91 1 0
                                    

habang lakad ng lakad itong si Christina para makapunta sa Beach ay panay pa din ang sunod ni Derrick. Syempre, as a gentleman, kailangan nyang gabayan si Christina para di mawala. kahit pa may galit sila sa isa't isa. Hindi naman nakatiis itong si Derrick na harangin si Christina at kausapin.

Derrick: sandali nga lang. Uhm, Okay. Im Sorry. papalitan ko na lang lahat nang nawala sayo.

Christina: Ayan. Ayan ang problema sayo. gusto mo, lahat tinatapatan mo ng mga pera mo.wag na! magpapaliwanag na lang ako kay Lola pati kay Mama kung bakit nawala si Zelda!

Derrick: Im sorry na nga eh. Please? Im Sorry.

Christina: Tabi! bahala ka sa buhay mo! dyan ka magisa mo! at wag mo na kong susundan!

Derrick: okay. but how about the camera. asan na? akin na.

Christina: *inabot nang may galit* oh ayan na!

at nagwalk out si Christina. pero, bumalik ito. at kinausap muli si Derrick.

Christina: sa susunod, kapag magyayaya ka. wag yung ikaw pa ang mang iiwan! I've almost trusted you. akala ko iba ka. pakitang tao ka lang pala.

Derrick: What? ako naman lagi may kasalanan. Alam mo, hindi sa bawat oras ikukumpara mo ko sa inyo. kasalanan ko ba na ganito yung naging way nang buhay ko? na naging Artista ako? kasi, alam nang panginoon na ito yung mas better sakin okay. kaya wag mo akong sisihin. I'm sorry okay. sige na, ako na may kasalanan. pwede na ba tayong pumunta sa beach?

Christina: BAHALA KA SA BUHAY MO!

at sa hindi inaasahan, naiyak si Christina habang naglalakad papuntang Beach. at nang makarating sya sa beach ay iyak pa rin sya nang iyak at pumunta ito sa Telephone Station at dun ibinuhos ang kanyang nararamdaman. And in fact, hindi nila alam na nasundan pala sila ng mga Paparazzi. syempre, panay pa rin ang mga tao sa pagpapapicture kay Derrick. at nakuhaan si Christina na umiiyak palabas ng Telephone Station.

matapos ipaliwanag ni Christina kung bakit nawala si Zelda, ay buti na lamang ay naunawaan ni Christina. ngunit, hindi ang totoong dahilan ang sinabi ni Christina sa magulang nya pati na rin sa Lola nya. at pinalipas na lang nila ito.

kinabukasan ay nagbakasyon ang pamilya ni Christina pati sya syempre. except lang sa Lola't Lolo ni Christina. ang destinasyon nila ay Batangas. Ngunit, Subalit, Datapwat, hindi pinalagpas ng mga Paparazzi si Christina. sinundan ng mga Paparazzi si Christina hanggang Batangas. at duon, tadtadan nang mga Press, Paparazzi at kung ano anong talk show press ang bumalagta sa pamilya ni Christina duon. habang ang kapatid naman ni Christina na si Julia ay sinasamantala ang pagkakakita nang mukha nya sa TV. ngunit, hindi rin nakatiis si Julia at sinabing "I NEED PRIVACY. owh, i mean US. WE NEED PRIVACY! so please, tigilan nyo kami. Shuuu!"

at nang makapasok sila sa nirent nilang bahay sa Batangas ay umupo na lang si Christina at natulala sa pinanonood nito. kaya naman tinanong ito ng Daddy Michael nya kung ano ang nangyari nung nasa Maynila sila.

Daddy Michael: ano bang nangyari? bakit hindi mo sinabi samin?

at biglang sumingit sa usapan si Julia.

Julia: ate! ate! pinaguusapan ka nila sa TV! nasa Starstruck si Derrick Brown!

at binuksan nang madalian ni Julia ang TV.

TV Host: so, ayang nasa picture na nakikita mo dyan sa Screen, napagalamang nagsama daw kayo sa Maynila, and her name is Christina Anderson right?

Derrick: naaa. well, she looks familiar. pero, hindi po kami nagsama. maybe, she's one of my fans. alam mo naman ngayon, may mga tao na sinasabing ganito, ganyan, para sumikat.

TV Host: Well my Dearly Viewers, nang galing na po mismo kay Derrick Brown na hindi sila nagsama nitong Myster Girl na ito na si Christina Anderson. Well, after this Commercial ---------

at pinatay ni Christina ang TV. umakyat ito sa second floor at umiyak. hindi nya inaakala na naging ganun ang sinabi ni Derrick na parang wala silang pinagsamahan ni Derrick. kaya naman, kinomfort ito ni Julia. ginawa ni Julia ang lahat tumahan lang sa kakaiyak si Christina. 

at makalipas ang isang araw, tinanaw ni Julia kung andun pa ang mga Press at andun pa din! at kung ano-ano na ang sinabi ni Julia.

Julia: ano ba naman yan! hindi pa ba sila aalis?

Christina: diba gusto mong makita sa TV? ayan na. Chance mo na.

Julia: pero ate naman. I NEED PRIVACY din naman eh.

Christina: andami mong arte.

Julia: alam mo ate, hindi pwedeng hihiga ka na lang dyan. dapat, paalisin mo na sila dito or else paliliguan ko nang nagkukulong mantika yan. kung may nangyari man talaga sa inyo ni Papa D., edi just Hide it okay. sabihin mo din sa kanila na hindi mo nakasama si Derrick. kasi, hindi makukuntento yang mga Paparazzi'ng yan hangga't hindi nasasagot ang mga katanungan na nasa isip nila, na gusto nilang itanong sayo.

Christina: alam mo, tama ka eh. sige. salamat sa tip.

at buong tapang na hinarap ni Christina ang mga tanong ng Press sa kanya. tadtadan ng flash ng camera ang bumalagta kay Christina nang buksan nya ang pinto at isa isang sinagot ang mga katanungan.

Press: totoo ba na nagkasama nga kayo ni Derrick Brown last day?

Christina: alam nyo, ang gusto nyo lang naman ay makasira ng image nang isang tao eh. gusto nyo, yung opinion nyo na lang lagi ang pinakikinggan ng iba. paano naman kami? and FYI, inosente ako. oo, sabihin na nating wala akong alam sa trabaho nyong "MANIRA NG TAO" pero, hindi ko gagawin yang mga trabaho nyo OVER MY DEAD BODY! alam nyo, hindi ako ganito mag salita. and, ang masasagot ko lang sa tanong nyo, No. hindi kami nagsama ni Derrick. kahit kailanman at hinding-hindi mangyayari.

Press: Okay.

Christina: ano pang ginagawa nyo? ALIS NA!

at  nang matapos ang interview sa kanya ay umakyat agad ito sa 2nd floor at umiyak na naman. dahil, alam naman natin na mukhang "nagkakagusto" na si Christina kay Derrick tapos, ganun pa ang ginawa ni Derrick. dahil, parang dinown nya si Christina.

at nang mapanood ito ni Derrick, ay parang hindi man lang ito nanghinayang sa ginawa nya. kahit alam naman nya sa sarili nya na nagkakagusto na rin siya kay Christina. yun pala, kaya ginawa na ireject ni Derrick para lang makasama siya sa isang movie na isinama sya. kaya naman pinapili ng Direktor si Derrick kung ano ang mas gusto nya. ang babaeng mahal nya o ang movie na malamang ay kikita nang malaki dahil isang malaking artista si Derrick Brown. at nagalit ang bestfriend nito na si Ivan dahil hindi nya aakalaing magagawa nya iyon kahit alam naman ni Ivan na hindi ganun ang ugali ni Derrick. kaya naman kinausap ni Ivan si Derrick about kay Christina.

ano kaya ang pinagusapan ni Derrick at ni Ivan? Tunghayan.

Celebrity Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon