Kabanata 1

32 8 2
                                    

" Shuckkssss, Feu I'm s-so sorry huhuhu I didn't mean it. I-i-i-its just a shit my god Feu I'm so sorry huhuhu di ko sadya, I don't even know na masisira pala ng ganyan ka lala ang buhok mo huhuhu." Umiiyak na sigaw ni licia habang natatarantang palakad lakad paruot parito sa harapan ko.

Hindi ko alam kung gaano kalala ang nangyare dahil hindi naman niya ako hinahayaan na tignan ang sarili ko sa salamin. Habang ako naman ito nakaupo at mangiyak ngiyak na sa mga salitang binitawan niya. Sa parte kasi ng katawan ko, buhok ko ang pinaka inaalagaan at minahal ko at ang nangyare nasunog nalang ng dahil sa ka tengehen ng kapatid ko.

Nanunuot sa ilong ko ang amoy ng nasusunog na parang plastic. Kaya hinawi ko sya at nagmadaling pumunta sa pinakamalapit na salamin sa cabinet ng kwarto namin, ngunit hinawakan niya ang kamay ko at malakas na hinila ito. Muntik na akong masubsub kaya marahas akong yumuko at pinatid sya patalikod.

"Ouchhhh hey don't! Fue please wag mo nang tignan, huhuhu" pag mamakaawa niya habang nakakapit sa mga paa ko. Buong lakas akong nag lakad papunta sa salamin at hinayaan syang gumapang para makasabay sa paglalakad ko.

Nang makita ko ang sarili ko sa salamin parang nangilabot ako sa aking nakita. Dati na lagpas balikat na buhok ay naging hanggang leeg. Dati na curly at kumikinang kong buhok ay naging sunog at putol-putol. Dati na mahal kong buhok nawala nalang ng parang bula. P*ta lucky charm ko buhok ko alam niyo yun ha! Alam niyo!

Nanatili akong tulala sa salamin habang si licia naman ay u-ungos ungos sa tabi ko. Kung nalulungkot sya sa nangyare sa buhok ko mas higit pa ron ang nararamdaman ko. Powta para akong namatayan huhuhu. My hair, my precious hair. Lord please gising niyo ko parang awa niyo na huhuhu. My goodness! I'm so damn speechless. (T . T)

Nagising Lang ang diwa ko ng may kumatok sa pintuan ng kwarto namin ni licia.

"Twins my beau---- kyahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh.
What in the world happen to you Feu!
My god! FELIXXXXX! Your daughter my goodness heaven!" Sa lakas Ng sigaw ni mommy, isa isang nag sulputan ang mga katulong namin sa bahay at Isa na doon si daddy.

Makikita ang gulat at takot sa kanilang mga mata na animo'y nakakita ng isang malagim na pangyayare. Malagim naman talaga to, at maging ako ay hindi makapaniwala sa nangyare sa buhok ko arghhh. Manginyak ngiyak akong humarap sa kanila, nang aakma akong lumapit ay bigla nalang akong napatayo ng tuwid ng makita ang matalim na titig ng daddy namin.

" Furiousa and Fearlicia Traywick. GO TO MY OFFICE NOW!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"What the hell happen to your hair Feu! Ano nanaman yang ginagawa niyo! For god sake you two are already 17. Malapit na kayong maging ganap na adult! Come on girls your not a kid anymore can you act like one ha! The two of you will take the consequences! I can't believe this. Ang rami niyo ng sinunog. Muntik nang masunog noon ang bahay baksyonan natin sa cebu dahil sa isang pusa, na sunog niyo ang library na pag mamay ari natin sa Batangas at marami pa! And then....early this morning I just found out that my daughters are crying because she burned someone's hair!" Nangangalaiti na sigaw ni daddy.

Nanatili kaming nakatayo sa harapan niya at nanginging habang nakayuko. Nakatayo lang si licia sa gilid ko at halata rin nanginginig. Our mom is standing right beside dad, keeping him to cool down a bit. Namumula na kasi ang mukha ng daddy namin at malapit na talaga itong maglabas nag apoy, makikita mo kasi ito sa nagliliyab niyang mga mata.

"Explain it right now!"

Mabilis na itinaas ni licia ang kamay niya na animo'y na sa harap ng teacher niya ito.

"Daddy kasi ganito yan. Tinulungan ko po kasi si Feu na mag blow ng hair nya tapos nong nilagay ko na sa buhok niya yung blower, bigla nalang pong umusok yung ano..... hehehe yung ano po blower. Pagkatapos po non medyo nataranta kasi ako kaya kinuha ko kaagad yung blower tapos ayun nasunog na buhok ni Feu. Pero hindi pa po niya alam na sunog na pala kaya pinutol ko nalang buhok niya eh hindi naman ako marunong gumupit kasi nga nagbabaka sakali lang kasi ako na maaayos ko kaya...... ano.......ayun dad." Utal-utal na sabi niya.

Family Of AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon