112

206 10 0
                                    

Chapter 112.

Jennie Pov.

Lumilindol pa rin sa buong Archmendal Kingdom pero sinusubukan naming hanapin ang kumuha ng sungay ng Unicorn na tanging alaala ng mahal na reyna para bumalik na ang lahat sa dati.May hinala na kami kung sino yun pero hindi kami sigurado kaya patuloy pa rin kami sa paghahanap.Ipinabalik namin sa colony sina Zyra at Zyren pati na rin si Arvin para sa kaligtasan nila.Nagkakawatak watak na ang lupang tinungtungan namin at may bumubulusok na apoy na para bang bulkan kaya nahihirapan kaming kumilos.Mabuti na lang at nandyan si Kuya Lance para gabayan kami.Naghiwa hiwalay kami para mas mapadali ang paghahanap namin yun nga lang sobrang gulo na ng paligid,mga natutumbang bahay dahil sa unti unting tumatagilid ang Archmendal Kingdom.Kapag di agad namin iyon sa dati nitong pwesto siguradong marami ang mapapahamak.Hindi lang sa Archmendal Kingdom kundi pati na rin sa mundo ng mga tao.Sa paghahanap namin,napadpad kami sa pinakadulong bahagi ng Archmendal Kingdom.

Lisa:Ang tahimik ng paligid.Mag ingat kayo.
Kai:Hayyysst,pag nagtagal pa to,hindi na kayang alalayan ng hangin ko ang Archmendal Kingdom
Alice:Bukod dun,nanghihina na rin kami.Maya maya lang mawawala na ang lahat ng kapangyarihan ng mga immortal dito.
Heejin:Mahal na prinsesa?Ano ng gagawin natin?

Sa mga pagkakataong ako ang inaasahan nila?Hindi ko alam ang gagawin,ang prinsipe at mahal na hari pati na rin ang ilan sa mga kawal ng Archmendal Kingdom bigla na lang silang nawala.Hindi ako handa sa ganitong responsibilidad.Natatakot na ko,natataranta.Mas lalo akong kinabahan ng mas lalo pang tumagilid ang Archmendal Kingdom.Ang colony kung saan nandun ang kambal malapit na itong malaglag.Malayo yun rito pero tanaw na tanaw namin ang paggalaw nito.Nang makita ito ni Kai agad syang nagpadala ng malakas na hangin para magbigay harang sa pagkalaglag nito.Pansin kong hirap na hirap na si Kai hindi lang sya kundi lahat ng immortal.Tulong tulong silang inaangat ang Archmendal Kingdom.Gusto kong tumulong pero hindi ko alam ang gagawin ko.

Alice:Oh my god yung colony!
Kawal:Mahal na prinsesa,ano na pong gagawin natin?Naghihintay lamang po kami ng utos nyo.
Jennie: Ah hindi ko alam
Lance:Jennie yah!Mag isip ka ng paraan hirap na hirap na kami.
Lisa:Jennie yah?Kaya mo yan,para sa kaligtasan ng Archmendal Kingdom.
Jennie: (tumango)Mabuti pa Lisa,puntahan mo sila sa colony.Siguraduhin mong ligtas lahat ng nandun.Mag ingat ka!
Lisa:Sige.Ikaw din.Naniniwala kaming lahat na magagawa mong iligtas ang Archmendal Kingdom.

Matapos nyang sabihin yun ay umalis na sya.Sana tama tong naging desisyon ko,sana magtagumpay kami dito.

Jennie:Lili?
Lili:Mahal na prinsesa?
Jennie:Siguraduhin mong ligtas ang lahat ng mamayan ng Archmendal Kingdom
Lili:Masusunod.
Jennie: Kai??Kuya Lance at ilan sa inyong mga immortal sikapin nyo na mapanatiling maayos ang Archmendal Kingdom.Habang hinahanap namin ang nagsisilbing timbangan ng kaharian.
Lance:Sige!!Sana magtagumpay kayo.
Jennie:Mga kawal?Hanapin nyo ang prinsipe at ang hari.Ang iba sumama samin.Chanyeol,Heejin,Alice Unnie?Tito,Tzuyu at Jisoo Unnie magsipaghanda kayo hahanapin natin si Shaira.Sigurado akong sya ang may kagagawan nito.Jisoo Unnie?Nasaan si Jisoo Unnie?
Chanyeol:Kanina pa syang umalis habang nag uutos ka.Ang sabi nya hahanapin nya daw si Rosé.

Hayyysst,sinasabi ko na nga bang gagawa na naman ng sariling hakbang ng mag isa.Nilalagay nya lang sa kapahamakan ang sarili nya.Gusto ko syang sundan pero kailangang unahin ko ang mga tungkulin ko.Isa isang nagsialisan lahat ng mga inutusan ko hanggang sa kami na lang ang matira.Mula sa malayo natatanaw ko si Lisa na isa isang nililigtas ang lahat ng mga bata sa colony.Pinasasakay nya ito sa karwahe na sinakyan ko kanina.Pero hindi nya mag isang ginagawa ito,si Jisoo Unnie nandun sya tinutulungan si Lisa.Papalakad na sana kami para hanapin si Shaira ng magkaroon ng itim na guhit na syang naghati sa lugar kung saan kami pupunta.Dumilim ito at nagulat na lang kami ng isa isang sumulpot ang napakaraming kawal sa lugar na ito kasama nila ang Hari at ang prinsipe.May sumulpot rin na trono sa may pinakadulo nito malapit sa may bangin kung saan nakaupo si Shaira hawak hawak ang timbangan ng Archmendal Kingdom.Ang mga kawal na nakapaligid sa kanya kontrolado na nya itong lahat.

Imagine 2.(The Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon