Con

198 11 0
                                    

Continuation....

Jennie:Sinasabi ko na nga bang ikaw ang kumuha ng alaala ng mahal na reyna.Ibalik mo samin yan pagmamay ari yan ng Archmendal Kingdom
Shaira:Paano kung ayoko?Sasaktan nyo ko ganun ba?

Inutusan nya ang mga kawal nya para atakihin kami.Sa ayaw at sa gusto namin wala kaming nagawa kundi ang labanan sila.Tumingin ako sa paligid ko,natatalo na ang mga kawal ko nanghihina na sila dahil hanggang ngayon na kay Shaira ang bagay na pinagkukunan nila ng lakas.Kapag nagpatuloy pa ito baka tuluyan ng bumagsak ang Archmendal Kingdom.

Jennie:Shaira!!!Sabihin mo,ano ba talagang kailangan mo para lang ibalik mo samin yan?
Shaira:Ahmmm,una si Lisa,pangalawa yung trono at pangatlo kapangyarihan nyong lahat.Ano kaya mo bang ibigay lahat ng yun?
Jennie:Parang isinuko ko na rin sayo ang buong Archmendal Kingdom kung gagawin ko yun.
Shaira:Fine!Madali naman akong kausap

Itinagilid nya ang hawak nya dahilan para mas lalo pang tumagilid ang Archmendal Kingdom.Yung hangin ni Kai unti unti ng nawawala.Maaring malaglag lahat pag nawala yun.Wala ng umaalalay sa colony kaya isa isa na itong nagsihulog.Mabuti na lang at nailigtas na ni Lisa........

Zyren:Daddy!!!!(sigaw nito)Mommy!!
Jennie:Zyren?
Zyren:Daddy tulungan nyo ko Daddy!.
Lisa:Zyren kumapit ka lang.Pupuntahan ka ni Daddy dyan.
Zyren:Daddy!!
Shaira:Hahaha!!Ano Jennie?Gusto mo pa bang makitang mawala ang isa sa mga anak mo.
Jennie: Shaira parang awa mo na itigil mo na to.
Shaira:Bakit??Hindi ka na ba nag eenjoy sa larong to kaso nag eenjoy pa ko eh.

Mas lalo pang tumagilid ang Archmendal Kingdom.Napakapit na lang din ako sa isang batong nandun para hindi malaglag.Karamihan sa mga bahay,kawal,at mga nanghihina ng immortal ay nahulog na.Medyo nakahinga ako ng maluwag ng mapansin kong mahawakan ni Lisa si Zyren pero napawi rin kaagad yun ng mahulog pa ang ilang bata sa karwahe  kasama na si Zyra.Bago pa man tuluyang malaglag si Zyra ay nahawakan rin ito ni Lisa ng isa nya pang kamay.Yun nga lang dahil hawak nya ang dalawa nakaipit lang ang mga paa nya sa isang bato at kahit konting paggalaw nito pwede silang mahulog na tatlo.Napansin kong may iniutos si Shaira sa mahal na hari at prinsipe dahilan para patamaan nila ang bato kung saan ako nakahawak.Napabitaw ako dito,akala ko mahuhulog na ko pero hindi someone grab my hand bago pa man ako mahulog.

Jisoo:Ok ka lang mahal na prinsesa?
Jennie:Salamat Unnie.
Shaira:Babe?
Jisoo:Tama na to Shaira,tumigil ka na.
Shaira:So hindi ka na pala naniniwala sakin ngayon,iba na yung pinagtatanggol mo
Jisoo:Kung akala mo nakontrol mo yung  mga pag iisip namin?Pwes,hindi ikaw ang napaniwala namin na tagumpay lahat ng plano mo.Ngayon umalis ka sa katawan ni Rosé at ibalik mo samin yan.

Dumating rin sina Kai at ang ilan pang immortal at pinalibutan si Shaira.Sa isang kurap ni Tzuyu bumalik sa pag iisip ang kawal,hari at ang prinsipe.

Jennie:Ibalik mo na samin yan,wala ka ng magagawa mag isa ka na lang
Shaira:Bakit kaya nyo ba kong saktan?I mean si Rosé.
Jisoo:Wag mong gamitin si Rosé para sa kaligtasan mo
Shaira:Arrrrrgh!!!

May namuong itim na kapangyarihan sa kamay nito at pinatama ito sa kinaroroonan nila Lisa.Wala akong nagawa kundi ang mapasigaw na lang at panuorin silang unti unting mahulog.Di ako makakilos dahil siguradong tatakas si  Shaira.Ito siguro ang sinasabi ni Ina kailangan mong unahin ang tungkulin at responsibilidad mo bago ang sarili mo pero hindi.

Gusto ko silang puntahan pero saan,minsan na silang nawala sakin at ngayon tuluyan na silang nawala sakin.Sa galit ko,kinuha ko ang panang hawak ni Tzuyu at tinutok ito sa kanya.Hindi ko alam ang gagawin ko ayokong saktan si Rosé pero anong gagawin ko?Pinagtulong tulungan nilang igapos si Shaira ng kapangyarihan nila para mas madali ko itong mapatamaan.

Shaira:Sige Jennie!!Saktan mo ang kaibigan mo.Para mawala na yung nag iisang kasiyahan ng kapatid mo.
Bambam:Jennie sige na tapusin mo na to.
Lance:Hindi na namin to kaya!!
Jennie:Jisoo Unnie??

Tumango lang ito bilang sagot pero bakas sa mukha nya ang lungkot.Konti na lang mawawasak na ang Archmendal Kingdom kaya wala na kong nagawa kundi pakawalan ito.Pagka kawala ko nito hinintay na lang namin itong tumama sa katawan ni Rosé pero hindi.Nagulat na lang kami ng sumulpot sa harapan nya si Jisoo Unnie kaya sya ang tinamaan nito.

Jennie: Ji....jisoo Unnie
Jisoo:Alam kong nandyan pa rin si Rosé

Niyakap nya ito dahilan para tamaan din si Shaira ng panang ito sa puso.May lumabas na itim na dugo sa bibig nito at nabitawan nya ang hawak nyang timbangan ng Archmendal Kingdom na agad kinuha ng hari at dinala sa dapat nitong kalagyan.Maya maya pa bumalik na sa ayos ang lahat.Nakayakap pa rin si Jisoo Unnie,napansin ko ang isang luhang pumatak sa mga mata ni Rosé. Dun ko naramdaman na tama si Unnie hindi nawala si Rosé.

Rosé: Salamat.Pinalaya mo ko.
Jisoo:Magkakasama na tayo mahal ko.

Lalapitan ko sana sila pero bigla na lang naging paro paro ang mga dugo nila at lumipad palayo ganun din ang katawan nito na unti unti ng nawala.Masaya ang lahat,maayos na ang Archmendal Kingdom.Buhay ako,ligtas pero hinihiling ko na sana ako na lang din yung nawala.

Imagine 2.(The Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon