This Girl
by: The 1975
--
AN ORDINARY day for Gabrielle Louise Almeda. Going to school in her 1st year of being in college. Taking up a Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management.
Pagpasok pa lang sa loob ng university ay nakita nya na ang mga umpukan ng mga estudyante. Mga wala itong pakialam sa paligid nila. Kunsabagay, sino nga ba naman siya upang pag-ukulan ng oras ng mga ito?
Tiningnan n'ya ang paligid at animo'y mga nasa highschool pa ang mga nag-uumpukan na estudyante na babaeng humahagikgik pa. Huminga sya ng malalim at tinahak na ang daan papunta sa first subject n'ya.
She walk proud. Hindi naman sya kinakabahan dahil sanay na sya sa ganito. Kung sinu-sino ang nakakahalubilo n'ya noong nasa highschool pa sya. Dahil kasali sya sa isang dance troop ng paaralan nya. Sanay din sya sa atensyon na ibinibigay ng school n'ya dati.
Pero ngayon nagpapakalow profile pa muna sya. Ayaw pa muna n'ya sa atensyon dito sa university na ito. Hello, baka sabihin ng iba, takaw-atensyon sya. Ayaw nya iyon. Sa sarili n'yang galing, gusto nya dun sya makilala.
Nasa hallway na sya ng makasalubong nya ang ampon ng mga magulang n'ya. Si Kristian. Labing-apat na taong gulang ito nang ampunin ng kanyang mga magulang. Napangiti sya ng mapakla. Dahil kung noon, bago pa ito makilala ng mga magulang, ay buong atensyon ng mga ito ay nasa kanya. Ngayon, ni kalahati niyon ay walang natira sa kanya. Nasa binata na ang atensyon ng mga ito. Hindi man buong atensyon, dahil nasa negosyo ang iba, ay nakikitaan nyang mas pinahahalagahan nila ito kesa sa kanya.
Bitter na kung bitter pero yun ang nakikita n'ya. Lalo na ng magkasakit ito. Halos gabi-gabi ay mag-isa sya sa bahay dahil nasa ospital din ang mga magulang nya at binabantayan ang sampid na ito.
"Kristian,"
Untag n'ya dito ng malagpasan sya nito. Hinarap n'ya ito. Tumingin naman ito sa kanya. His dark brown eyes is intently looking at her. Tinaas pa nito ang isang kilay. Maybe, hindi nito inaasahang tatawagin nya ito.
"Sasabay akong uuwi sayo."
Pagkatapos nun ay tinalikuran n'ya na ito at nagsimulang maglakad ulit. Sinabihan kasi sya ng mommy niya na sabihin sa binata na palagi silang sabay uuwi. Para narin siguro makatipid sa gasolina dahil may kotse ito. At maging ligtas sya sa pag-uwi.
Naglakad na sya palayo rito. Lumingon sya sa pinag-iwanan n'ya kay Kristian. Nakita naman nyang may mangilan-ngilan sa mga dumadaan sa hallway ay tiningnan sya, ang ilan pa dito ay lalaki na ngumiti sa kanya ng tingnan din n'ya ang mga ito.
Hindi na din naman bago sa kanya ang mga ipinapakita ng mga ito. Kahit no'ng highschool pa lamang sya ay sanay na sya sa mga pagpapalipad-hangin ng mga schoolmate nyang lalaki. And there's one time na may naglakas-loob sa kanyang manligaw, si Geoff. Crush n'ya na ito, first year highschool palang sya. Third year sya noon, forth year naman ito nang sagutin n'ya ito. Kaklase rin ni Geoff si Kristian.
Sekreto ang pagiging mag-on nila. Pareho silang sikat sa St. Bernard High. Sya, bilang isang mananayaw. Si Geoff naman ay bilang manlalaro ng basketball. Power forward ito at MVP. Sya ang may ayaw nu'n na ibunyag ang relasyon nila. Naiintindihan naman ito ni Geoff. Mahal na mahal nila ang isa't isa.
"Ang gwapo talaga ni Kristian! Sino kaya yung kausap n'ya?"
Napailing sya. Kung hindi lang nakialam noon si Kristian ay di sana sila pa rin ni Geoff ngayon. Umalis si Geoff ng bansa nang magtapos ito ng highschool. Ni hindi ito nagpaalam sa kanya. Lagi kasing nakabuntot si Kristian sa kanya. Sinumbong sya ni Kristian sa mga magulang n'ya. At nang malaman nila ito ay pinabantayan na sya ng mga ito kay Kristian.
Napangiti sya ng mapait. Pati tiwala ng mga magulang nya sa kanya ay nawala. Kasalanan din naman n'ya.
Tumalikod na sya saka tuluyan ng umalis sa lugar. Baka ma-issue pa sila ni Kristian. That's the last thing that she would do. Having an issue to that 'sshole.
-----
PAGKAPASOK SA designated room n'ya ay agad syang naupo malapit sa bintana. Hilig n'ya na ito.
Maaga syang pumasok kaya't inaasahan n'ya ng konti palang ang nasa classroom. Habang nakatingin sa bintana, inilabas n'ya ang kanyang ipod at isinalpak sa mga tenga ang earphone na nakakabit dito.
"Hi."
Nasa minimum volume lang ang kanyang ipod kaya't narinig n'ya ang bumati sa kanya. Inalis nya ang earphone at binalingan naman ito.
"Hi."
Nakangiting ganti n'yang bati rito.
"Freshmen?"
"Yes. Bakit?"
"Ah. Wala. Napansin ko kasi kayo kanina ni Kristian Dela Peña na nag-uusap. Uhm, magkakilala ba kayo?"
"Freshmen ka rin ba?"
Imbes na sagutin n'ya ang tanong nito ay nagtanong rin sya.
"Oo. Ah, kaano-ano ka ba ni Kristian?"
"Ah. Hmm..." Sasabihin ba n'yang nakatira ito sa bahay nila?
"Magkakilala ang mga parents namin. May pinasabi lang si Mommy kaya ko sya kinausap."
Saglit lang yung pag-uusap na 'yon, may issue agad?
"Bakit mo pala naitanong? Tsaka, upo ka. Mangangalay ka dyan."
Tsaka nakakangalay din ang nakatingala.
Naupo naman ito agad.
"Eh kasi, isa si Kristian na bumubuo sa kilalang grupo dito sa campus."
"Anong klaseng grupo?" Curious sya sa klase ng grupo na sinalihan ng binata. Sa bahay naman kasi ay hindi naman nya namamataan ang binata. Wala din kasi syang pake.
"Ah. Grupo 'yon ng limang lalaki. Si Kristian Dela Peña, na sabi mo e kilala mo, yung tahimik lang at medyo seryoso. Si Jairus Oliver naman, yung kilalang musician ng grupo. Si Ralph Samañiego, yung laging tambay sa library. Mahilig kasing mag-aral yun. Si James Pineda, isa sa manlalaro ng basketbal dito sa campus. Captain sya ng team. At yung last, si Alvin Alcantara. Naku..."
Tiningnan sya nito ng mabuti. Napaatras sya dahil ang wirdo nito kung tumingin.
"Mag-iingat ka sa lalaking yun!"
She snapped. Napakunot naman ang noo nya.
"Bakit?"
"Hindi n'un pinalalagpas ang mga magaganda kagaya mo. Yung isang yun ang kilalang Lady-killer sa campus."
"Eh bakit ang dami mong alam tungkol sa mga yun?"
Napakamot naman ito ng batok saka sumagot.
"Pinsan ko kasi yung isa sa mga tukmol na 'yon. Si James. Ah syanga pala, ako ng pala si Jamelle Pineda."
"Gabby, Gabrielle Almeda."
"Gabrielle. Ang ganda naman ng pangalan mo."
Ngumiti lang sya. Sa tabi na rin n'ya umupo si Jamelle nang nagsimula na ang klase.
**
The chapter title is referring to Gabby (:
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved
RomanceCopyright ©2015, piichiieme. Gabrielle Louise Almeda grew up in a complete family. Alagang-alaga siya at nabibigyan ng mga pangangailangan niya. Pero nang dumating si Kristian Dela Peña, ay nag-iba ang lahat. Nawala na parang bula ang dating atensiy...