Chapter 19

399 18 1
                                    

Kinakabahan, pinag-pawisan, parang natatae na ewan. 'Yan ang nararamdaman ni Violet ngayon. Hindi pa rin siya makapaniwala na tenext siya ni Ford at nangingimbita pa ito na lumabas mamaya.

"Couz!" Halos mapa-lundag siya sa sigaw ni Julia. Kanina pa kase siya tulala. Kahit nakarating na sila dito sa bahay nila.

"What?"

"Okay ka lang? Para kase'ng kanina ka pa tulaley dyan"

"Okay lang ako. Pero ang puso ko..."

"Ano?" Julia's eyebrow arched.

"Kanina pa kase nagwawala e, naka-basa lang ng text galing kay ford."

"Ah, so nakakabasa na pala ang puso ngayon? Astig." Pabalang na sagot ni Julia. Nabato niya tuloy ito ng unan.

"I'm serious." Naka-simangot niya'ng sabi rito.

"Okay fine. Ano ba ang text niya?"

"Magkikita daw kami ngayo'ng gabi."

"Eh, magkikita lang pala eh---- ANO?? Makikipag-kita siya?" Gulat na sabi ni Julia pero natatawa na ito. "Haba ng hair mo Couz. 'Wag mo ng ayawan, once in a blue moon lang mangyayari 'yan."

She shrugged. "Nahihiya ako e."

Lumaki naman ang mata ni Julia, tapos binatukan siya. "Nahihiya? Wtf! Ngayon ka pa mahihiya?"

"Eh sa nahihiya ako. Paki mo ba?"

"Aw, bahala ka. Kung ayaw mo eh di nasa sa 'yo rin 'yan. Tandaan mo ha? Walang pagsisisi ang nauna." Then Julia got up, tapos ay pumunta na ito sa may pintuan. "I'll go home na. It's already 8pm. Hinanap na ako ni Daddy."

She just nodded. Pagkatapos ay umalis na si Julia.

---

"Sabihin mo na Court." Kanina pa ipinag-tulakan si Court ng kanyang mga classmate's pero, hindi niya pa rin masabi-sabi kay Keir na gusto niya itong imbitahin.

"Nahihiya ako, ano ba kayo." Pilit siya'ng kumawala sa hawak ng mga ito. Halos masakal na nga siya dahil sa higpit kung maka-hawak ang mga ito.

She looked at Keir na ngayon ay busy sa pagsusulat ng mga notes nito. Hindi man lang siya binigyan kahit glance lang.

"Hay naku Courtney, hindi na uso ngayon ang lalaki ang naunang mag confront ah? Uso na ngayon mga babae." Sabi ng isa niya'ng kaibigan na napasapo sa ulo nito.

"Eh, para sa inyo 'yun. Pero para sa 'kin... importante pa rin pag ang lalaki ang nauna."

"Luhh Girl, paano pag nahihiya rin 'yung guy? E di maghiyaan nalang kayo forever? Hindi niyo talaga makikita ang true love pag ganun." Sabi ni Girl number two.

Courtney sighed. "Fine. Pero, paano kapag na reject ako?"

"Kaya nga may kasabihang hindi mo malalaman pag hindi mo sinubokan di ba?"

No choice. She works towards keir who's busy doing his notes.

"Hoy panget" Tumingin siya dun sa mga kaibigan niya na nadismaya. She just shrugged tapos hinarap ulit si Keir na ngayon ay naka kunot ang noo na naka-tingin sa kanya.

"What?"

"Date tayo." Sht. "I mean, libre kita. I have something to talk to you." She continued pero halatang hindi na nakikinig si Keir dahil naka-ngiti na ito.

"Date? Uy! Nag-aya ka sa 'kin ng date Court?" He's smiling ear to ear na para ba'ng nang-iinis ito kay Court.

"Hindi date, gonggong. Ugh! Bakit ba kasi ako naniniwala sa mga kaibigan ko."

Crazy little thing called "Destiny"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon