Nilalamig habang nakaupo at may hawak na bote nang alak sa tapat nang seven eleven malapit sa may sampaloc lake kasama ang mga tropa ko. Fiesta ng Bayan ngayon dito sa San Pablo, nagaya sila na manood nang Lakan at Mutya pero hindi naman kami nanonood nagiinom lang sila. Hindi nako nagpapaalam dahil simula fourteen years old pa lang ay sanay na sila na nasama ako sa mga kaibigan ko tuwing may gantong ganap.
"Oh! ayan pa!" si Thalyn at nilapag ang tatlong bote nang san mig sa lamesa.
"Iinom pa kayo?" tanong ko at ininom ang natitirang alak sa bote.
"Oo, uminom ka pa san mig lang naman to eh" pangiimpluwensya ni Thalyn.
"Ayoko, tama na ako sa isa" sabay yakap ko sa aking sarili.
"Mahina to, isang san mig lang, mahina" mayabang na sabi ni Mikee
"Hindi naman malakas uminom si Louise, di na kayo na sanay dyan" napatingin kaming lahat sa likod ko nang magsalita si Theo sa likod.
Tama si Theo, hindi ako malakas uminom, nasama ako sa kanila pag pupunta sila sa bar o pag ganto, pero hindi talaga ako nainom, san mig lang iniinom ko pero isa lang kaya ko. Sila yung malalakas na uminom.
"Nine ang usapan, ten thirty five ka dumating?" mataray na tanong ni Thalyn.
"Sorry na agad" Umupo sa tabi ni Thalyn at inakbayan.
"Sabi mo susunduin mo ako?! eh bat mas nauna pa ako sayo?! anong ginawa mo?! san ka galing?!" naiinis na sigaw ni Thalyn kay Theo habang kinukurot ang tagiliran.
"Aray! I love you na" paglalambing ni Theo
"Mama mo I love you!" pagtatampo ni Thalyn
"Anong gusto nang bebe na yan?!" parang batang tanong ni Theo
"Hmp!!" sigaw ni Thalyn
"Eto na nga lalambingin na" sabay yakap ni Theo kay Thalin at hinalikan sa labi
"Ang cringe nyo!!" sabay na sigaw namin ni Mikee
Yes, boyfriend ni Thalyn si Theo. Kapag kasama namin yan dalawa, ang bitter namin ni Mikee. Minsan pag wala si Mikee at nagyaya sila mag gala, third wheel ako.
"Antagal ni Enzo, yari sakin yon pagdating" inis na sabi ni Mikee
"Wag na magalit nandito nako!" sabay halik ni Enzo sa pisngi ni Mikee.
Bitter si Mikee, pagwala si Enzo, magkakaibigan kaming lima, hanggang sa nagconfess si Enzo at Theo kay Thalyn at Mikee. So, ako lang yung walang boyfriend, madaming nanliligaw saken sa school pero walang pumapasa sa standards ko.
"Sorry late" sabi ni Enzo kay Mikee at nagpuppy eyes.
"Okay lang" sabay ngiti ni Mikee
"Oy!! putangina reyna nang karupukan!!" malakas na sigaw ni Thalyn kaya napatingin samin yung ibang tao.
"Babe, bunganga mo!" suway ni Theo.
Kahit kailan talaga tong babaeng to ee
"Akala ko ba manonood tayo nang Lakan at Mutya?" tanong ko
"Onga tara na!" isang yaya ni Mikee ay nagtayuan na kami
Naglakad pa kami hanggang makarating sa plaza, sa central school nagaganap ang Lakan at Mutya kaya dun na kame dumeretso. Pagpasok namin ay madaming tao, malalakas na music at nakakahilong party lights na paikot ikot.
Gym to ng central school, private to, kapag may film showing na magaganap ang buong school, dito lagi nagaganap dahil malaki at kasya ang madaming tao. Umakyat kami sa pinakataas para makita pa namin lalo.