Nakasandal sa backseat ng kotse at nakatingin sa labas ng bintana, iniisip kung tama ba yung ginawa ko kanina. Nagsisisi ako at kinakabahan dahil sa nangyari kanina andaming babae ang nakapalibot samin at sa tingin ko ay maiissue kami.
"Louise, si Jay daw yung nanalong lakan, may party daw sa bahay nila iniinvite tayo, gora ba?" tanong ni Thalyn.
Party yon, paniguradong nandon lahat ng lakan at mutya nandun din ang mga judges, so it means nandon din yung lalaking humalik sakin kanina. Ayoko, hindi ako sasama.
"Hoy girl! gora ka ba?" kalabit sakin ni Thal
"Uh... Hindi ayoko inaantok na ako" pagtanggi ko na may kasamang pag-iling ng ulo, ayoko talaga
"Sure ka? ngayon ka lang tumanggi samin?" paninigurado pa nya
Ayoko talaga baka kasi may bisita si Jay na nakakita samin nung lalaki kanina at ipagkalat, nakakahiya.
"O-Oo sure ako" sabay ngiti ko
"Aba, mukhang hindi naghahanap ng jboys ah! bakit? may nahanap ka na ba? ha?!" pangungulit ni Thal
"Ulul wala! tumigil ka nga!" suway ko at tumigil naman sya
Nakarating kami sa Donya Eusebia, subdivision ng concepcion dun kami nakatira. Nang makarating sa mismong bahay ay bumaba na agad kami.
"Hindi ka ba talaga sasama?" tanong ni Thal ng makarating ako sa gate ng bahay.
"Hindi muna Thal, sorry" ngumuso sya ng sumagot ako
"Sige na nga! bye" yumakap ako sa kanya at inintay na pumasok sa bahay nila Jay bago ako pumasok sa gate.
Hahawakan ko pa lang ang doorknob ng pinto ng may humawak sa kamay ko at higitin ako palabas ng gate. Inikot nyako at hinawakan ang pareho kong pisngi at hinarap sa mukha nya.
"Samahan mo ako!" ngiting ngiti na sabi ni Ate Phey
"Saan?" naka kunot noong tanong ko
"Sa bahay nila Jay" napaatras ako ng sabihin nya yon
"Ayoko Ate! ikaw na lang" pagtanggi ko ng sobra
"Samahan mo na ako! parang tanga! parang hindi ako kapatid!" inis na sabi nya pa
"Asan ba mga kaibigan mo? akala ko andito sila ngayon?" tanong ko
"Busy daw sila eh kaya ikaw na lang!" pagnguso nya pa
Tinitigan ko ang suot ni Ate. Nakatube na itim at sexy plaid high waist skirt na red, malaki ang bilog na hikaw at red na red na lipstick and over the ankle boots.
"Anong suot yan Ate Phey?" tumawa ako
"Bakit? pangparty naman to ah" sabay tingin nya sa suot nya
"Pool party yon Ate Phey! dapat naka two piece ka!" tumawa ulit ako
"May bra at panty naman ako sa loob, huhubadin ko na lang to kaya samahan mo nako" hihigitin na naman nya ulit sana ako pero hindi ako umalis sa pwesto ko.
"Ate Phey, ano kasi... Ayoko" pagtanggi ko
"Anla! sige na!" nagpapadyak sya na parang bata sa harap ko.
"Ate Phey naman" napakamot ako sa ulo ko
"Dali na! please!" pinagintertwined nya pa ang kamay nya at nakangusong nagmamakaawa sakin
"Sige pero saglit lang ako ha?!" sabi ko pa
Hindi nyako sinagot at basta na lang ako hinigit papunta sa bahay nila Jay. Malaki ang bahay nila Jay sa labas akala mo lang maliit pero malaki sa loob. Up and down ang swimming pool at may bar sa rooftop katabi ng roofdeck.