Lagi syang hindi tumutupad sa usapan ang hirap nyang pasunurin sa schedule pero nakapagtataka lang na ni minsan hindi sya nalate sa class pero sa mga bagay sa labas ng school lagi syang hindi sumisiput.
Minsan may nakaaway akong mga bully.. nagkataong absent siya at napadaan ako sa tapat ng English Building at napagtripan ako ng mga “Judges”. Tinatawag silang mga “Judges” kasi sila yung mga taong mahilig pumuna ng lahat ng nakikita nila. Mula ulo hanggang sa dulo ng talampakan mo lahat nang iyon may description at may procedure kong paano at ano dapat ang tama.
Mangyaring naglalakad ako patungo sa canteen tapos my biglang sumigaw.
"Oy tingnan nyo may palaboy na nakapasok sa campus natin"
Hindi ko sila pinansin ngunit pinagpatuloy nila ang pangungutya sa damit at sa pagkatao ko. Ano ba ang mali sa snickers, at faded na maong, loose na sweat shirt at dambuhalang back packed.
“Hindi siguro updated ang anti virus ng canteen my nakalusot na firewall natin. Tingnan mo naman ang back-packed parang pagong.”
Hirit ng isang matabang kasama nila.
Ok lang sana kong patungkol lahat sa akin kung hindi lang sana naisama sa comment nila ang bag ko. Regalo kaya to sa akin isang buwan tong pinag ipunan ni Aning. Mula sa mga kalakal at mga lumang newspaper na naipon niya sa tambakan ng basura. Napuno ako sa mga sinasabi nila at bigla kong nasabi.“Mamaya sa labas, sa tabi ng lumang building alas dos ng hapon...”
Tapos dali-dali akong lumabas baka kong ano pa ang mangyari sa buhay ko. Bakit ko pa kasi sinabi ang ganoon? Agad akong tumungo sa boarding house ni Aning. Tinanong ko ang landlady kong nasaan siya. Nasa room daw niya nagmumukmuk. Iyon ang una kong pagbisita sa bagong boarding house niya.
Pagbukas ko ng pinto tumambad agad sa akin ang sampayan ng kanyang mga underwears na magkahalong nakaclip sa isang hanger. My mga supot ng noodles sa sahig at mga di nahuhugasang mga mug sa isang sulok. Hay naku! Si Aning talaga di ko alam kong hoarder siya o likas lang talaga siyang environmentalist kasi para siyang nagcuculture ng rare specie's ng mushroom at mga ipis..para bang ang hirap sa kanya magtapon ng mga bagay na di na niya kailangan. Hinawi ko nalang ang mga basura na nakapaligid sa akin, nakakagigil parang gusto kong e organize ang mga gamit niya at lagyan ng label at itemized ang mga ito base sa function at utilization at gawan ng inventory checklist. Pero sa gitna ng masalimuot niyang kweba natagpuan ko ang natutulog na Dragon sa lower deck ng isa sa mga higaan sa room na iyon.
"Oy aning my nakaaway ako tulong naman..."Di siya sumagot.. nababalot ang katawan nya sa paborito nyang kumot at nakaupo ako sa tabi nya at kinukwento ang nangyari sa canteen.. nanibago ako kasi parang wala siyang reaction di tulad ng dati na sobrang excited sya pagdating sa gulo. Kaya sinubukan kong alisin ang kumot na nakatakip sa ulo nya.. at bigla siyang nagising. Masama ang tingin niya sa akin at parang naalipungatan ang mga mata niya parang may mga pangil tulad siya ng isang halimaw na naistorbo sa magandang pagkahimlay. Halatang galit siya pero ng maaninag niya na ako ang gumising sa kanya bigla niyang nasabi..
"Oy..Dong andito ka pala.."
Medyo hirap siyang magsalita at mahina ang boses, nakakapanibago ang tamlay niya kaya hinawakan ko ang kanyang noo at bigla akong nag- alala ng maramdaman na ang taas ng lagnat nya.
"Aning kailan ka pa my lagnat?"
Concern na tanong ko sa kanya.
"Kagabi lang siguro dahil sa pagud. Bakit ka andito my trouble ka ano?
Tanong niya na my halong excitement sa boses niya, ibang klase talaga ang babaeng to. Sasabihin ko sana ang nangyari pero inisip ko ang kalagayan niya.
BINABASA MO ANG
Mga Pahina sa Buhay Niya
فكاهةIto ay tungkol sa weirdong relasyon ng dalawang tao na may halong saya at lungkot. Mga araw na binabalik tanaw na may ngiti sa bawat sulyap ng nakalipas. Sa maikling sabi, isa na namang kuwento ng pag- ibig na nasulat ng isang sira ulo.