"Ang sabi mas masusungit daw yung mga teachers sa high school! Nakakatakot insan! Parang ayoko nang mag-high school!" - Ito si Raffy as in "Erika Rafaela Reis Alcantara" ang pinsan kong ubod ng talino pero napakanerbiyosa ! at napakamahiyain din!
"Ito na naman tayo Raffy ehh.. tumigil ka nga sa pagiging negative mo! haayyy..." - Ako naman si Zen as in "Zen Kristen Reenesme Alcantara" ang bida sa kuwentong ito.. haha! Masayahin, matalino din (pero di kasing talino ni Raffy), adventurer ako at matapang..
Yun kasi yung pagkakadescribe ng ibang tao sakin...
Sana maging exciting 'tong high school life namin ng pinsan ko... at sana classmate ko rin si crush! waaahh!!! :3
I am the only child of the family. As in walang sister and brother... kaya nga only ehh noh??
kasi menopause baby ako ehh.. masayang masaya sila mama nung pinanganak ako, akala kasi nila baog si papa.. dahil wala akong kapatid inampon na lang nila mama si Erika (Raffy) para may makasama ako hanggang sa lumaki ako at hindi daw ako lumaking spoiled... parang kapatid din.. pero dahil alam namin yung totoo... Insan parin tawag nya sakin at hindi ate.. nasanay na sya.. minsan pag napagtripan niyang tawagin akong ate.. ginagawa niya.. pero minsan lang... madalas tawag niya sakin insan o "Zen" lang kahit mas matanda ako sakanya ng dalawang taon.
Grade seven si Raffy at second year high school naman ako..
(@ the covered court)
my POV
naghahanap kami ng section namin sa bulletin board... nahanap ko yung akin, pero dahil natatakot parin itong si Raffy at kinakabahan sa first day of school sinamahan ko nalang din sya maghanap..
"Zen, nakita ko na yung section ko! section one parin ako.. kaklase ko parin sila! yehey!!!"
"malamang! ganun talaga block section ata kayo eh! tsaka hindi bumababa grades mo para mawala ka sa section one adek!"
(SECTION ONE- meaning sila yung section ng mga pinakamatatalinong students sa school.)
" Zen, bakit naging section two ka?? hala! lagot ka kay mama! ( tawag niya rin sa mama ko "MAMA")"
"Eh ganun talaga! hindi naman kasi ako kasing talino mo para maging consistent section one noh! Adek!"
"Ok lang yan! bawi ka nalang sa 3rd year mo Zen!"
"haha! sana makabawi! ok lang ako noh... ano ka ba!"
THE BELL RANG...........
(In the classroom)
umaygad! ito ang problema sakin ehh.. napakamakakalimutin ko! nakalimutan ko kung anong section ni CRUSH!! waah!
"Zen, natatakot ako, ayoko pumasok sa classroom mukhang masungit yung teacher namin ehh! haaaay!!!"
sabi ni Raffy habang nakatayo sa harap ng pinto ng classroom namin...
"Ano ba Erika Rafaela! tumigil ka nga sa kaartehan mo! grade seven ka na! wag kang umasta na parang baby parin! malalaki na tayo para alalahanin pa nila mama! umayos ka nga!"
(mangiyak ngiyak na si Raffy!)
T.T "Zen, ayoko talaga! tingnan mo yung hitsura ng teacher namin! nakakatakot! mukhang magiging miserable buhay ko dun pag siya teacher ko! huhuh"
"Umaygad Raffy! isusumbong kita kay mama ! umalis ka na dito at bumalik sa room niyo! bilis!!! kakairita ka na!!!!"
(galit na talaga ako... kasi sa tuwing first day na lang, laging ganito ang eksena ni Raffy. Kahit na nandon yung mga dating classmates niya at magkakaklase parin sila, hindi parin niya maiwasang kabahan sa first day... sinanay kasi ni mama ehh... naispoiled kaya naadek,,, haaayy)
ayun umalis na rin si Raffy at bumalik na sa room niya... haaayy salamat.... hindi na ako kinukulit ng bruhang kapatid kong yon... tsk.
SUDDENLY...
may pumasok na estudyante sa room.... umaygad!!! sino to??? transferee? ang guwapo!!!!
(YAIKKSS!!! SI Josef!!!! SI JOSEF PALA!!! ampogi parin niya!!!! waaahh!!!! siya yung crush ko... di pala crush... love ko... ayy hindi pala love... siya yung sinasamba ko.... waaahhhh OVER OVER eh noh???)
basta I like him.. <3
"Hi Zen! classmate parin pala tayo? :)"
"Hi Josef! oo nga ehh! hindi ko alam na section two ka rin pala! hehe"
GOD's WILL, kasi CLOSE KO NAMAN 'TONG CUTE NA TO EHH>> kaya walang deadmahan dito sa kuwentong ito... hahahaha ansaya ng buhay ko! classmate ko si JOSEF TOLENTINO!!!!! <3
BINABASA MO ANG
"Sun-seng-neem, sarang hae yeoh!"
Horror"Nakakainis yung teacher ko! Daig pa nanay ko kung magdemand! Argghh! Akala mo kung sinong mataas magbigay ng grade! Napakaterror!!!! waaah!!!!" -Raffy "Sun-seng-neem a Korean word which means "Teacher", "Sarang hae yeoh" means I love you" "Teache...