Chapter 3

45 1 0
                                    

Sophia's POV

Tinawag niya ko sa pangalan na palagi niyang tinatawag sakin. Bakit ganun? Akala ko ba nakalimutan ko ba siya? No. Hindi pwede to. Kaya nga pala ako nandito para mag revenge. Oo mag hihiganti ako. Nasaktan ako e. Kailangan niya din masaktan. Para malaman niya ang pakiramdam ng nasaktan ng taong mahal niya. Alam kong mahal pa rin ako ni Dominic. The way he looks at me. Three months. You'll be under my spell,Dominic.

...

Nagbihis ako at pumunta sa bahay ni Dominic. Alam kong ayaw ni Jofie tong gagawin ko. Pero walang makakapigil sakin. Kailangan kong gumanti. Nandito kaya si Dominic? I rang his doorbell twice. Damn! Ayoko ng pinag hihintay ang Dyosang katulad ko! Takte. Wala naman yata siya dito e. Makapaglakad lakad muna. Naalala ko,may malapit na mini park nga pala dito. Sa park na yun,dun ko siya sinagot.

Flashback

"BabyLoves,ano ba to? Bakit may blindfold pa po ako?" Naku! Ang daming alam ng BabyLoves ko.

"Wag ka mainip okaay? Ayan. Remove your blindfold now" sinunod ko naman siya. WOW. Dinner with a candle light. Ang ganda. Kitang kita din ang paglubog ng araw. Ang swerte ko talaga kay Dominic. Sana kami na panghabambuhay.

"BabyLoves,ano to? Hmm! Di mo naman sinabi na may dinner tayo dito sa park. Tignan mo ang pangit ko tuloy nag pout ako. Kasi naman e. Gusto ko lagi akong maganda sa paningin ng BabyLoves ko. Pero kagaya ng lagi niyang sinasabi.

"BabyLoves ko,kahit tumanda ka at mag mukhang lola,mahal na mahal pa rin kita" aww. Shet! Kinikilig talaga ko sa BabyLoves ko!

"Uhm BabyLoves,may bibigay ako sayo."

May nilabas siyang isang box na maliit pero pahaba. Tapos may star saka may half moon.

"BabyLoves,bakit may moon?"

"E kasi po,you're the star and I'm the moon. Hmm,naisip ko parang ako yung moon kapag gabi. Pero hindi kumpleto ang gabi kapag walang star. Diba? Parang walang buhay ang moon kapag walang star? Why? Pangit po ba? Palitan ko ba?" Parang nanghihinayang yung boses niya. Eto namang BabyLoves ko!

"Syempre gustong gusto ko noh. I like it po. Thankyou!"

"Galaxy,m-may tatanong ako s-sayo"

"Can you be my girlfriend? BabyLoves,ayaw na kitang pakawalan. I want to be with you forever. I want to grow old with you. Please?" Tapos lumuhod siya. Bakit parang nagpo-propose? Ngay! Pero sa tingin ko ito na yung time para sagutin ko siya. 2 months niya akong niligawan. Hatid sundo ako lagi. Kaya naman ok na siya kay Mom and Dad. Pati kila kuya.

"BabyLoves,opo. Girlfriend mo na ko. Tayo ka na jan" tapos sumigaw siya ng 'Yes! Girlfriend ko na siya!" Hahaha. Nakakatuwa naman ang BabyLoves ko.

And we danced with the tune of Thinking out Loud. I love this
Man. I want to grow old with him too. Sana forever na kami. Sana.

End of flashback.

I smiled bitterly as I remembered that. But,Im sorry Dominic. Nasaktan mo ako. Kailangan kong gumanti. I need to have my revenge. Ipaparamdam ko sayo lahat bg ipinaramdam mo sakin. I'll live with you under the same roof sa loob ng 3 months. And I'm sure you'll be under my spell. Tapos iiwanan kita. Nakaganti na siguro ako nun?

Punong puno ng galit ang puso ko ngayon. Dahil sayo 'to Dominic. Minahal kita ng sobra. Pero anong ginawa mo? Ginago mo ko. Now its time for me to have my sweet revenge. You'll regret all the things na ginawa mo sakin. Desidido na ako dito sa gagawin ko. Sorry Dominic..

"Galaxy.." oh. What a right timing,eh? Start doing your acting Sophie. Make him fall in love with you again.

"Hi! How are you?" Sige lang Dominic.

"Yung totoo ba o yung kunyari lang na nararamdaman ko?" W-what? Ano ibig niyang sabihin?

"The real one"

"Im not fine. Simula nung nawala ka sakin. Gumuho ang mundo ko,BabyLoves. Siguro pwede natin tong pag usapan with a cup of coffee?"

Pumayag ako dahil gusto kong mahulog ulit siya sakin. I'll break your heart,Dominic.

..

"So,how's your life in New York? You're a famous model there,right?" He asked with his very happy tone of voice. His eyes.. tutuloy ko pa ba yung pinaplano ko? Damn! Sophia,you're here to make him fall in love with you again then break his heart. Easy as that.

"Ayun,okay naman. Laging stressed sa kabi-kabilang photoshoot and interviews. Nakaka miss din tong Pilipinas. Pati yung mga kaibigan ko. Saka..ikaw" hindi ko alam. Pero bakit ganun? Parang totoo yung sinabi ko na namiss ko siya?

"H-ha? What do you mean? You missed me? BabyLoves.." alam kong nagulat siya sa sinabi ko. Pero lahat ng yun acting lang. Sophia,wag ka magpatalo sa weak side mo. Kaya ka nandito para gumanti.

"Yes.. BabyLoves,can we live under the same roof and continue the love we had before?" I ask him. But he's still shocked.

Siguro hindi niya inaasahan na sasabihin ko to. Dahil sa mga nangyari noon. Pero isang taon na rin ang nakalipas. Sigurado akong nakalimutan na siya ng puso ko. Ng puso ko na puro galit ngayon.

"BabyLoves,matagal ko 'tong hinintay. I-I cant believe na magkakatotoo 'to. I always pray na isang araw babalik ka sakin. I miss you BabyLoves. I miss you" tapos niyakap niya ko.

Sorry Dominic. Alam kong masasaktan kita. But,I need to do this.

..

Pumunta kami sa condo na tinutuluyan ko at kinuha ko lahat ng gamit ko para lumipat sa bahay ni Dominic. Three months. Three months ko siyang paliligayahin. Pero pagtapos nun,iiwanan ko siya.

*ting*
1 new message received from Sissy Jofie
"You sure about your plan? Sis,walang mabuting maidudulot yang revenge mo. But,nandito lang ako para sayo. Wag ka mag alinlangan tawagan ang dyosang katulad ko pag may problem. Okay? xx"

Kaya ko to. Nagawa niya akong saktan. Kaya ko rin siyang saktan.

Dominic's POV

Hindi ako makapaniwala na babalik sakin si Galaxy. Si BabyLoves ko. Na miss ko siya. Sobra. Kahit sobrang laki ng pinagbago niya physically. Pero alam ko na siya pa rin yung BabyLoves na mahal ko. Ang saya ko! Nabuo ulit ang mundo ko nang bumalik siya sakin.

"BabyLoves,where's our room?"
Yes,magkasama kami sa isang kwarto. Siya may idea nyan. Aayaw pa ba ko? Hahaha. Mahal na mahal ko pa rin si Galaxy. Sobra.

"Hey,sabi ko where's our room? What are you thinking ba?" Tapos nakapamewang siya. Lalong nakita ang shape ng bewang niya. Dang! Ang hot niya ngayon.

"A-ah. Dito BabyLoves"

Tinuro ko yung kwarto na pagtutuluyan namin dalawa. Hanggang kelan kaya kami ganito? I mean,pang habangbuhay na ba to? All i know is hindi ko na hahayaang mawala pa sakin si BabyLoves ko.

Di ko siya hahayaang mawala ulit sakin.

xxx
©fifiliciouxx

Atleast 2 votes and I'll post the chapter 4. Thanks.

Forever Under Your SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon