Chapter 6

25 0 0
                                    

Chapter 6

Jofie's POV

Hays. Di namin alam kung ano nangyari dun kay Sophie. Inom kasi siya ng inom. Sabi namin mag c-cr lang kami tapos sinasama namin siya dahil kaming tatlo nga yung pupunta sa cr. Ayaw niya kaming pakinggan tapos tango lang siya ng tango. Ang kulit kulit kasi. Habang nasa cr kami may narinig kaming mga nag uusap na may nagsusuntukan daw dun sa VIP area,naalala namin si Sophia. Omg! Yung bestfriend namin! Tapos pag punta namin dun nakita namin si Dominic na may sinusuntok na lalaki. Ano bang ginawa nung lalaki na yun?

Nagtanong kami kung anong nangyari pero sabi ni Dominic iuuwi na daw niya si Sophie. Wala siyang malay siguro sa sobrang lasing niya. Hay. Kaya um-oo na lang kaming tatlo. Nakaalis na sila tapos nagtanong si Audrey sa isa sa mga bouncer na nandun sa VIP area.

"Hey! Anong nangyari dun?!"

Halatang galit na galit si Audrey dahil sa nangyari sa kaibigan namin. Syempre sino bang kaibigan ang gustong masaktan ang kaibigan niya diba?

"Maam,nagpupumilit po kasi siya na pumunta sa VIP area. Kilala daw po niya si Ms.Sophia kaya pinayagan ko po. S-sorry maam. Di na po mauulit"

"Ts. Dapat lang! Bukod sa kaibigan ko yun masisira pa yung pangalan ng bar ko! Nasan na ba yung lalaking yun ha?"

"Umalis na po maam"

"Wag niyo na siya papapasukin sa susunod. Banned na siya dito. Naiintindihan mo?"

"Opo. S-sorry po ulit"

Nagkatinginan lang kami nila Jhez at Shanen . Iba talaga magalit tong si Audrey. Amazona. Hahaha.

"Puntahan natin bukas si Sophie?" Sabi ni Shanen kaya pumayag naman kami para makapag sorry kami sa kanya at kay Dominic. Kung di namin siya iniwanan dun edi sana walang nangyaring masama.

"Mga bebe uwi na tayo. Pagod na ko e" sabi ni Jhez.

Ako din,masyadong hard kasi yung ininom namin. At ayun,naghiwa hiwalay na kami ng landas. Habang nag da-drive ako naiisip ko kung sino yung gumawa nun kay Sophie. Hindi kaya? No. Imposible. Imposibleng mangyari yun. Dahil college pa kami nung nangyari yun.. Imposible yun!

..

Nakauwi na ko. Pero ayaw maalis sa isip ko kung sino ang gumawa nun kay Sophie. Ayaw kong isipin na gagawin nila yun. Hindi alam ni Sophie na kasali kami ni Dominic sa isang gang nung college kami. Oo sa isang gang at si Dominic ang leader ng grupo namin. Ang Poison Dragon. Pinilit ni Dominic na itago iyon kay Sophie habang sila pa. Kaya naman pinakiusapan niya ako sa bantayan lagi si Sophie at kaibiganin ko ito. Noong una ayokong pumayag. Dahil sabihin na nating kaibigan ko na siya tapos malalaman niyang kinaibigan ko lang siya dahil pinakiusapan ako ng Boyfriend niya na leader ng isang sikat ng gang. Pero sana mali ako ng iniisip. Mabuti pang kausapin ko na lang si Dominic sa isang araw.

Dominic's POV

Habang nakaupo ako sa swivel chair ko bigla kong naisip kung sino yung bastardong gumawa nun kay Galaxy ko. Tngna niya. Pag siya nakilala ko. Humanda siya sakin. Leader yata ako ng gang dati. Pero di yun alam ni BabyLoves. Si Jofie na bestfriend ni Sophie lang ang may alam dahil kasali din siya sa gang ko. Dati pa naman yun. Nung college kami. Kaya imposibleng gawa ng Black Scorpion yun sa BabyLoves ko. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin pano kung malaman ni Galaxy na kasali ako sa isang gang nung college kami. Tinago ko kasi sa kanya. Hindi ko na muna sasabihin dahil ayaw kong sirain ang magandang moment namin ngayon. Tinitignan ko lang yung picture namin ni BabyLoves dito sa table ko. Ang saya namin dito. College pa kami neto e. Hahaha. Ang cute lang. Habang nangingiti ngiti ako ay biglang tumunog ang phone ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever Under Your SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon