Part One

72 0 0
                                    

--EDITED--

"So honey now..."


"Take me into your loving arms..."


"Kiss me under the light of a thousand stars..."


"Place your head on my beating heart..."


"I'm thinking out loud..."


"That maybe we found love right where we are..."

Ibinaba ko ang gitarang hawak ko at tumingala sa maaliwalas na kalangitan. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang iba’t ibang hugis at laki ng mga ulap. Kanina pa ako kumakanta at tumutugtog. Eto kasi ang favorite past time ko dito sa school lalo na kapag breaktime.

Ang ganda dito sa rooftop. Payapa at tahimik. Nakakarelax. Ang dami kasing pressures lalo na kapag graduating kana. Kaya ako palaging nandito eh.

“Haaaysss..” Napabuntung hininga ako nang maalala ko ang nalalapit na Graduation Ball namin. Excited ako, kaso, wala naman akong date.

Kung yayayain lang sana niya ako, edi masaya. Tsk, ganito nga talaga siguro kapag inlove. Palagi na lang umaasa. Sa wala. Sa imposible.

Kung bakit ba naman kasi sa dinami dami ng lalaki sa Crossford Academy, school namin, sa kanya pa ako nainlove. Guwapo, mayaman(though, mayaman din naman kami), sikat, at lead vocalist pa ng isang banda. At dahil diyan, napakarami kong ‘karibal’.

Marcus Cho. Half Korean, Half Pinoy. Bukod sa pagiging bokalista, kabilang din sya sa top students ng school na ‘to. Math Genius and History Addict. Oh diba, all-in-one pack.

“Haay naku. Kernell, hanggang kailan ka kaya maghihintay sa taong ni hindi naman alam ang existence mo?” Tanong ko sa sarili ko.

Muli kong kinuha ang gitara at tumipa.

"When my hair's all but gone and my memory fades…"


"And the crowds don't remember my name…"


"When my hands don't play the strings the same way…"


"I know you will still love me the same…"

A Song To My Heart---  (Thinking Out Loud by Ed Sheeran)- (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon