Mula sa liwanag na nagmumula sa posteng kinasasandalan nito ay nakita ko ang guwapong anyo ng lalaking iyon. Nakasuot ito ng printed grey shirt na pinatungan ng black coat. Mas lalo itong gumuwapo sa messy styled brown hair nito. Napigil ko ang hininga ko nang magtama ang mga mata namin. Ni hindi ko na nga malaman kung kikiligin ba ako or what. Parang huminto ang lahat habang nakatitig ako sa mga matang iyon.
"A-anong g-ginagawa mo d-dito?" Oh God I'm stammering. Ang hirap palang makipag-usap sa taong mahal mo habang nakatingin sa mga mata nito. Para akong nahuhulog mula sa isang mataas na building.
Hindi ito nagsalita. Sa halip ay pinagsalikop nito ang mga braso nito habang dahan dahang umaangat ang gilid ng labi nito. Oh hindi, nang-aakit ba siya? Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko. Nakagat ko ang labi ko. Nakakahiya. Baka nakita niyang nagbablush ako.
Nang hindi pa rin siya magsalita ay ibinaba ko na ang paningin ko. Maya-maya ay tumalikod na ako at muling ibinalik ang paningin ko sa maliwanag na kalangitan. Napangiti ako nang makita ko ang maliwanag na mga bituin na lalong pinatingkad ng bilog na buwan. Sa isip ko ay kinanta ko ang paborito kong kanta. Sana dumating yung panahon na kantahin niya sakin yun.
"Thinking out loud huh."
Agad akong napalingon nang marinig ko iyon. Paanong-- Oh my, nakanta ko ba 'yon ng malakas?! Napalunok ako nang maglakad siya palapit sakin. Nakalagay ang isang kamay niya sa bulsa ng pantalong suot niya habang unti-unti siyang lumalapit. O-mo, niloloko ba ako ng mga mata ko?
Nagulat na lang ako ng hubarin niya ang suot niyang coat at isuot sa akin iyon. Agad ding nahagip ng pang-amoy ko ang pabangong gamit nito. Muntik na akong mapapikit sa amoy niya. Ang bango. Buti na lang napigil ko ang sarili ko.
"Mas mabuti kung papasok kana sa loob." wika nito at pagkatapos ay tumalikod na. Naglalakad na ito palayo nang makahuma ako sa ginawa niya. Oh God, did he really did that? Am I not dreaming? Tiningnan ko ang coat na suot ko at napangiti. Oo nga, ginawa nga niya iyon. At hindi ako nananaginip.
*****
"San ka ba nanggaling at ang tagal mo? Akala ko kinain kana ng pinuntahan mo." wika ng bestfriend niya habang nakataas ang isang kilay nito. Nginitian ko lang siya at muling uminom ng orange juice.
Masaya ako. At iyon ay dahil sa kanya. Ang buong akala ko talaga ay hindi na ito pupunta. Sayang nga at hindi ko man lang siya nakausap ng mas matagal. Hindi naman sa aamin na ako, gusto ko lang talagang sulitin na makasama ang isang Marcus Cho, kahit man lang sandali. Gusto ko sana siyang makakwentuhan kahit ngayong gabi lang. Wala naman sigurong masama dun, diba.
"Oy, okay ka lang ba diyan? Bakit ka ngumingiti ng mag-isa? At kanino yang coat na suot mo? Wala ka namang dalang coat na suot kanina ahh." muli kong narinig si Elaine. Mukhang hindi ako tatantanan nito. Knowing her, kahit isang linggo na ang nakalipas, magtatanong at magtatanong ito sa akin. Huminga ako ng malalim at hinarap siya.
"Kay Marcus." pinagmasdan ko siya na natahimik nang sabihin ko iyon. Agad kong tinakpan ang bibig niya nang makita kong titili siya. Kahit na medyo maingay na dito dahil sa mga tumutugtog na banda, nakakahiya pa rin sa mga makakarinig ng malakas na tili nito. Ako nga kinikilig din kapag naiisip ko ang ginawa niya kanina, pero ayokong ipakita. Saka na, kapag nasa kuwarto ko na ako.
BINABASA MO ANG
A Song To My Heart--- (Thinking Out Loud by Ed Sheeran)- (Short Story)
Teen FictionWhen your legs don't work like they used to before  And I can't sweep you off of your feet Will your mouth still remember the taste of my love? Will your eyes still smile from your cheeks? And, darling, I will be loving you 'til we're...