"Ang puti naman niya"
" Ang ganda niya talaga para siyang Anghel"
" Sigurado akong mayaman yan, alagang alaga ang balat eh"
Iyan madalas ang sinasabi ng mga tao kapag siya'y dadaan. Halata na mang sikat at maganda siya kaya ganyan nalang ang reaksyon at komento ng mga tao.Totoo naman talaga eh, maganda siya at napakasikat pa. Isa siyang sikay na Artista at naging leading man na nga niya si Andrew Samuel Aggon. Isang sikat at gwapong artista na nag aaral sa isang sikat na Private school na ngayon ri'y pinapasukan niya. Siya si Micheale De Vera.
Naglalakad siya ngayon sa school hallway . Gaya ng sa inaasahan, marami ang napapalingon sa kanya at pinupuri ang kagandahang meron siya. Sa kanyang likuran ay may isa pang babae, Slow-mo umano itong maglakad at may pa flips hair pang nalalaman.. Tila ba parang isang anghel dahil may kumikinang pa na mga glitters sa paligid niya. Kakaway siya at ngingiti. Isang ngiting ngayon niyo lang talaga makikita-----------
"Sino naman yang kabayong yan?"
"Eww... Look at her socks.. It is so from last season..wala ba siyang fashion sense?"
Iyan ang madalas papuri ang kanyang naririnig mula sa mga kapwa estudyante kapag SIYA NA ang dadaan. Pero wag ka, MATALINO yan....
"Ano na naman to?Panira moment .Kitang feel na feel ko ang pagiging si Christine Reyes ngayong araw." Bulong nalang niya sa sarili.
Siya si Maria Theresa Navaja. Pangit yan pero nakoronahan yan bilang MISS NERD ng school nila. Oh diba bongga. Walang wala nga yong ibang magaganda sa kanya dahil siya nakoronohan eh samantalang sila wala kahit ni isa.
Mahirap man sila pero patuloy pa rin siya sa paniniwalang matutupad ang kanyang pangarap. Pangarap na maging artista at maging leading man si Coco Martin. O kahit extra lang siya okay na para sa kanya. Haba ng hair ni ate'y. Wagas mangarap pero okay lang libre naman.
Sa pagtransfer ni Maria sa bago at pribadong paaralan ay nabago ang kanyang buhay. Naging sikat na siya at naging pambato sa mga contest. Sikat siya dahil siya madalas ang binubully doon. Isang hamak na Magsasaka lamang ang kanyang ama samantalang may sakit na leukimia naman ang ina. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid. Siya lang nag aaral ng kolehiyo at nasa maynila siya ngayon. Naging pambato nga siya sa iilang contest pero hindi sa beauty pageant kundi sa mga battle of the brain. Sa pananatili niya sa paaralang yon kahit binubully pa siya ay nakilala niya ang isang lalaking napakagwapo. Siya si Andrew Samuel Aggon. At dahil Ignorante at frist time makatungtong ng maynila itong si Maria. Hindi niya nakilala si Andrew.
Nabuo ang world war 3 sa pagitan nilang dalawa. Madalas silang nag aaway at nagcocompete sa kahit anong larangan.
Naging malapit sila sa isa't isa yon nga lang nag aaway naman. May mabubuo kayang pagmamahalan ang magaganap lalo na't magpapanggap itong si MARIA bilang girlpren ni Andrew? Abangan
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
leave advice in comment box ang please vote....hahaha
BINABASA MO ANG
Miss Nerd
Teen FictionPuno ako ng Kabutihan at Katalinuhan. Hindi man kagandahan pero sikat parin kahit saan, Oo sikat ako. Sikat para bully-hin ng kahit sinuman. I'm Maria Theresa Navaja. Pangalan palang alam mong corny na. Isa akong dakilang NERD kaya huwag na kayong...