Chapter One:

758 28 4
                                    

Maria Theresa's POV

Gosh! Late na talaga ako nito. Member pa naman ako ng Student Council, President pa nga eh.Bakit ba kasi sandamakmak na school papers pa ang kailangan kong pa-fill-up-an sa mga guro dito. Dalawang oras ko rin yata iyon ginawa.

" God. Anong oras na ba? Late na talaga ako" sabi ko sa aking sarili at tumingin sa aking relo habang tumatakbo.

At dahil hindi ako tumitingin sa daan ay may nabunggo ako at higit sa lahat natapunan pa ako ng dala dala niyang juice. Pakshet. Late na nga ako , madudumihan pa blouse ko. This is totally not my day.

"Damn! Look what you've done miss? You just ruined my Drink." galit na sigaw ng isang lalaki sa akin.

Hey! Chill. Ako na nga natapunan ikaw pa may gana dyang pagalitan ako. Pa english english ka pa.. Kala mo kung sino.

"Hoy Mister.....(ano ba pangalan nito?) HIndi ko kasalanang natapon yang juice mo. Dapat nga humingi ka ng tawad sa babaeng katulad ko dahil natapunan mo ng juice ang blouse ko."

Tinuro turo ko pa siya at sinabi yon. Akala niya hindi ako pumapatol sa mga gwapo? He's definitely wrong. Dahil ba panget ako wala na akong karapatang magreklamo?

"Don't call me mister you freak. Don't you knw who I am?" At bakit naman kailangan ko pang kilalanin ang mokong na to?

"Eh ako, Kilala mo ako? Kala mo kung sinong umasta.Tse.." Natahimik siya at parang walang masagot.

"Hindi" galit at pasigaw na sabi niya.

" Pwes! Kung hindi mo kilala, Ako si Maria Theresa Navaja. Ang Student Council President ng school na to. OH ano aangal ka?" Pinmeywangan ko siya at inisnaban.

" Student Council Mo mukha mo. Ikaw? Haha. Imposible! Sino naman ang boboto sayo pangit?"

Ako pangit? Pangit? Magsisi ka talaga gwapong nilalang ka dahil sa oras na mamatay ako sa galit ay mumultuhin talaga kita.

" Ako tinatawag mong pangit? Wow ha. Lakas mong manglait. For your information Mister....."

Ano nga ba pangalan ng taong to? Ah bahala na.

"Mister I don't know who. Walang magaganda sa mundo kung wala ang mga pangit na tulad ko. Nobody is perfect. At dahil binayayaan ka ng diyos nga kagandahan pasalamat ka"-
sabi ko ng puno ng katotohanan.

Tagos to the bones po yan kumbaga.

Natahimik siya at hindi naka-angal. Excuse me mister. Hindi mo kilala binagga mo. I'm one heck of a genius so wag ka ng umangal.

" Now! Will you excuse me." sabi ko at umalis na at iniwan siya.

Manigas ka gwapong nilalang.

At dahil nga late na ako ay nagpagalitan agad ako ng titser namin pagdating ko. Nakabantay pa nga sa akin sa pintuan eh. Para bang alam niya na dadating rin ako. Pasalamat ako at may ipangdahilan ako.

" Ms. Maria. Late again?" bungad ni titser pagbukas na pagbukas ko ng pinto. Grabe nga eh. Mukha niya talaga ang bumungad sa akin.

" Maam .Correction lang po ah. Ngayon lang po ako na late" pagkokorek ko. Heller. Isang beses lang ako nalate no.

" Very well. Get inside"

Gaya ng inutos niya ay pumasok na ako. Pagpasok ko, as always , all eyes are on me. Sarap lang kunin ng mata eh. Sari sari pa ang kulay. May blue, black, brown, green at red. Seriously may red ba na mata? Baka naman nagka sore eyes. Haisst! Iba na talaga ang mga sakit ngayon.

Umupo ako sa pinaka unahan at tumabi don sa babaeng prenteng nakaupo sa upuan niya. Naka crossed legs pa nga eh. Tinitigan ko siya mula paa hanggang paa. Well! Not bad. Maganda siya pero feel ko maldita ang isang to.

"Problem Miss Navaja? Bakit di ka pa umuupo?" sabat ni maam kaya lumingon ako sa kanya at umupo na.

" Nothing Teacher." sagot ko nalang.

Umupo na ako at nakinig na kay Maam. Ganito naman talaga ang buhay ko bilang mag aaral eh. Isa akong dakilang Nerd and one of my goal is to unlocked everything I have in my mind. Tama ba? Hahaha. Pasensya na. Minsan kasi meron din akong walang alam. Porket isa akong nerd dapat alam ko lahat. Hindi no! Matalino nga ako sa academics pero ignorante talaga sa mga bagay bagay at ibang tao. Si Coco Martin lang naman kasi ang nakilala kong Artista at wala ng sumunod ang iba.

Nagdiscuss lang si maam tungkol sa History ng Kasaysayan ng Pompeii. By the way, Third year High school na ako. Mukha ngang ako lang ang nakikinig ni Maam eh, Ang iba kasi natutulog at Bored na. May naghikab pa nga eh. Kahit nga rin ako eh dinadalo na ng antok. Naghikab ako at kinurap kurap ang mga mata.

Ang tagal naman ng oras. Akala ko pa naman maging mabilis lang ang oras kasi na late ako pero hindi pala.

Habang antok ang lahat ay biglang tumonog ang speaker na nasa bubong.

" Announcements. All teachers and students are recquired to gather inside the school gym for an emergency. I won't repeat it again . That's all"

Napa yes ang mga kaklase ko , pati na rin ako. Whoo. Saved by the announcement. Buti nalang talaga. Pero teka nga? Ano naman kaya ang problema?

" OKay students! Hurry up and Let's go"

Nagsilabasan na ang iilang estudyante sa kanilang mga room at gaya ko nagtataka rin sila kung ano ang announcements.

Ano nga kaya talaga? Makapunta na nga.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Late update people! Vote and leave a comment. Kayo lang po talaga ang inspiration kong ituloy ito kaya kakapalan ko na mukha ko. Whahaha... vote po kayo...hahahah

Miss NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon