2

10 2 0
                                    


Michelle

Ayun na nga di natuloy ang pasok sa klase dahil confirm na nga na my Virus na dito sa Metro Manila kaya nag hihintay kami ngayon sa balita mag live daw ang presidente kung ano ang gagawin ngayong my confirm case na nga ng tinatawag nilang Corona Virus Ang Malas naman ng Buhay bakit Ganon kung kailan excited na akong makita ang aking My Love saka pa humadlang ang Corona na yan

Ang ingay ng Bahay namin dahil si Mommy nag papanic aligaga lahat ng katulong namin chinicheck nila mga grocery stock namin, Mga ulam Sabon tapos ang dami niyang ni lista pati Alcohol nag order pa siya ng 100 galon na Alcohol, ang dami naman ng 100 nayan kaya si Daddy ayun naka upo sa Sofa at naka tanga nalang sa Asawa niyang pabalik balik sa Kusina, sa Storage room kung saan naka lagay mga grocery stock namin, tapos pupunta nanaman siya sa Laundry area binilang nila lahat kung ilang sabon pa ang nandun tapos nag sulat pa siya ng sardinas tapos naka lagay pa 500 Kartoon my Gosh Mommy
Maubos kaya namin yun wala namang mahilig kumain ng delata

Stress na nga ako kasi sabi ng DepEd tuloy dw ang skwela pero New Normal na daw mag Online Class na daw kaya mag sisimula na ang aming New Normal Class sa Darating na Linggo sana lang masilayan ko man lang ang My Love ko magkaiba ang kurso namin ni Kent sana lang talaga na magkataon na magka pareho kami ng klase para naman gaganahan ako sa pag aaral at syempre haharot ng very very slight lang naman ako sa aking My Love hahahaha

Sinama ako ni Mom na mag Grocery pero di kasama doon sa grocery namin ang 500 na Kartoon na sardinas at 100 na galon ng alcohol kawawa naman ang mga ibang nangagailangan talaga ng sardinas at alcohol ano tumawag na si Mommy sa factory at nag pa deliver nalang siya tapos diko na alam kung ilang sako na bigas ang inorder niya, parang alam ko na kung saan pagagamitan ni Mommy ang mga yun, tapos di pa yun, pati mga noodles di mawawala yun.

Andito na kami sa Grocery store di nga naman mga sardinas at alcohol at noodles ang binili ni Mommy pinag dadamput niya lahat ng makita niyang Chocolate kumuha na din siya ng mga ibat ibang klase ng Cooking oil, oyster sauce, Soy Sauce at Vinigar humiwalay na ako kay Mommy pumunta ako doon sa my mga napkin Dinamihan ko na din ng kuha kasi nakakatamad pag naubusan ka ng stock ako pa naman yung tao na di talaga mahilig gumala di ako mahilig lumabas ng bahay lalabas lang ako pag alam kung my Pupuntahan si Kent nag ala Stalker niya ako.

my time na sa sobrang inis ni Kent sa Akin sinigawan niya ako sa harap ng maraming tao sa school napahiya ako nun yung feeling na sobrang sakit kasi yung taong gusto mo hindi ka na nga gusto pinahiya at sinigaw sigawan ka pa, sobrang sakit parang my bumabara sa lalamunan ko at ang bigat sa dibdib parang piniga ang dibdib mo sa sakit parang gusto ko nalang mag laho nung time na yun kaya nag tampo ako nung oras na yun ilang linggo din na hindi ko siya pinansin hindi ako naka buntot sa kanya wala akong mga love letter araw-araw na nilagay sa locker niya,

Sa sobrang lalim ng iniisip ko diko na malayan na nasa my mga ice cream na pala ako naka tunganga medyo gulat pa ako kasi doon palang ako kanina sa mga my napkin diko na malayan na nag lalakad na pala ako habang ang isip ko ng throwback pa. Baliw na talaga ako kakaisip kay Kent my lab sa sobrang lutang ko diko napansin na my nag hihintay din pala sa likod ko kukuha yata ng ice cream kaya pag lingon ko nagka gulatan pa kami Omy gosh nasa isip ko palang siya kanina tapos ngayon nasa harapan ko na ang aking my lab namiss ko siya gusto ko siyang yakapin "paki punas ng laway kadiri ka ka babaeng tao" nagulat ako napapunas ako ng labi ko wala namang laway ah, mag sasalita sana ako pero tinulak na niya ako at kumuha na siya ng ice cream naka tingin nalang ako sa kanya.





A//
Short update dahil lutang din ako diko alam kung ano bang kwento ito ano banh story ito diko din kasi alam kasi kung ano ang nasa isip ko ayy siya lang din ang isusulat ko si ako magaling mag sulat kaya diko alam kung ok ba itong kwento na sinulat ko alam ko naman na walang nag babasa nito

She's Into HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon