Wala talaga sa plano kong lumipat ng paaralan. Wala rin naman akong ibang choice kung hindi lumipat kasi desisyon 'to ng nanay ko.
Wala akong kaalam-alam sa patakaran ng institusyon kaya nagsuot na lang ako ng polo shirt at sweatpants. 'Di rin naman ganon karami laman ng bag ko. Simpleng notebook at pen case lang dala ko.
Halos trentang minuto rin akong naghintay bago ako makasakay ng jeep papunta sa paaralan. Hindi naman ito ganon kalayo sa aming tahanan, kaya sapat na ang pagsakay ng jeep papunta rito.
Kinita ko sa McDonalds na katapat ng institusiyon ang kaibigan kong nakilala ko sa isang retreat sa Laguna. Hindi kami ganoon na magkakilala, ngunit willing naman siyang isama ako sa kanila ng mga kaibigan niya para hindi ako ma-left out.
Pinagmasdan ko ang institusyon at nakakamangha ang laki nito. Kwatro na laki ng luma kong paaralan ang laki nito-o kaya ay mas higit pa. Napakaganda ng open field, napakaraming classroom at may masarap na bilihan ng pagkain.
Pagkarating ko sa ikalawang palapag ay nagpaalam na ako sa aking mga kasama at hinanap ang room ko. 'Di rin nagtagal nahanap ko ito at sinigurado kong nasa listahan na nakapaskil sa pintuan ang aking pangalan. Pagkapasok sa loob ay minabuti kong umupo muna sa pinakasulok. Nahihiya rin ako sapagkat may tatlo ng mag-aaral sa loob ng silid.
Unti-unting dumarami ang mag-aaral na pumasok at tinabihan ako ng isa sa mga nakilala ko noong enrollment pa lang. Hindi ko magawang umimik kasi nahihiya talaga ako.
Ilang minuto pa lamang ang lumilipas at dumating na ang aming bisor. Mabait siya at may itsura. Pero nakakairita lang kasi may pa-self introduction pa sa harapan.
"Hi, my name is Alex. I'm 17 years old. I can relate myself to the sun because I am a bright person. Thank you." Boring na introduction ko sa sarili. Walang substance.
Nagdaan ang ilang oras at puro self-introduction ang nangyari. Pagkatapos ng huling estudyante, napag-isipan ng bisor namin na magsagawa ng isang activity. Iikot sa buong silid at lilipat ng upuan. Kilalanin ang nasa kanan at kaliwa at kapag tinanong kung sino ito at hindi nakasagot, gagawa ng dare.
Sa loob ng dalawang rounds ay nakilala ko ang mga taong naging mahalaga sa buhay ko hanggang sa mga oras na ito. Subalit sa ikatlong round, napukaw ng aking katabi ang akin atensyon.
Cute siya. May katangkaran, ngunit mas matangkad pa rin ako. May matamis na ngiti. Mabait at magalang. Pero bago ko pa siya nakausap ay inassume kong bully siya. Hindi ko alam, weird ang impressions ko sa mga tao.
"Hi, ako si Ian." Pagpapakilala niya at pag-alok ng kamay.
Nakipagshake hands ako at sumagot. "Hi Ian, I'm Alex."
BINABASA MO ANG
Sa Libro Lang Pala (On-Going)
Non-FictionMay darating, at may aalis. Subalit lahat ba ng dumarating at nagtagal ay mananatili?