Simula noong first encounter namin ni Ian, siya na naging usapin namin ng mga naging kaibigan ko sa mga kaklase ko.
Nalaman ko pa na isa sa mga naka-close ko ay dati niyang kaklase. At ayon, kinwento niya ang lahat tungkol dito.
Isa itong panganay sa kanilang magkakapatid. The ideal type of kuya yata. Magaling sa gawaing-bahay. Nagluluto para sa mga kapatid. Sobrang bait at magalang.
Bilang extrovert, tinatry kong makipag-close sa kanya. Isang linggo pa lamang kami pero ang talak ko na. Puro kami tawanan tuwing break tapos kinukulit ko sila. Sa harapan kasi siya naka-upo tapos dinadayo ko sila roon minsan para lang kamustahin.
Ang cute talaga niya.
Naatasan kami bawat grupo na magsagawa ng kostyum base sa mga diyos at diyosa na nakatala sa panitikan ng Pilipinas. Nagkataon na ang kanilang pangkat ay gagawa sa bahay ng isa naming kaklase kung kaya't sinigurado kong makakasama ako.
Tumulong ako sa paggawa at bawat oras na lipas ay masaya kaming lahat. Nakilala namin ang bawat isa at nagbahagi ng mga impresyon. Inaasar pa nga ako ng ilan kay Ian pagkatapos ng kwentuhan.
Doon din ako nagkaroon ng lakas ng loob para kausapin at lapitan siya.
"Hehe, Ian." Kinakabahan at pinagpapawisan ako.
"Ay ano po 'yon?" Oo. Magalang siya. Laging sumasagot ng opo kahit sa kasing-tanda niya.
"Pwede ba tayo magpicture?" At sumabog na ako sa kalooban ko.
"Okay lang po." Lumapit kami sa isa't isa. Kaunti na lamang ang distansya sa pagitan ng aming mga mukha.
*Click*
Ito ang una naming litrato.
BINABASA MO ANG
Sa Libro Lang Pala (On-Going)
No FicciónMay darating, at may aalis. Subalit lahat ba ng dumarating at nagtagal ay mananatili?