CHAPTER 3

34 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa parking ng kompanya na papasukan namin Mahlabs nag pa-part time kami kase gusto namin ng experience.

"Hoy Machi teka lang wag mo naman ako iwanan!" Sigaw ko sa kanya.

"Bahala ka dyan ghorl bagal mo kumilos first day natin tas panay ka katangahan." Natapilok lang naman ako kaya ganyan yang bakla na yan.

"Machi naman eh alam mo na di naman ako sanay sa ganitong suotan gago ka ba?" Kase naman fitted yung palda tas pag suotin daw ba naman ako ng heels tsk.

"Tsk bat ba kase ang tanga mo heels lang 3 inches di mo mailakad?! Babae ka ba talaga?"

"Bilis na kase alalayan mo ako first day nga natin sa tas ang malas ko pa."

Habang naglalakad kami pinag titinginan kami ng mga emplayado alam ko namang maganda ako at gwapo ang mahlabs pero kung makatitig samin akala mo walang bukas.

May nakasabay kami na babae na mga kasing age lang namin and she looks familiar to me. Iniisip ko kung saan ko sya nakita.

Pumasok kami sa isang office and kasunod niya lang kami and napansin namin na halos lahat ng tao bumabati sa kanya.

"Machi tingnan mo yun lahat ng employees nag b-bow sa kanya and nag g-goodmorning even yung matatanda na employees and kasing edad lang natin sya." Bulong ko kay Mahlabs.

"Ang ganda niya ghorl."sabi naman ni Mahlabs kaya agad na nangunot ang aking noo.

Bwisit na to ganda lang napapansin. Sa kabila ng pang ii-snob sa beauty ko ni Mahlabs mahal ko pa din siya charot. Hindi ko na mulang pinansin pa si Mahlabas sa halip ay sumunod na lamang ako sa kanya.

Sa huli nalaman namin na si Ms. Ellah pala ang CEO ng kumpanyang balak naming pasukin. Mabait ito at hindi mataray, kabaligtaran ng iniisip ko. Since she didn't greet her employees. She explained earlier na masama lang daw ang gising niya. Tagumpay rin kami sa pagpasok ni Machi sa kompanya dahil narin daw sa mga dala dala naming transcripts.

"Nakaka-excite naman." Sabi ko pa habang nakatingin kay Mahlabs.

Hanggang ngayon masama pa din ang loob ko sa pang ii-snob niya sa akin. Pero nevermind kasi alam kong balang araw makikita niya existence ko.

"Kain tayo. Nagugutom na ako. Tsaka libre mo na din ako Machi." sabi ko na lamang bago bahagya itong hinila. Wala mang pake sa akin si Machi, may mga bagay na nagagawa ko sa kanya na hindi niya kailanman nagawa sa iba. After all I have a big privilege having him beside me.

Dahil libre ni Mahlabs ay siya ang nag-decide kung saan kami kakain. Hindi naman na ako umangal dahil baka sabihin niya na nag iinarte pa ako. Eh ako na nga ang ililibre.

"Yun lang ba sayo?"masungit na tanong nito. If I know feel na feel niya kasi gwapo yung crew na mag seserve. Baklang tooo.

Kung hindi ko pa kinulbit si Machi ay hindi ito mag uumpisang kumain.

Habang kumakain kami bigla na naman tumunog yung phone niya and hindi ito sinasagot ni Machi. Napapaisip ako na baka may tinatago sakin si Mahlabs kaya ganon. Pero I'll don't mind I have my trust on him.

Napatigil siya sa pagkain at napakunot ang noo tas bigla naman siya tumayo nakakainis yun iiwan ako mag-isa habang nakain ng walang paa-paalam!

Tas mga ilang minuto bumalik na siya na parang walang nangyari. Tuloy lang siya sa pagkain at nakakainis dito di niya ko pinapansin kaya binasag ko na yung katahimikan.

"Machi sino yung tumawag?" Saad ko sa kanya.

"Nothing. Don't mind it kumain ka nalang diyan sarap ng pagkain oh." Walang emosyon nitong sabi.

"Okay! Mahlabs sa bahay ka matutulog?" Nagulat din ako sa tanong ko sa kanya.

"Ghorl pass muna sa bahay ko tutulog hinahanap na din ako nila Mama"

"Ehh pano yung activities natin huhuhuu"

"Tanga tapos na natin activities natin kagabi pa." Pero totoo nun gusto ko talaga siya makasama. "Tyaka magkikita naman tayo sa Monday tara na sa office baka malate pa tayo." Sambit naman sa akin ni Mahlabs ehehe.

MABILIS lumipas yung oras at alas-singko na agad ng hapon uwian na namin next weekend na ulit ang balik namin para makapag start kami sa Accounting Department kami naka assign since Accounting students kami.

Buong-buo na yung araw ko dahil kasama ko si Mahlabs kahit na medyo masakit pa din paa ko mulala kase nitong heels. Hinatid ako ni Machi sa bahay and without knowing na wala pa din sila Mommy and Daddy hindi ko naman masabi sa kanya na wala akong kasama kasi for sure dito siya tutulog and sa sinabi niya kanina sakin pass siya so nanahimik nalang ako.

"Goodnight Mahlabs! I love you." Sinabi ko yan ng walang hiya hiya with flying kiss.

"Ghorl kinikilabutan ako talaga sayo pero goodnight!"

MY SMALL INTEREST( CPA SERIES 1)Where stories live. Discover now