liPsst!May papel ka?

459 13 7
                                    

"Mina. Hoy Mina" Tawag sakin ng makulit na lalaking ito.

"Pingeng papel" Tssk pagawaan ba ako ng papel at lagi na lang siya humihingi sa akin.

"Anubayan. Tsk" Reklamo ko sabay abot ng papel sakanya nagtaka siguro kayo no! Reklamo ako ng reklamo pero nagbibigay pa rin ako actually sa kanya lang talaga. Eh wala eh mahal ko ayy este crush ko. LANDI KO.

"Ahihi. Thanks" Shems yung ngiti niya nakakatunaw.

Ayy nga pala si Shin ang crush ng bayan. Charot sa campus lang namin. Siya ay pogi,matalino,Top 1 namin pero ang nakakapagtaka top 1 siya at mayaman pero wla siyang papel. Tamad sigurong bumili -_-

Maya maya ay natapos na rin ang klase makakauwi na ako. Di na ako pumunta sa locker ko natatamad ako eh. Hayy! Buhay.

Habang naglalakad ako may narinig akong naguusap dalawang lalaki. Mapakinggan nga. Hoyy. Hindi ako chismosa ah. Pero sigi na nga Bala na :)

"Pare! Napakatorpe mo!-Guy 1

"Eh pare anong gagawin ko lagi
ko na lang dinadaan sa papel ang lahat"-Guy 2 parang kilala ko to. Hayy ewan basta magpapakachismosa muna ako.

"Buti di nakakahalata lagi ka na lang nanghihingi ng papel"-Guy 1

"Hindi naman siguro" - Guy 2

Hayy. Ewan ko sayo. Good Luck na lang sa katorpehan mo"-Guy 1

"Tsk. Pare naman tignan mo aamin na ako bukas promise!"-Guy 2

"HAYY. Ewan sigi pre una na ako may gimik ako eh" -Guy 1

"Tsk. Mambabae ka lang eh"-Guy 2

"Hindi ah Good Boy to tol"-Guy 1

Dali dali akong tumakbo para hindi nila ako makita. Haha! May event bukas aamin daw yung Guy! Yes! May bago akong ilalagay sa News tungkol sa nagaganap sa school namin ako kasi incharge doon eh. Kahit lovestory ng estudyante kaylangan ilagay doon daming arte.

KINABUKASAN...

Nakapasok na ako ng room pero walang tao. Yung totoo?? Ayy oo nga pala may aamin ang bilis kumalat ng balita ah. Dali dali kong binaba ang bag pero may nakita akong nakalagay na papel sa upuan ko.

'Miss President punta ka ng gym'-Nakasulat dito bat kaya eh ang aga pa naman dinala ko yung papel ko kasi baka may gagawin.

"Miss President pingeng papel"- sabi na nga ba dapat di na ako nagdala. Ang tanga ko talaga.

Apat sila kaya apat din binigay ko tagiisa sila. Tutal mabait ako yan binigyan ko sila :)

May sinulat sila dun pero di ko alam nandito naman lahat ng kaklase ko pero silang apat lang ang busy. May kulang nga sa kanila si Zach mga barkada niya kasi yung mga humingi sakin.

"Psst. May papel ka?- yan na siya

"O----" naputol yung pagsasalita ko kasi may binigay siyang isang pad ng papel.

"Anong gagawin ko dito" takang takang tanong ko. Madami pa naman akong papel saka ngayon lang siya bumili nito ah. Amazing!

"Tignan mo na lang"

Agad ko namang tinignan to. Laking gulat ko na may nakalagay na I Love You. Aba! So ako ang magtatapon nito kaya binigay niya kasi puro kalat na to.

"Hoyy. Bat may sulat to?" Tanong ko

"So?? Ako pa pala magtatapon ng scratch mo dito"

"Tsk. Basahin mo kasi lahat. Engot" ako pa nag engot ah.

Binasa ko naman ang nakalagay ay..

I LOVE YOU... I LOVE YOU... I LOVE YOU.. hanggang maubos ang isang pad nato puro I love you ang nakalagay yung totoo lokohan to.

Tinignan ko siya ng masama.

"Boys ipakita niyo na" - sabi niya

Nakalagay M-I-N-A dun sa apat hiwa hiwalay yan. Lumapit siya sakin at may binulong "Ready ka na bang ipost ang lovestory natin" Hanudaw?? Lovestory?? Namin??

"Lovestory??Natin??" - tanong ko.

"Ya. Lovestory natin. Alam mo kasi ang torpe torpe ko kaya idinadaan ko sa panghihingi ko sayo ng papel para makausap ka" So siya pla yung lalaking yun. May inabot naman siya sakin na puro papel ulit. "Yan lahat ang papel na binigay mo sinusulat ko jan yung feelings ko para sayo parang diary ba yun basta yun na yun." Napatingin ako dun at may date pa talaga madami dami din ito sa damu ba naman ng binigay ko eh.

"Mababasa ko kaya ito"-ngiti ngiti kong sabi

"Isa lang naman ang importante dyan na nakasulat eh. This." Ipinunta niya sa pinakalikod at may nakalagay na I LOVE YOU MINA NO MATTER WHAT HAPPEN :). Ahh! So yun pala yung nasa isang pad na puro I Love You ang nakasulat at Mina dun sa apat na ugok ibig sabihin I LOVE YOU MINA. Yieee yung crush ko may gusto sakin. Wahhh.

"Mina! Ano na kanina pa ako nagtatanong tignan mo yung mga kaklase natin nagaantay din" Ayy nagtatanong ba siya.

"Ayy. Nagtatanong ka ba?? Anong nga ulit yun" -tanong ko eh di ko narinig eh nagloloading pa sa utak ko eh.

"Ang sabi ko will you be my Girlfriend"-ha?? Girlfriend?? Ako??

Tumalikod lang ako at kinuha ko yung papel ko at may sinulat doon.

Narinig kong napa AWW! ang mga kaklase ko sa pagtalikod ko.

"Sige. Kung hindi ka pa handa aantayin kita" -malungkot niyang sabi.

Napaharap ako "sinong nagsabi uupakan ko" Agad naman siyang napatingin at agad ko binigay sa kanya yung papel nakasulat lang naman dun ayy. ..

Yes willing ako maging girlfriend mo. I LOVE YOU TOO Zach :)

Nakita kong napangiti siya don at agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"This is the best day ever for me I Love you Forever my Mina".

"I Love you too my Zach".

At diyan nagsimula ang lovestory namin :))

[A/N: First time ko lang po magsulat pag pasensyahan niyo na kung panget. Pero sana nagandahan kayo kahit medyo OA :))]

Psst! May Papel ka? (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon