kabanata isa

11 2 0
                                    

elora's pov

"i love you love, kita tayo bukas uli ha?"

"yiiiieee sige love goodnight i love you "

"asan kiss ko ?"

"yiiieeee nahihiya ako sige na nga ito na tara dit--

"MISS ELORA!! ARE YOU WITH US?"  galit na sigaw nanaman ng prof ko ,napayuko naman ako sa kahihiyan nang marinig nanaman ang bungisngisan ng mga kaklase ko

"y-yes sir?" sagot ko

"pakiulit nga kung ano ang sinabi ko kung talagang nakikinig ka" nanlamig lalo ang palad ko bukod sa lamig na dahil sa aircon sa room ay dahil din iyon sa kaba dahil hindi ko alam ang  isasagot elora naman kasi bakit nag iimagine ka nanaman ng next scene sa binabasa mo sa wattpad

"so-sorry sir di po ako nakinig" sukong saad ko dahil totoo naman at tanggap ko dahil kasalanan ko din naman

"yan ang hirap sayo ms elora late ka na nga lagi ay nag iimagine ka pa lagi sa klase ko ano bang meron sayo at baka sa susunod bago ka pa maka graduate sa kinukuha mong kurso ay sarili mo na agad ang madiagnose mo " naiinis na talagang saad niya at hindi nako papalag pa dahil kasalanan ko naman talaga

"sorry po talaga sir" pagpapasensya ko

"makinig ka ng maayos dahil sayang ang tuition na binabayad ng magulang mo , masuswerte nga kayo at napapag aral kayo ng magulang niyo sa ganto kagandang paaralan, nung kabataan ko ay kailangan ko pang mag sipag para lang matulungan ang magulang ko matustusan ang pag kokolehiyo ko ,pumapasok ako kung saan saang raket bago pumasok sa klase ko...

"ayan nanamn siya at hindi na nag lesson ,nag kwento nalang ,sabi ko naman sayo wag ka papa huli e" iiling iling ng sabi ni janah na kaklase ko  habang ang parehong paningin namin ay nakay sir padin na hanggang ngayon ay nagsasalita at alam na naming matatapos nalang iyang kwento niya pag natapos  na ang oras niya

"ayan at hindi ko na naman natapos ang lesson ko sige at bukas nalang , makinig ka na ng maayos bukas ms elora class dissmiss" saad niya at lumakad na palabas ng room

nagtayuan na din ang mga kaklase ko at sinukbit ang kanilang bag tinapik tapik naman ako ng iba nang makitang di padin ako tumatayo

"tenkyu sa pagsalba wala na din talaga kaming maintindihan dahil pagod na at huling subject na siya buti nalang at napakwento mo , bukas na ang tuloy ng lesson" saad ng isa kong kaklase

"bye elora wag mo damdamin masyado whahahha" saad naman ng isa

"sige na lora uuwi na kami ayaw mo pa tumayo diyan sige samahan mo ang mga multo" walang ano ano ay mabilis na akong tumayo at sinabayan na silang maglakad palabas ,pero nagpamauna ako dahil gusto ko na din umuwi at may tatapusin pakong libro , oops hindi libro ng school wattpad book hihi

" wattpad well lora" saad ng kaklase ko nang makarating ako ng parking lot pasakay sa aking kotse , hays kilalang kilala na talaga ako dito sa school, sa pagiging adik ngalang sa mga wattpad at pagiging lutang , kaliwat kanan kasi ang pang susumbong sakin ng mga teachers sa pagiging lutang ko sa klase

pagkarating ko sa bahay ay nandoon na si mama nagkakape sa sala habang nanoood ng kung ano ng youtube sa tv

"maa bat ang aga mo?" tanong ko

"anak diba wala akong pasok sa office ng sabado" napakamot naman ako sa ulo

"ay oo nga pala ma hehe nagdinner na kayo?" dagdag na tanong ko

My Dream Guy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon