kabanata dalawa

15 2 0
                                    

elora's pov

"mahal upo muna tayo dito sa park pagod na talaga ako" saad ko

"sige tara" at hawak niya ang kamay kong sinamahan akong umupo sa bench

"kamusta ka naman ngayong araw mahal? " tanong niya kaya nginitian ko siya , kahit busy siya ay pupuntahan niya talaga ako kahit saglet makamusta lang ako

"ayos naman ako mahal masaya akong nakapag tapos na ako ngayong taon kaya naging official na tayo ikaw kamusta?" tanong ko

"ayos naman masaya ako sa work na nakuha ko " masayang aniya

"naks naman tara nga dito huhug kita para ma refill yung energy mo" ako ang yumakap pero yung yakap niya padin ang mas mahigpit , lalo akong natutuwa pag niyayakap niya ko para bang sobrang tagal nong hindi ako nakasama na para bang anytime aalis ako

"wag kang mawawala sakin ha ?" aniya na ikinatawa ko

"pano naman ako mawawala sayo ? e andito lang naman ako lagi puntahan mo lang ako pag gusto moko makita kilala ka naman nila mama" natatawang saad ko

"iloveyou" aniya

"iloveyou more" saad ko

*ringg ringg!!

ay palaka! yun na yun e may jowa na sa panaginip e badtrip naman tong alarm clock

padabog akong bumangon at ginawa ang daily routine ko

napaisip ako sa panaginip ko yiiiee ang sweet kakawattpad mo yan self kaya ka nananaginip e

pagkatapos ay bumaba na ako para saluhan si kuya mag agahan dahil maaga umaalis sila mama papunta sa work at hindi kami nagigising ni kuya ng ganun kaaga kaya kami ang nagkakasabay sa agahan

"naks mukhang mabango kuya ko lagi ah kala mo may jowa " pang aasar ko

"atleast ready na magkajowa" sagot niya ,kaya tiningnan ko siya my kuya i an accountant 28 years old siya pero wala pading jowa by the way okay lang yang ineenjoy niya, di naman minamadali ang lablayp inaasar ko lang talaga

"kuya 8 years pala tanda mo sakin no pero bakit feeling ko 1 year lang hahaha" nasamid naman siya bigla

"oh napano ka ya?"

"sa isip bata mong yan 1 year lang? ayos kalang?" aniya at nagpatuloy na sa pagkain akala ko naman kung ano na, baliw talaga to

"che!" agad kong tinapos ang pagkain at dumeretso na agad sa lababo at pinagtimplahan nalang siya ng kape nang makita kong wala pa siyang coffee mamaya ko nalang to huhugasan after ni kuya kumain para maisabay ko na lahat at para pag uwi ko ay wala nang hugasin, ayos naman ang pamilya namin , supervisor sa isang company ang mama ko at engineer naman ang papa ko hindi kami kumukuha ng katulong sa bahay dahil kaya at malalakas naman kami isa pa hindi kami sinanay nila mama na hindi kumikilos sa bahay

My Dream Guy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon