kabanata 1

13 3 0
                                    

Nagmamadaling ibinalik ko sa bag ang mga gamit na naka kalat ngayon sa harap ko. Unti unti nang umaalis ang mga estudyante para bumalik sa sari sariling klase.

Sobrang na occupied na siguro talaga ako kanina sa pagbabasa ng libro. Para makahanap ng mga detalye na magagamit ko mamaya sa pag rereport at hindi ko na namalayan ang oras.

Matapos mag ligpit ay tumayo ako at muling tiningnan ang upuan kung may naiwan. Nang masiguro ko na wala ay lumabas na ako ng gazebo.

"Hi!" Napatalon ako sa gulat ng may biglang sumulpot na lalaki sa harapan ko.

"Kabute ka ba?"

Lumiit ang mata niya at napatingala na para bang nag iisip ng malalim.

Mula sa pag titingala niya ay ibinalik niya ang tingin sa akin at ngumisi. "Bakit?"

Walang salitang nilagpasan ko siya. Una dahil late na ako sa klase at masungit pa ang prof namin ngayon at pangalawa ay alam ko na mangungulit lang din naman siya.

"Hays lagi na lang ako iniisnob ng babes ko."

Muli ay hinayaan ko siya. Walang araw na hindi nangungulit si Terrence. Lagi din siyang nakaabang sa labas ng classroom kapag lunch at uwian. Pati nga mga kaibigan ko ay kaibigan na rin niya. Lagi din siyang nagbibigay ng kung ano ano. Minsa'y nililibre niya din kami magkakaibigan, minsan dahil kung hindi ko lang siya pinipigilan ay araw araw na yata.

Nagkakilala kami dahil sa pag sauli ko ng ID niya na nakita kong nahulog. Nag presinta pa siyang ilibre ako noon ng lunch dahil sa pag sauli. Tumanggi ako sa imbitasyon niya dahil sapat na ang salitang salamat. Pero makulit siya at hindi niya na ako tinigilan simula noon.

Mabait siya, makulit nga lang.

"Ewan ko sayo, Terrence."

"Ang haba naman ng Terrence. Sabi sayo Shaun na lang eh." bahagya siyang natawa. "Nakita mo lang sa ID yung full name ko, eh."

Eh ano naman? Mas maganda yung Terrence eh.

"Mamaya ha, uwian."

"Alam ko."

"Good." he smirked. "Hintayin lang kita sa shed."

Huminto ako sa paglalakad. "At bakit?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Sasamahan mo ako diba?" tanong din niya pabalik.

"Kailan ako pumayag?" I raised my left brow.

"Ngayon lang, sabi mo pa..." umubo siya ng bahagya at sumeryeso ang mukha "Alam ko." niliitan niya ang boses niya pero bigla itong napiyok na siyang ikinatawa namin pareho.

"Hanggang ngayon ba nagpapasalamat ka pa din sa pagbalik ko ng ID mo?" natatawa ko pa ding tanong sa kaniya.

Iba din ang isang 'to. Akala mo nama'y niligtas ko ang buhay niya kung magpasalamat ng sobra sobra. Alam kong hindi makakapasok sa campus ng walang ID pero alam ko din na pwede naman magpagawa ng bago.

"Hindi." Sumeryoso ang mukha niya kaya unti unti ding nawala ang mga ngiti ko.

Dahil sa mas matangkad siya sa akin ay yumuko siya ng bahagya kaya magkatapat na kami. Natigilan ako ng lumapit siya. Nakatingin man siya sa mga mata ko halata pa rin sa kaniya na hindi din siya komportable sa ginawa niya.

Walang dingding na pwedeng magkulong sa akin pero hindi ko magawa gawang lumayo at tumakbo.

"I'm courting you, Seah."

Parang naputol ang dila ko dahil hindi ako makapagsalita. Hindi marehistro sa isip ko ang mga binitawan niyang salita. Isama mo pa ang sobrang lapit niyang mukha sakin.

Hahalikan niya ba ako? Anong gagawin ko? Pipikit ba ako?

Sa hindi ko alam kung anong gagawin ay nanatili lang din akong nakatingin sa kaniya.

Ilang segundo pa mabilis siyang umiwas ng tingin at umayos ng tayo. Muli siyang nagsalita pero ngayon ay nakangiti na siya.

"Akala ko naman kasi gets mo na kung bakit ginagawa ko yung mga ginagawa ko." Hindi siya makapaniwalang nakatingin lang sakin. Umiiling iling pa ito pero sa huli'y tumawa ng napaka lakas.

Nagbibiro lang siya. Bwisit.

Hinampas ko ang braso niya dahil sa kalokohan niya.

"Aray!" nagtataka na siyang nakatingin sa akin at hinawakan ang braso niya.

"Puro ka kalokohan." inis na saad ko. Sumeryoso ang mukha niya ng marinig niya 'yon.

"Hindi kita niloloko, Seah. Totoo yung sinabi ko."

Ang puso ko na unti unti ng kumakalma ay nagsimula na namang tumibok ng mabilis sa mga salitang binitawan niya.

love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon