kabanata 2

8 3 0
                                    

"SEAH, si Terrence mo yun oh!" walang pag aalinlangang sigaw ni Julie kaya agad akong nagtakip ng mukha.

Pahamak talaga kahit kailan ang isang 'to. Alam kong alam niya naman na paniguradong nakita ko na si Terrence kanina pa. Sadya niya rin siguro dahil medyo malapit lang sila samin at pag sumigaw ay paniguradong maririnig iyon.

Pasimple kong sinilip si Terrence at laking pasasalamat dahil himalang hindi niya narinig ang sigaw ni Julie. Hindi naman kasi siya nakatingin.

Abala ito sa pakikipag usap sa mga kaibigan niya. Nakita ko pang bahagya siyang natawa ng may sinabi ang isa niyang kasama.

Isang buwan na pala.

Isang buwan na kaming hindi nag uusap. Pero ano pa bang dapat pag uusapan? Malinaw naman na ayaw niya na. Na natuldukan na ang relasyon naming dalawa.

Miss na miss na kita, Terrence.

Napaayos ako ng upo ng bigla siyang lumingon sa pwesto ko. Unti unting nawala ang mga ngiti niya at seryoso ng nakatingin sa akin.

Anong gagawin ko? Ngingiti ba ako? Kakaway? O lalapit?

Bago ko pa man gawin ang mga iyon ay agad niyang iniwas ang tingin. Hindi rin sila doon nagtagal at umalis din. Hinila ko na lang din si Julie para pumasok sa susunod naming klase.

NAGLALAKAD kami ni Julie palabas ng campus dahil uwian na. Kaunti na lang din ang mga tao. Nahuli kasi kami dahil nagpa hintay pa si Julie. Bigla kasi siyang nakita ni Mister Madrigal at siya ang natripan na utusan.

"Oh ano Seah, g ka ba?" tanong niya ng hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Abala ito sa pagkalikot ng kung ano sa cellphone niya. Hanga talaga akong hindi man lang siya nadadapa sa tuwing gagawin niya 'yon.

Sinilip ko ang ginagawa niya at nakitang nasa omegle site siya. Tsk.

"Huy, sabi ko g ka ba?" this time, nakatingin na siya sa akin. Hindi rin nagtagal dahil ng masiguro niyang nakikinig ako ay binalik niya ang atensyon sa cellphone.

"Saan ba?"

"Vista Yen."

"Iinom na naman kayo?" pagpe-pekeng gulat ko. Iba din ang isang 'to. Palibhasay high tolerance siya sa alak.

"Parang ginawa mo naman akong lansinggera."

"Hindi ba?" biro ko at tumawa.

"Ah basta sumama ka. Baka alak ang solusyon para makalimutan mo yang bebe mo na ang bilis mawalan ng feelings sayo." natahimik ako sa huling sinabi niya. At doon ay napapayag niya akong sumama sa kanila.

Sumalubong sa amin ang naglalakasang mga tugtog at iba't ibang ilaw sa paligid. Legal age na kami kaya kami naka pasok. Ang daming tao. Kung titingnan ay puro ito mga estudyante. Ang iba pa'y minsan ko na rin nakasalubong sa campus.

Bakit kaya sila nandito? Pumupunta ba sila dito para mag celebrate ng kung anong okasyon, mag saya o katulad ko na para makalimot.

I sighed. Hindi ito ang oras para mag drama dahil kaya ako nandito para pansamantalang makalimutan siya.

Napunta kami sa isang table na may sofa na naka pa- U dito.

May lalaking nakaupo doon at dalawang babae. Ang totoo'y hindi nakaupo lang basta ang isang babae na mahaba ang buhok at nakadamit pareho sa mga nakikita ko kaninang naglilibot. Ang isa namang babae ay naka suot sumbrero. Hindi ko masyadong makita ang lalaking may kalampungan ngayon dahil natatakpan siya.

Nakaramdam ako na may tumitingin sa akin kaya nilingon ko ito. Bahagya akong nagulat nang makitang nakatingin talaga siya sa akin at ngumiti. Hindi ko siya napansin kanina dahil nasa pinaka sulok siya ng sofa.

love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon