kabanata 3

9 2 0
                                    

JULIE raised her brow. Pinagdududahan niya ang sagot ko sa kaniya.

"Wew, san nga kayo nagpunta pa?" She asked again at sumipsip sa milktea na binili niya.

We're at Infinitea. We went here dahil biglang nagyaya si Julie. Namiss daw niya ako dahil hindi kami nakapag usap matapos yung nangyari sa Vista Yen nung friday. As if naman na naniwala akong namiss niya ako eh makiki tsimis lang naman 'to.

"Hinatid niya nga lang ako sa bahay." I talked in a convincing tone para naman manahimik na siya.

Totoo naman na hinatid lang ako ni Red sa bahay. Isa pa ay yun lang naman ang tanong niya. Hindi niya naman tinanong kung anong pinag usapan o pinagsasabi ng Red na yun sakin.

"Ang hina niya naman." Nagpalumbaba siya at sumimangot ang mukha. Gagang 'to! "Aray!" reklamo niya ng hampasin ko siya sa braso.

"Kung ano ano iniisip mo!"

"Eh ano ba iniisip mo?" inis niyang tanong habang hinihimas ang braso niya para mawala ang sakit. "Ang akala ko lang naman kasi nagyaya siyang kumain muna kayo sa labas. Walk trip walk trip ganon." ngumuso siya at sinamaan ako ng tingin.

Napahinto naman ako doon. Pero nagdududang yun talaga ang nasa isip niya.

"Bakit kasi di ka nag online?" pag iiba niya ng topic.

"Eh kasi nga po sira nga diba ang cellphone ko."

"Hindi kasi iniingatan." Aniya at tinarayan ako.

"Kasalanan ko bang susunga shunga siya at tumalon sa may timba."

Last week pa nang mahulog ang cellphone ko sa timba habang naliligo ako. Hilig ko kasi na isama ito para mag soundtrip habang naliligo. Saktong hindi ko nagustuhan yung sumunod na kanta kaya pinalitan ko. Tumalikod lang ako saglit at nakarinig na ako ng tunog na parang may nahulog sa tubig.

Next thing I knew, nag siswimming na ang cellphone ko doon sa timba.

"Si Red yun diba?" Nilingon ko ang tinitingnan ni Julie at nakita si Red na papasok sa shop.

Napatingin ito sa gawi namin at hindi inaasahang makikita kami. Ngumiti ito at lumakad papalapit samin.

"Hi!" Bati niya habang pinapaikot ang susi sa kamay. Nakasuot siya ng jacket na may plain black shirt sa loob at tinernohan ng brown shorts at vans na sapatos.

Wala ba siyang pasok?

Deretso itong naglakad papunta sa direksyon namin at walang pasabing umupo sa tabi ko.

"What?" Kumunot ang noo niya sa amin na tahimik lang na nakatingin sa kaniya.

"Ikaw ba talaga yung Red na pinsan ni Brent na nakilala namin sa Vista Yen?" Tanong ni Julie.

"Yeah?"

"Hindi ka naman pala masungit!" Tumawa si Julie at inalis na ang tingin kay Red.

Totoo yun. Tila ibang tao ang kaharap namin ngayon dahil ibang iba ang awra niya noong friday.

Tumawa lang si Red at agad na nilihis ang topic. Lumingon ito sa akin at nag salita. "Yung shirt ko nga pala nakalimutan kong kunin sa cr."

Nasamid naman ako ng iniinom kong milktea ng marinig iyon.

"Oh, dahan dahan. Napaghahalataan." Ani Julie at binigyan ako ng nangingilatis na tingin.

Nagtataka man ay muling ibinalik sa akin ni Red ang atensyon.

Naalala kong natapunan ko nga pala ng tubig ang shirt niya.

"A-ano oo."

"Salamat. Magtatampo kasi si Nanay kapag malalaman niyang nawawala sa drawer ko yon. Regalo niya kasi yon sakin."

"Of course. Sorry, hindi ko napansin kaya hindi ko nadala."

"It's okay." Tumunog ang phone niya at agad nag excuse para sagutin ang tawag. Saktong nakalabas siya ay hinarap ako ni Julie.

"Bakit naiwan sa cr yung shirt?"

"Nabasa ko."

"Bakit mo nabasa?"

"Natapunan ng tubig na hawak ko." Sagot ko.

"Sa harapan mo nag hubad?"

Siniko ko ito dahil may pagkalakas ang pagkakasabi niya.

"Hinaan mo naman boses mo. Baka kung anong isipin ng makarinig. Hindi siya sa harapan ko nag hubad, okay? Sa cr. Kaya nga dun niya naiwan." Inis na paliwanag ko kay Julie. Ang dumi dumi kasi ng utak.

"MISS!"

Otomatiko akong napahinto ng makarinig ng tawag. Sigurado akong ako talaga ang tinawag dahil ako lang naman ang estudyante na nasa hallway. Nakumpirma ko pa ng makita ko si Mr. Madrigal ilang metro ang layo sa akin.

Naku! Ano na naman kaya ang utos niya this time.

"Yes, sir?"

"Can you please give this to Ms. Failamo, sa college department. Salamat!" saad niya at inabot sa akin ang isang libro at folder na naglalaman ng mga kung anek anek na papel.

Ang paalam ko kanina'y mag ccr lang ako pero ngayon papunta na akong college department. Ganoon ma'y hindi rin ako kinabahan dahil paniguradong hindi naman ako mapapagalitan kapag sinabi kong inutusan ako ni Mr. Madrigal.

Bukod kasi sa kilala siya bilang Mr. Utos ay madami ding nag kaka gusto sa kaniya na mga prof. 24 pa lang kasi si Mr. at single.

Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig na ungol. Hindi ko alam kung nasasaktan ba o iba yung dahilan ng pagka ungol kaya nagpatuloy na lang ako sa paglakad at pilit binale wala.

"Hmm!" potek na yan! Mas lumakas pa yata imbis na mawala.

Dala ng kuryosidad ko ay sinundan ko ang pinanggagalingan ng ungol. Napunta ako sa abandonadong building. Eto yung nasunog nung 2018. Hindi ko alam kung bakit hindi pa 'to tuluyan inalis. Muli kong pinakinggan ang tunog at napag tantong sa likod ng building ito nang galing.

BRENT?

Kitang kita ng dalawang mata ko si Brent na nakatayo habang nakatingala. Pero hindi iyon ang mas nakaagaw pansin sa akin kundi ang babaeng nakaluhod sa harapan niya.

"Catherine." muling ungol ni Brent pero bigla itong napatingin sa babae ng tumayo ito kaya agad akong tumalikod at nag tago. Mahirap na, baka kung ano pa ang makita ko.

"It's Samantha, you jerk!" maski ako ay natakot sa sigaw ng babae dahil halata sa boses nito ang galit.

Dali dali akong umalis at lumayo sa abandonadong building na 'yon sa takot na mahuli ako. Baka sabihin pang namboboso ako eh wala naman akong nakita na ano.

Hindi ko din inaasahan na makikita ko ulit si Brent at sa ganung sitwasyon pa talaga. Ni hindi ko nga alam na dito rin pala siya nag aaral.

Muli kong inayos ang pagkakahawak sa libro at folder ng may biglang nahulog sa lupa na papel.

Hindi ito ordinaryong papel lang kundi scented paper. Nakatupi ito kaya hindi mababasa ang naka sulat sa loob.

Napangiti ako sa naisip.

Akalain mo 'yun. Dito lang din pala mahahanap ni Mr. ang babaeng magpapatibok ng puso niya.

Masayang ibinigay ko kay Ms. Failamo ang libro at folder. Nag taka pa ito ng mapansin na parang kinikilig pa ako. Kung alam mo lang miss! Ang swerte niyo sa isa't isa.

Hindi mapagkakaila na maganda nga si Ms. Failamo. Bukod pa don ay ramdam kong mabait din siya dahil sa maamo niyang mukha. Hindi nakapagtatakang nagustuhan siya ni Mr. Madrigal.

Pagkalabas ko sa college department ay ganoon na din ang gulat ko nang makita siya. Nakatalikod ito sa akin na laking pasasalamat ko.

I was about to go pero tila na estatwa na lang ako sa susunod kong nakita.

Halo halong emosyon ang naramdaman ko na pilit kong kinokontrol. Dahil nakita ko si Terrence na may kasamang iba. Hindi lang iyon, dahil nakita ko din ang paghalik nito sa kaniya.

love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon