John pt. 1

3 0 0
                                    

12 pm non at nasa school kami syempre may pasok. Science ang una naming subject grade 6 ako neto.

So ayun nga syempre as a elementary student maharot pa at maligalig, marami kaming hanash non bago pumasok sa room.

Hinihintay muna kasi namin yung teacher namin bago kami pumasok sa room bali yung teacher mismo yung magoopen ng room.

Sa hallway kami ng building lagi nakatambay para hintayin si ma'am, matik na maghahabulan at maglalandian kami pag nagkasasam sama ng magtotropa.

Syempre isa ako sa mga mahaharot hindi naman sa proud ako na maharot ako nung grade 6 ako pero masaya din kasing maging maharot.

Edi ayun nga as a maharot marami akong nakakasalamuha sa school, maliit lang yung school namin kaya mabilis mong makikilala yung mga kapwa estudyante mo, Isa pa medyo sikat ako nung elementary days hahaha hindi ko rin alam kung bakit basta ang suki ng ganda ko non mga grade 1 tas grade 2 gandang ganda sila saken ewan ko ba kung baket.

Spg(Student Pupil Government) kasi ako non active ako dyan nung elementary tapos member pa ko ng save the children. Hindi ako mabait na estudyante dati promise talagang nasasama lang ako sa mga organisations.

So back to the topic si John hindi kami masyadong nag Iinteract dati nung grade five lang tsaka grade 6 kami medyo nagkaroon ng interaction.

Nung grade 5 kasi kami may parang 'gang' kami sa room hindi siya gang na nagsasakitan physically... More on verbal fight kami non Hahaha. Tapos nag ririff off kami kasi naadik kami non sa pitch perfect bet namin yung ginawa nilang laban gamit yung music.

yung team 'skurt' yun yung kabilang gang sa room tas yung name ng gang name 'bsbc' may meaning yan 'batang school, batang cool' (ehem ako nakaisip niyan) so ayun nga naglalaban kami through music e si John magaling siya kumanta alam mo yung kulot kulot yung boses ganern! Yung boses niya. Lupet na lupet ako don kasi syempre ako hindi ako pinagpala sa boses hahaha.

Siya lagi yung kumakanta sa grupo nila wala akong feelings sakanya ha naamaze lang talaga ako sa boses niya non. May rules kasi na bawal kami makipagusap sa kabilang grupo kahit sila hindi rin kami pwedeng kausapin as in. Yung pagitan nga ng upuan namin dati nung grade 5 tatlong row ata yun hahaha. Ganun kami kaiwas.

Tas pag uwian doon kami sa may parang open field malapit sa school naglalaban ng kanta. By group to ha baka akala niyo kaming dalawa lang ni John.

Nalaman nang adviser namin na may kalokohan kaming ginagawa sa may open field ayun! Pagpasok namin kinabukasan galit na galit adviser namin kinausap kami sabi "Ano bang mga trip niyo sa buhay? Wala kayong magawa? mga gago kayo" Nagulat kami kasi first time namin marinig adviser namin na nagmura.

Tahimik lang kami non kasi syempre baluktot kami non teacher yon e. Tas ayun na nga inabot kami ng gabi sa school hindi parin tapos sa sermon si ser. Tinanong niya kami kung anong gusto naming gawin para hindi na daw kami mag 'away' nag suggest yung 'skurt' "Sir gusto po namin makipaghiwalay ng room" Edi shook ata si ser non. Lakas diba may balak ata siyang gawin kaming dalawang section kami. Syempre hindi pumayag si ser non. Kaya ayun nga nagkaroon ng parang boarder sa room. may mga wala kasing grupo samin mga babae yon sila at sila yung definition ng walang pake sa mundo. Bali tatlong row na na kami ngayon sa gitna yung nga walang pake sa kami dun sa may tabi ng pinto tas sila dun sa may bandang loob na.

Tapos nag tagal ng ilang buwan yon na ganon kami tas ewan ko hahaha biglang nagkaroon ng himala at naging close nalang kaming magkabilang grupo.

Ang layo na ng narating ko hahahaha so back to us, samin ni John. Grade 6 na kami. Nakalimutan ko kung anong subject yon basta nag dadrawing kami. Nanahimik ako sa upuan ko non row 6 ako tas row 3 si John. Si John may katabi siya si Renzel. Si Renzel tinawag ako "Deng!" Sigaw niya Edi lumingon ako tas pinuntahan siya.

Nakaupo siya tas nakatayo ako sa harap niya si renzel to ha. Tas sabi ko "Bakit?" Tumingin ako sa drawing niya tas Tumingin ule ako sakanya.

"Lapit ka may ibubulog ako sayo" Edi yumuko ako tas siya naman lumapit sa tenga ko tas sabi niya "May gusto si John sayo... Pwede ba daw manligaw" ako hindi ako naniwala Don agad kasi loko loko yon e dalawa sila ni John loko loko.

"Baliw kayo hahaha" Sabi ko tas bumalik na ko sa upuan ko.

Kinabukasan nagulat ako kasi nasa may tindahan namin si John. Naiisip ko baka sasabay siya kay daddy kasi nag seservice si daddy papuntang school.

Mga past 11 am na yon e 12 yung pasok namin. Ako late talaga ako pumapasok pero siya first time niya ata na pumasok ng ganon ka late usually kasi mga 10 palang nasa school na siya. Bat ko alam na ganong oras siya pumapasok? Sa tapat kasi namin lagi siya dumadaan papuntang school.

Ayun na nga sinabayan niya ko pumasok sa school dalawa lang kaming sakay ni daddy papuntang school hindi naman siya awkward para sakin kasi close naman kami onti tsaka kinakapatid ko yung bunso niyang kapatid. So medyo close nga yung fam namin.

Sunod Sunod na araw kaming laging sabay pumasok, tapos isang araw bigla nalang siyang hindi sumabay saken edi syempre medyo sad ako non hindi ko siya pinansin sa school kasi nga tampo ako. Joke lang mapride lang talaga akong tao haha.

And then to my sur-fucking-prise y'all nung uwian na the same day na hindi niya ko sinabayan pumasok bigla niya kong tinanong na "pwedeng maging tayo na?" tho hindi siya mismo yung nag tanong si renzel nag tanong sakin non pero nasa may baba siya ng stage non tas kami ni renzel nasa mismong stage diba ang romantic ng pohtahngehnah.

So ayun kami na nga non diba. Next day medyo makulimlim nung pumasok kame hindi ko na matandaan kung sabay pa ba kaming pumapasok non nung kami na pero basta lagi siyang nakabuntot sakin pag uwian na, literal na nakabuntot kasi nasa likod ko lang siya hindi niya ko tinatabihan.

Nung first day namin as a couple (🤢) bigla naman nagparamdam si ex ko which is si crisostomo yung sa unang chapter.

Y'all I can not explain why I did this disgusting and non proudable thing. You know back then na uso yung parang magsusulat ka sa likod ng thumb mo ng name ng crush mo or whatever.

Sinulat ko yung name ng ex ko si crisostomo(yung real name niya syempre nilagay ko) tapos nakita ni John pinabura niya sakin yon tas pinaayos niya ako ng upo, yung upo ko kasi dati upon gangsta hahaha feeling cool kasi ako dati (iw) jejemon days talaga.

******

I ka cut ko na dito to tas sa next chap naman masyado na atang mahaba para sa isang chapter.

The Boys Who Passed Through MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon