Sadyang ang buhay ay punung-puno ng mga nakagugulat na bagay.
Hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa iyo at ibibigay.May mga hindi natutupad na iyong mga plinano.
May mga hindi nakukuha na iyong mga ginusto.Maaaring ngayon, malusog ka't malakas,
Subalit isang araw, magigising kang mahina't tila wala nang lakas.Maaaring ngayon ang alam mo, marami ka pang oras,
Subalit mamaya, hindi mo lang alam, naubusan ka na pala ng oras.Kaya naman ang ating bawat sandali dito sa mundo ay iyong samantalahin.
Mamuhay nang masaya na walang tinatapakang iba ang iyong mithiin.Huwag hayaang maalis ng mundo ang ngiti sa iyong labi,
Bagkus layunin mong ikaw ang makapagbigay ng ngiti sa ibang mga labi.Kung may mga taong nakapagbibigay sa'yo ng sama ng loob at kalungkutan,
Huwag kang magtanim sa kanila ng hinanakit bagkus sila na lang ay layuan at iwasan.Maging masaya sa mga mumunting bagay,
Huwag hanapin ang mga bagay na wala sa iyong buhay.Hindi ko alam kung bakit ako nakagawa ng tula at biglang naging isang makata,
Siguro dahil ang daming nangyayari at dahil hindi na ako isang bata.Hindi ko rin alam kung paano ang tulang ito ay tatapusin,
Siguro sa pagsasabing sulitin natin ang ating oras dito sa mundo bago "Niya" tayo tawagin.
BINABASA MO ANG
Realisasyon
PoetryCollection of poems about my struggles, pain & realizations in this life! Dahil sa mga nangyayari sa mundo, dahil sa mga nangyayari sa buhay ko nagiging makata na ako. First three poems were inspired & dedicated to my younger sister in Christ, Chri...