Nais kong sumakay ng bus ngayong gabi, maglakbay kahit hindi ko alam kung saan ako tutungo.
Maupo sa mahabang biyahe, tumanaw sa labas ng bintana, magmuni-muni habang nakatingin sa malayo.Nais kong tumakas sa mga suliranin, sa mga problemang 'di matapos-tapos.
Lagi na lamang bang ganito? Lagi na lamang bang ako? Para na akong kandilang nauupos.Nais kong may makausap na estranghero na handang makinig ng aking mga hinaing, ng aking mga pinagdadaanan.
Isang estrangherong handang makinig, handang umunawa at hindi agad ako huhusgahan.Nais kong matapos ang mahabang biyahe sa pagbaba ko sa isang lugar na mararamdaman ko ang kapayapaan.
Sa isang lugar na may puting mga buhangin at may kulay asul na karagatan.Nais kong humiga sa dalampasigan, mayakap ng mga butil ng buhangin upang mabawasan ang bigat na aking nararamdaman.
Maligo, magbabad, lumanguy-langoy sa karagatan upang matangay ng alon ang mga gumugulo sa aking isipan.Nais kong hintayin ang pagtatakip-silim, mamasdan ang paglubog ng araw at makita ang paglabas ng buwan at mga tala sa madilim na kalangitan.
Muli akong mahihiga sa buhangin, hahayaang maglandasan ang aking mga luha habang aking pinagmamasdan ang malungkot na kalawakan.Nais kong tumakas. Kailangan kong tumakas. Kailan ako makakatakas? 💔
BINABASA MO ANG
Realisasyon
PuisiCollection of poems about my struggles, pain & realizations in this life! Dahil sa mga nangyayari sa mundo, dahil sa mga nangyayari sa buhay ko nagiging makata na ako. First three poems were inspired & dedicated to my younger sister in Christ, Chri...