BTS 02

56 2 2
                                    

BTS 02

"Watch your steps! Stupid!" singhal ng taong sumalo sa akin.

Idinilat ko ang mga mata ko. Anak ng--! Sa lahat ng sasalo sa akin, bakit isa pa sa mga kamag-anak ni Satanas?!

"I-ikaw?" tanging nasambit ko with bakit-ikaw-pa look. Choosy eh no?

"Lee!" sigaw ni Jimin na ikinagulat naming dalawa. At ang naging dahilan para mapabitaw siya sa akin.

BLAG..

"Aaah!" napahawak ako sa may bandang balakang at pwet ko. Pakshet naman kasi! Sinalo na nga, binitiwan pa! Huhu. Feeling ko, bali bali na buto ko sa pwet kong walang laman.

"Hala! Lee, ok ka lang ba?" isa-isang tumakbo sa akin ang mga alaga ko para tulungan akong tumayo. Ako naman nakatingin lang ng masama sa taong dahilan ng pagbagsak ko.

"Hyung! Bakit mo naman kasi binitiwan si Lee? Alam naman naming may pagnanasa ka sakanya kay--AWW!" sambit ni V tsaka siya binatukan ni JungKook.

"Para sabihin ko sainyo, kahit kailan hindi ko pagnanasaan yang babaeng baduy na yan! Diyan na nga kayo!" singhal niya sa harap namin tsaka nagmartsa papuntang van.

"Lee, kaya mo pa bang tumayo?" bakas sa boses ni Jin ang pag-aalala habang pilit akong itinatayo.

"Oo naman! Kaya ko 'to no. Haha. Ako pa? Sige na, I can managr this. Mauna na kayo sa van. Pupulutin ko lang yung mga gamit." pilit ngiti kong sagot sakanila, kahit na ang totoo, napakasakit ng balakang ko. Para akong pinukpok ng martilyo sa lakas ng impact ng pagbagsak ko kanina.

"Sure ka ba?" paninigurado ni Suga.

"Oo nga. Sige na, go ahead." pinulot ko na isa-isa ang mga gamit kahit na medyo pa-ika-ika ako.

"Sige, sunod ka na lang." sabi naman ni RapMon tsaka sila isa isang lumapit sa van at sumakay.

Yung totoo, masakit talaga. Ayoko lang na maabala pa sila dahil alam kong napapagod din sila. Ayoko ding pag-alalahanin sila dahil lang sa nabagsak ako. Sobrang full sched sila ngayong araw kaya feel kong sobrang pagod at stress din sila.

Nang matapos kong pulutin ang mga gamit, aumakay na rin ako sa van. At kung minamalas ka nga naman, katabi ko pa ang kampon ni Satanas.

"Tatanga-tanga kasi." bulong pa niya. Ayan, diyan siya magaling! Sa pag-uumpisa ng away. Hindi ko nalng papatulan dahil lalo lang akong ma-iistress.

Maya maya nakaramdam ako ng antok at parang, parang--

Zzzzzz.

Jin's POV

Sumilip ako sa bandang likod kung saan nandoon si Lee. Nakita ko naman natutulog siya at nakanganga pa sa may bintana. Nag-aalala talaga ako sakanya. Dahil feeling ko sobrang lakas ng pagbagsak niya kanina.

Bwisit naman kasi si JungKook. Binitiwan pa si Lee. Ewan ko ba, hindi ko rin alam kung bakit sa lahat ng naksama namin sa bahay eh kay Lee lang siya mailap. Napakasungit, napakasuplado, antipatiko pagdating kay Lee.

Napakabait naman ni Lee. Actually, even from the start I already like her. I like her positive attitude, craziness, ang pagiging caring, sobrang dedicated sa trabaho, mapagmahal— basta! Yun para bang wife material siya ganoon.

Hay, sana magbago naman na si JungKook sakanya. Parang sa lahat kasi ng ipinapakita niya sa amin, hindi niya deserve ang mapag-initan at laging masigawan.

Napatingin ulit ako sa likod at nakita kong pinatong ni Kookie sa balikat niya ang ulo ni Lee.

Te-teka?! Totoo ba ang nakita ko?! Si Kookie talaga?!

BTS Presents: Bangtan's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon