BTS 01

68 2 0
                                    

BTS 01

Lee's POV

"Okay, cut!" sigaw ng direktor dito sa studio. 

Hay natapos din! Nakakapagod magpapicture--charot! Haha, ang feeling ko talaga.

Isa isa nang naglapitan ang mga alaga kong Greek Gods sa akin.

"Hey Lee, paabot naman ng water." sigaw ni V habang papalapit. Inabot ko naman agad sa kanya ang dala kong bottled water.

"Thanks!" sabay kurot sa pisngi ko. Yung totoo? Pinalapit niya ba ako para sa inumin o para kurutin?

"Taehyung!" singhal ko sakanya tsaka siya lumayo sa akin habang tumatawa.

Ang sakit ng pisngi ko! Grabe, napakaharass talaga noon!

"Leeeeeeee!" ayan na! Ayan na ang mala Mt. Everest niyang boses! Napatakip ako sa tenga ko at napapikit kunwari.

"Jimin! Ano ba?! Kaingay mo!" sabi naman ni sungit--este ni JungKook. Tch, ang KJ ha!

"Sorry Kookie hihi. Nga pala Lee, ok ba yung mga pose ko ha? Yung ganito oh, tapos ganito, ganito.. " pumose lang siya ng pumose habang nakapoker face lang ako. Napakafeeling gwapo talaga ng alaga kong ito. Pero sabagay gwapo naman talaga siya.

"Stop it Jimin. You still got no JAMS. HAHAHA" sabat naman ni RapMon tsaka siya tumawa. Isa din to, mapang asar haha. Leader ba talaga yan?

"Oo nga Jimin, di ka parin SWAG! HAHA" sabat naman ni Suga. Yung totoo?! Bad boys ba talaga ang image ng mga to?!

Kaistress eh! Nakatingin lang ako sakanilang mag asaran. Masarap silang mag asaran, masarap silang panuorin. Napakacu-cute. Natawa nalang ako, tapos bigla akong napadako sa gawi ni Jin na walang kibo pero nakasmile. Nilapitan ko siya.

"Yah, kwaentana?" sabay abot ko sakanya ng tubig. Ito talaga kahit kailan napaka-emo. Haha, pero madalas naman nakikipag-asaran din siya.

"Of course. How about you?" kinuha niya ang tubig saka ngumiti siya sa akin ng napakatamis na ultimo asin lalanggamin. Waah! Kilig mats si Kuya.

"Well, I'm fine too because you're fine. Haha" sabay kaming napatawa. Ganyan lang talaga kami, sweet sweetan. Haha, inggit kayo no? Hihi.

"Hoy Lee! Amina nga yung pamalit ko! Napakabagal mo! Anong klaseng P.A. ka!" ayan na ang monster! Magtago na kayo! Kakainin niya kayo!

"Sandali lang Jin ha? Yun kasing alaga niyong halimaw tinotoyo na naman. Haha." bulong ko kay Jin at ngumiti lang siya. Sinimulan ko nang kuhanin ang pamalit ni Monster sa bag ko. Habang papalapit ako sakanya, napansin ko ang napakatalim niyang tingin sa akin. Well, ano pa bang bago?

"Ayan na po Kookie." inabot ko sakanya ang pamalit niya. Kinuha niya naman yun nang maygalit. Alam niyo, hindi ko talaga lubos maisip kung bakit napakahighblood niyan sa akin. Hindi na kaya magbabago yan?! Siguro sa pag-alis ko tsaka siya magbabago.

"Don't call me Kookie, we're not close!" sigaw niya sa mukha ko. Tch! Kundi lang to gwapo at artista baka may blackeyes at blacknose na to sa akin!

"Eh di Monster." bulong ko sa sarili ko habang nagtitimpi pa.

"What did you say?! Huh?! Are you testing me?!" sigaw na naman niya. Alam kong lead vocalist siya pero di naman ako mic para sigawan niya no!

"Testing daw. Eh di naman ako teacher." bulong ko ulit. Hinayaan ko lang siyang mainis. Napaka talaga nito! Kundi ko lang talaga siya alaga! Amp!

"You! You're really getting to my nerves!" sigaw na naman ulit. Pero this time yung sobrang inis na inis na siya. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil sa sobrang pula niya o matatakot ako kasi baka isumbong niya ako kay PD. Pero kasi eh, nakakainis na siya.

"Guys! Ang gwapo ko daw! Haha." waaah! Alam na this. I'm saved by J'sHope! Haha. Ayan na naman kasi ang epal na line ni J-Hope tuwing inis na inis na sa akin si JungKook.

Agad akong tumakbo kay J-Hope para kunwari makiintriga, kahit na ang totoo tinatakasan ko lang ang Monster. Haha. Buti nga sakanya.

"Ows talaga? Hulaan ko, sabi na naman ng fans mo yan." sabay tapik sa likod ni J-Hope. Natawa ang ibang members. Haha.

"Oo naman. Alangan namang si Manager ang nagsabi." lalo kaming napatawa haha. Paano ba naman, inirapan pa ako ni J-Hope. Napaka-bading lang haha.

"Enough kids! Let's go home. Maaga pa tayo bukas!" napalingon kaming lahat kay Manager Hyung na kausap ang direktor ng bagong MTV ng BTS. Ang Haruman or Just One Day.

Agad akong napaayos at ginawa na ang trabaho ko. Binigay ko lahat ng pamalit nila. Inayos ang mga gamit nila. Binigyan sila ng tubig. Dinala ko na din lahat sa van ang mga gamit nila. At siyempre, as expected. Napakarami nilang gamit -_- feeling ko bago ko marating ang van eh kuba na ako.

Naglalakad lang ako habang hawak lahat ng gamit nila ng hindi ko mapansin ang humps sa nilalakaran ko. Siyempre alam na ang mangyayari.

Napapikit nalang ako, alam kong this is the moment na sasakit ang pwet at balakang ko.

Waah, eto na talaga. Malalag-lag na ako. Eto na, eto na et--

"Watch your steps! Stupid!" ng marinig ko yun, naramdaman kong may nakahawak na bisig sa katawan ko. Mga bisig na sumagip sa akin mula sa katangahan ko.

Idinilat ko ang mata ko para makita ko ang sumagip sa akin.

Then BOOM my face turns red. My heart beats fast. Nahiya ang kaluluwa ko na para bang makahiyang tumiklop.

"I-ikaw?"

----

Mensahe ng author na maganda pag nakatingala: Reactions? Commemt it. Haha. Sino kaya ang nakasalo kay Lee? Abangan sa next update ha?
#KookieTheMonster
#BTS01

BTS Presents: Bangtan's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon