Prologue

20 5 0
                                    

Humahangos. Pagod. Puno ng sugat ang katawan. Takot at pighati. Pero sa kabila ng lahat ng iyan. Patuloy paring tumatakbo si Cora sa gitna ng madilim at masukal na kagubatan, karga karga ang bagong silang niyang anak na marahil sa mga oras na ito ay nag-aagaw buhay.

Pilit na iniinda ang halo-halong sakit na nararamdaman. Matakas lang ang anak sa mga nilalang na nais silang saktan.

Sa bawat  pag-kulog at pag-kidlat, at sa bawat pag-patak ng ulan, ay kasabay ang walang tigil na pag-agos ng luha ni Cora. Ang Dyosa ng Buwan.

Bumaba siya sa lupa para protektahan ang kanyang anak pero kahit na dito ay hinahabol parin siya ng mga kawal galing sa Buwan at mga kawal na galing sa Hummibyd. Ang lugar na minsay pumoprotekta sa kanya subalit ngayon ay tinutugis siya.

Hindi niya aakalaing magagawa siyang talikuran at traydorin ng mga kapwa niya Diyosa.

"Nagmahal lang naman ako. Masama ba yun?" Tanong ni Cora sa isip niya.

"Buwan! Mahal kong Buwan! Ako na iyong diyosa. Nagsusumamo ako. Magpakita ka! Bakit tila ikaw rin ay nais akong talikuran?" Tumatangis na tawag ni Cora sa Buwan na ilang libong taon narin niyang pinagsisilbihan.

"Masama bang ibigin ko ang isang tao? Diyosa ng Kapalaran at pag-ibig! Alam kong ikaw ay nariyan at nanunuod lamang. Bakit mo ako hinayaang humantong sa ganito? Alam kong ikaw ang nag pares sa amin ng mahal ko. Ano ba ang nais mo?!"

Hindi mapigil ni Cora na kwestyonen ang Dyosa ng kapalaran. Pero sa loob-loob niyay hindi siya sigurado kung meron ba talagang diyosa ng kapalaran sapagkat walang nagpakilalang diyosa o kahit diyos na naglilingkod sa kapalaran, simula noong isilang siya.


"Uwwahhhhhh" iyak ng kanyang anak.


"Konting tiis nalang anak ko. Konting tiis nalang." Bulong niya sa kanyang anak na tila naintindihan naman ng bata sapagkat tumigil ito sa pag-iyak.

Isang matalim na bagay ang bumaon sa binti niya. Napadaing siya sa sakit pero wala parin siyang balak tumigil sa pagtakbo.

Wala sa batas ang pagbabawal umibig. At mas lalong wala sa batas nila ang pagbabawal na tumangi ng isang tao. Ngunit bakit sa mata ng mga Diyos at Dyosa ay salot ang pagkakaroon ng anak galing sa isang tao?



"Dyosa Cora! Wag mo nang pahirapan pa ang iyong sarili! Sumuko kana at baka ikaw pa ay patawarin ng mga bathala sa nagawa mong pagkakasala!" Babala ng isang kawal.


"Pagkakasala? Kahit kailan ay hindi ko ninais na gumawa ng kasalanan! Pagkakasala ba ang magsilang ng anak? Kayo ang may sala! Hindi salot ang anak ko! Kayo! Kayo ang salot!."

Dala ng matinding galit ng Dyosa. Bumaba ang buwan sa lupa. Nagbigay ito ng nakakasilaw na liwanag sa lahat ng nilalang sa lugar na iyon maliban kay Cora.

Boung akala niya ang tinalikuran na siya ng buwan ngunit naghahanap lang pala ito ng lakas para bumaba.
Hindi parin tumitigil ang ulan kaya ang liwanag galing sa buwan ay nagpakintab sa boung paligid. Nagbigay ito ng lakas sa Diyosa.

"Mahal na Dyosa. Patawad kung ngayon lang ako. Gaya mo ay ako rin ay nanghihina. Paumanhin kung ito lang ang kaya kong itulong sayo." Narinig ni Cora ang Boses ng kambal diwa ng Buwan. Hindi niya man ito nakikita, alam niyang gumagawa ito ng paraan para tulungan siya.

Binalot ng liwanag ang katawan ni Cora at sa oras na maglaho ang liwanag ay napunta siya sa hindi pamilyar na lugar. Ang napansin niya ay ang maliit na bahay sa ilalim ng malagintong puno.

Kahit sobrang bigat na ng nararamdaman niya ay nakuha niya paring lumapit sa bahay.


"Sino ka?" Isang pamilyar na tinig ng babae ang narinig niya. Pagkakita niya sa babaeng nagbukas ng pintuan ay laking tuwa niyang makita ang kaibigan niyang nawalay sa kanya.

Moonlight Chant Where stories live. Discover now