Chapter Thirty-One

651 31 15
                                    

Chapter 31

ZAMIRA

Hindi niya man sabihin ay alam kong gusto niyang malaman kung ano ang napag-usapan namin ni Rash.

Dalawang oras na mula ng maka-alis si Rash, nasa kusina ako ngayon at kumakain ng pagkaing pinadala ni Diether mula sa restaurant sa baba.

“Ah.. You know, I've decided to let you take a stroll outside.” pagbubukas ng usapan ni Diether na nakaupo sa tapat ko.

“Okay.” tangi ko lang na naisagot bago nagpatuloy sa pagkain.

“And your guards, tatlo nalang sila just like what you've asked earlier.” proud at malaki ang ngiting aniya.

Tango lang ang isinagot ko.

“And the thing between us, can we start again?”

“Okay.”

“Really!? Wait, you're not misunderstanding me, right? I'm asking you to be my girlfriend and start a new.”

“Uhuh..” baliwalang sagot ko, napag-isipan ko na rin 'yan kanina.

“I think you're not in the mood..”

Huminga ako ng malalim at itinigil ang pagkain para diretso siyang titigan sa mata. “Sorry kung gano'n ang tingin mo, pero sigurado na ko sa sagot ko.” ani ko at tipid na ngumiti.

“So, we're on now?” paniniguro niya.

“Oo.” muling pagtango ko.

Napatakip siya ng bibig gamit ang kamao niya, “I don't know if you're in your right mind right now, but you can't take your answer back anymore.”

Naiiling na napangiti ako, “Unang araw ko palang dito pinag-isipan ko na kung makikipag-balikan pa ako sa'yo..” pag-amin ko, “Naisip ko rin na kung gagawa ka na naman ng kalokohan, mas mabuti kung hindi mo na ipapakita sa 'kin maski yang anino mo. Kasi kahit lumuha ka pa ng dugo, malabo ng mapatawad pa kita.”

“I swear, that time hindi ko sinasadya—”

“Tama na.” pagpigil ko sa kaniya at inabot ang palad niya. “Ang mahalaga ay ang kung anong meron tayo ngayon.”

Para itong maamong tupa na sunod-sunod tumango, “Yeah. You're right. I'll make sure not to hurt you this time.”

Binitawan ko na ang kamay niya at sinimulan ng ligpitin ang mga pinagkainan ko, siya naman ay awtomatikong tumulong.

“Nga pala, bakit hindi mo dinadala dito si Dexter? Hindi ko na nakikita 'yun.” biglaang tanong ko ng maalala ang bata, sinimulan ko na ring hugasan ang platong ginamit ko.

“About that, he's getting weird and weirder.” sagot niya na halos hindi ko na narinig dahil sa biglaang ginawa niya, niyakap niya ko mula sa likuran!

ASDFGHJKL!

“Anong ginagawa mo?” pagtukoy ko sa pagyakap niya sa'kin mula sa likuran at ang ginagawa niya ngayong pag-amoy sa buhok ko.

“Hmm?” usal niya at tumawa ng marahan sa tapat ng tainga ko sanhi para magtayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

Kingina. Hindi ko ito naisip noon, ang iniisip ko lang kasi ay kung maging kami man ay ituturing niya lang akong babi niya at siya, bebi ko.

“Can't I do this to my girlfriend?” bulong pa niya at inagaw ang sponge at pinggan sa kamay ko, siya na ang nagpatuloy ng paghuhugas ng plato sa ganoong posisyon.

Eat My Banana [Book 2]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon