Chapter Twenty-Three

713 37 1
                                    

Chapter 23

ZAMIRA

“Biglaang meeting?” kunot-noong tanong ko, kinaumagahan ay ito agad ang bumungad sa'kin sa opisina.

“Yeah, you heard it right. The LCC President suddenly call for an urgent meeting for suppliers.” sagot ni Elliot na todo ayos sa buhok niya, pilit niya ring ginagawang masungit ang mukha niya. “Look at me, Zam. Do I look good?”

“You look Gooddamn, Sir.” hagikgik ko, “As in goddamn it, what a handsome boss you are!” biro ko pa, sana may dagdag na suweldo 'to.

Awtomatikong lumaki ang ngiti niya, “That's my secretary.” aniya pa, “Let's go, we need to be early so we can get a great impression from him.” dagdag niya at nauna ng maglakad palabas ng office.

Bakit naman biglang nagpatawag ng meeting si Diether? Nagkaroon ba ng problema sa mga supply ng mga supplier ng kompanya niya? O baka magbabawas ng supplier?

Kung gano'n nga ay baka manganib si Elliot, siya kasi ang bagong salta kaya malamang na hindi pa gano'n katibay ang relasyon ng kompanya niya sa LCC.

Nang dumating kami sa conference room sa building ng LCC ay nakakagulat na halos lahat ng kasapi at may kinalaman sa mga supplies ay narito na, partida na maaga pa kami ng trenta minutos.

Mahigpit talaga si Diether pagdating sa negosyo, halata naman kasing kinatatakutan siya ng lahat.

“Holy cow, this meeting is giving me a goosebumps.” tipid na ngiti sa'kin ni Elliot na dala ang laptop niya, kung hindi ko kilala si Diether ay malamang na kinabahan na din ako para sa kompanya ng boss ko. Pero tingnan mo nga at kasama ko lang sa pagkain kagabi ang dahilan ng kaba niya ngayon.

Nang maupo siya sa isa sa mga swivel chair na nakapabilog sa round table ay humiwalay na ako, bitbit ang Ipad at ilang mahahalagang papel na maaari niyang kailanganin ay naupo ako sa arrange seat for secretaries. Dalawa't-kalahating hakbang lang ang layo ko mula sa kaniya ngayon.

Sa libreng oras ay nakita ko ang pagka-busy ng mga taong kasama namin, nakaka-conscious tuloy dahil wala akong ginagawa unlike ng mga tulad kong secretary na panay ang pagpupumindot sa mga hawak nilang gadgets.

Ah! Makapag-candy crush na nga lang para kunwari busy ako...

Binuksan ko ang app at sinigurong mahina ang volume, yung tipong kahit ako ay hindi ko maririnig, saka ako naglaro. May ilan pa namang minuto bago ang itinakdang oras ng pagpupulong.

Naka-ilang round ako ng laro, panay sweet, delicious ang naglalaro sa isipan ko, hindi ko na namalayan na ilang minuto na pala ang lumampas sa itinakdang oras. Late si Diether, tulad lang din nung naka-meeting namin siya ni Elliot. Pa-important talaga.

Sabagay, importante naman talaga siya. Sa akin, boooom.

Napahagikgik ako sa mga isiping pumapasok sa isip ko, grabe na 'to, ang tagal kasi ng kumag. Akala mo kung sinong pogi, eh pogi lang naman siya ng buhay ko. Another booooom!

Jusko, ang korni ko na. Lord god linisin niyo na ng holy water ang utak ko, masyado ng kumukunat.

Napunta ang atensyon ng lahat sa pinto ng bumukas iyon, pumasok ang seryosong-seryoso na si Diether kasunod ang sekretarya niya na tulad niya'y malalaki ang ginagawang hakbang.

“Goodmorning Everyone.” bati niya at sinenyasan ang lahat na maupo na.

Putek, hindi ko namalayang nakatayo na pala sila. Naiwan akong nakaupo kanina, na hindi na rin nag-abalang tumayo dahil naka-upo na silang lahat.

Eat My Banana [Book 2]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon