Chapter 1 - Stephen

13 0 0
                                    

"Good morning, aga ah?"

"Di ka na nasanay kuya," tumawa sa akin si Kuya Guard nung binati ko siya habang papasok ako sa gate. Hindi naman kami masyadong close 'di kagaya nung iba kong schoolmates, pero kilala niya ko kasi isa talaga ako sa mga nauunang estudyanteng napasok tuwing umaga.

It's currently 6:30 AM, sinasadya ko na agahan yung pag-alis sa bahay kasi gusto ko dito sa school nang walang tao. Kapag marami kasing students, hindi ko na maappreciate yung ganda ng campus.

Dumerecho muna ako sa locker para kunin yung books na gagamitin ko sa classes ngayong araw. Tinanggal ko yung nakasabit na padlock doon sa locker. Hindi ko naman 'to sinususian kasi ano bang nanakawin nila dito sa loob? Yung libro ko? Yung handouts namin sa ESP na wala namang connect sa totoong lesson namin? Hassle rin kapag nawala ko pa yung susi tapos nakalock 'to. Pwede naman ako mag-report sa POS kapag may nagnakaw.

Pagkatapos ko doon sa locker ay pumunta na ako sa classroom namin. Sarado pa yung room kasi nga kahit teacher ko wala pa. Kaya kapag ganto natambay nalang ako dito sa corridor para gumawa ng mga kailangan kong tasks. Umupo ako doon sa sahig malapit sa entrance ng room at nagsimulang kunin sa bag yung mga libro tsaka notepad.

Kakakita ko palang sa to-do list doon sa notes ko ay napahilot na agad ako sa sentido. Pota talaga 'tong ICT subject namin. Napakarami magbigay ng project minor subject lang naman! Akala mo siya lang yung subject na inaasikaso namin eh.

Inuntog-untog ko yung ulo ko sa pader dahil gigil na gigil na ako dito kay Sir! Halos sampung assignment nakukuha namin sakanya sa isang linggo, kung di ka ba naman isa't kalahating tanga-

"Good... morning?"

Nabitawan ko bigla yung hawak kong libro dahil nagulat ako doon sa nagsalita. Umayos ako ng upo bago tumingin doon sa pinanggalingan noong boses. Si Liane, Class President. Hindi kami masyado close pero ang alam ko officer rin to sa SC. Tumawa siya ng mahina. 

"Ayos ka lang?" tanong niya sakin habang nilalapag yung bag niya tsaka mga libro doon sa may tabi ng pintuan. Medyo naguluhan ako sa tanong niya pero mabilis kong na-realize yung tinutukoy niya.

"Ah oo," umayos ulit ako ng upo bago tumikhim. "May iniisip lang."

Nakasuot siya ng black sweater na may logo ng Adidas sa upper left part. Nasa ilalim non yung uniform niyang suot. Medyo basa yung buhok niya kaya siguro nakalugay muna siya, naalala ko kasi lagi naka-ponytail yung girls kapag may klase. Sinisita kasi ng teachers kapag hindi nakatali yung buhok nila. Tumango-tango siya habang lumapit sa tabi ko pagkatapos ay umupo doon. "Ganto kaaga ka talaga pumapasok araw-araw?"

"Oo," sagot ko. Magsasalita pa sana ako kaya hinintay ni Liane na ituloy yung sasabihin ko. Kaso biglang wala na ako maisip kaya tumahimik nalang ako. Taena mukha akong tanga. Madaldal naman ako, pero sa piling mga tao lang. Usually sa mga kaclose ko. Si Axel nga minsan halos suksukan na ako ng tela sa bibig dahil daw sa sobrang ingay ko eh. 

Medyo nag-aalangan pang sumagot si Liane sa akin kasi parang di niya sure kung tapos na ba ako magsalita. Natawa ulit siya. "As in araw-araw?" tumango ulit ako. "Hindi ba parang ang aga naman sobra?" sumilip siya doon sa notebook sa harapon ko, "ganda ng handwriting mo."

"Thanks," nginitian ko siya. "Sanay naman kasi ako gumising ng maaga."

"Sana all," tumayo ulit siya para abutin yung bag niya sa lapag. "May pa-meeting kasi sa SC today kaya naagahan ko, kainis nga eh pwede naman sana na mag-online meeting kami kahapon kasi updates lang naman yon sa projects namin. Kaso ayun, ang arte nung iba lalo na yung mga lower levels," suminghap siya habang may kinakalkal doon sa backpack niya na pink. "Feeling ko dinadahilan lang nila yung mga in-person meeting na yan para makita yung crush nilang Senior High."

Catch Me If You CanWhere stories live. Discover now