STORY 1

19 2 0
                                    

"Mang, alam mo ba may bagong transferee ngayon" Napatigil ako sa pagsusulat, at tinitigan ang kaklase ko. Hindi ako interesado dahil, wala akong pake. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagsusulat ng nilesson ni Ma'am ngayon.

"Class listen, may transferee tayo, may bago ulit kayong magiging kaklase. Gusto ko i-welcome nyo sya at makipag friends kayo sakaniya" Nilingon ko si Ma'am na may katabi siyang lalaki na nakatagilid sa akin hindi ko maaninag ang buong mukha niya dahil naka facemask siya.

May binulong si Ma'am sakaniya, "Hello my name is Niel sana maging kaibigan ko kayong lahat" Nahihiya niya pang sabi, ang anghel ng boses niya dahil d'on nakuha niya ang buong atensyon ko.

"Umupo ka sa tabi ni Mang, sa may bakanteng upuan" Nagulat ako dahil seatmate ko pala siya, tinanggal ko ang bag ko doon sa bakanteng upuan. Papunta na siya sa banda ko at di ko alam kung ano ba ang irereact ko.

Ngumiti ako sakaniya n'ong tumama ang tingin niya sa akin, dahan dahan niya tinanggal ang facemask niya. Napatulala ako dahil ang gwapo niya, saka siya ngumiti.

"Hello, Niel nga pala" Tinaas niya ang kamay niya, tinaas ko rin ang akin para makipag shake hands. Ang lambot ng kamay niya, agad ko rin binitawan dahil pakiramdam ko ay magaspang ang kamay ko.

"Mang" Ang tanga ko naman bakit iyon lang nasabi ko. Habang nag ka-klase si Ma'am hindi ko maiwasan mapatingin kay Niel, pag napapatingin din siya sa akin akma akong nagsusulat dahil napapalingon siya sa gawi ko.

Kinabukasan, nag uusap na kami. Ang ayos niya kausap at sobrang bait. Marami na rin siya naging kaibigan lalo na ang mga boys sa room namin.

Lunch break na n'on, at magkasama kami ni Faith ang kaibigan ko. Nakwento ko sakaniya kung ano 'yong naramdaman ko kay Niel. Inasar niya ako, nahihiya naman ako binatukan siya.

Hindi nagtagal nag uusap pa rin kami kasama minsan ang kaibigan ko, sobrang friendly din niya.

Next year, kumakalat na gusto ko si Niel at feeling ko nahahalata na niya iyon dahil nararamdaman 'kong umiiwas na siya sa akin. Nalungkot naman ako, dahil ako lang iniwasan niya noon.

Valentines day na noon, bali balita na gusto niya raw si Faith. Nasa canteen kami balak ko sanang umamin sakaniya. Natanaw ko si Niel kasama ang mga kaklase namin mga lalake. Lumapit ako sa lamesa nila, binigay ko sakaniya ang chocolate at love letter na ginawa para sakaniya.

Inasar ng mga boys namin ang pangyayaring yon, tumayo siya at hinarap ako.

"Thank you, Mang pero may iba akong gusto. Sorry" Tinanggap niya ang binigay ko, nginitian ko lang siya at umalis doon. Hindi naman malalim ang nararamdaman ko sakaniya pero nalulungkot pa rin ako. Nag Cr muna ako at akmang babalik sa room namin.

Napatigil ako nasa loob ng room si Faith at Niel, base sa nakikita ko gusto nga ni Niel si Faith dahil binigyan ni Niel ng love letter at chocolate pero hindi yung bigay ko. Napangiti nalang ako, at hindi na sinubok pumasok doon dahil moment nila yon.Tanggap ko naman at ayos lang sa akin.

ONE-SHOT STORY (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon