STORY 2

15 2 0
                                    

"Ma, matutulog na po ako. Goodnight po" Inaantok kong sabi kay mama. Hinalikan lang ako ni Mama sa pisngi at nag patuloy na sa ginagawa niya.

Pumasok na ako sa kwarto, at napansin kong nakabukas pa ang Computer. Balak ko sanang patayin ito, pero nag notif ang facebook. May nag friend request sa akin, titignan ko sana pero naghang na naman ang pesteng Computer 'to.

Click lang ako ng click sa mouse, inexit ko ang Fb. Saka ko nirefresh ang Computer, umayos naman siya. Nagpunta ako sa friend request para tignan kung sino ang nag add. Pero nakalagay d'on naconfirm ko na siya. Aksidente ko atang napindot habang nag click ako ng kung ano ano.

Inistalk ko ang profile niya, James Cy. Pakiramdam ko ay RP Account niya 'to, pero parang hindi, dahil nakita ko yung mga picture niya. Sabihin nalang natin na parang Second Account.

Nagpatuloy ako sa pagstalk sakaniya, nakita ko ang mga picture niya hindi ko maiwasan na magcompliment sakaniya. Cute siya sa mga picture niya.

Nang tumagal lagi ko na siyang ini stalk, nararamdaman ko na nagkakaroon na ako ng gusto sakaniya dahil nakakatuwa ang mga nakikita ko sa wall niya tuwing napupunta ako sa Account niya.

Tinanong ko rin ang mga kaibigan ko kung icha-chat ko ba siya dahil nahihiya ako mag first move baka iignore niya lang ako.

Axle (ako): Guys may crush ako sa Fb, gusto ko siyang i chat kaso baka iignore niya lang ako.

Mikha: I try mo, hindi mo pa nga natatry eh.

Marie: Wag nalang kaya? Baka masaktan kalang diyan.

Donny: Nako iignore kalang niyan.

Axle: Hindi naman malalim ang feelings ko sakaniya 'no.

Isang buwan na kaming friends sa fb, wala akong ginawa kundi mag react sa kada post niya. Nag desisyon akong na mag chat na sakaniya. Pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong unang sabihin.

Axle: Guys ano ba icha-chat ko sakaniya? Kinakabahan talaga ako.

Marie: Hi

Mikha: Mag hello ka muna

Donny: Mag Hi ka tas kapag nag reply tanungin mo kung pwede makipag kaibigan

Nag-isip pa ako kung ano sasabihin ko sakaniya, mga dalawang oras pa ako nag isip kung icha-chat ko pa rin ba siya. Pumunta ako sa Account niya, pinindot ko ang message saka ako nag start mag type.

Axle: Hi

Ieenter ko sana, pero pinangunahan ako ng kaba, kaya dinedelete ko rin.

Axle: Hello pwede makipag kaibigan?

Parang ang ano naman, delete delete ulit. Huminga muna ako nang malalim saka nag decide kung ano ang icha-chat.

Axle: Hi

Inenter ko 'yon, nag antay ako mag reply siya. Kinakabahan pa rin ako dahil baka mawirduhan sakin. Pagpatak ng alas otso ng gabi, kakatapos ko lang kumain bumalik agad ako sa Computer at tinignan kung nag reply na ba siya.

James: Hello

Tuwang tuwa ako 'nong magchat siya sa akin, tinanong ko siya kung pwede makipag kaibigan tas sabi pumayag siya doon. Simula n'on, araw araw na kami nag uusap para bang kilalang kilala na namin isa't-isa na akala mo rin ay ilang taon na kami magkakilala. Tuwang tuwa ako sa mga pag uusap namin, tas isang araw nag desisyon na akong umamin sakaniya.

Axle: Meron pala ako aaminin

James: Ano yun

Axle: Gusto kita noon pa, kaya ako nagchat noon

Axle: Sana walang magbago haha

Simula ng umamin ako noon, hindi naman ako binigo ng tadhana dahil wala namang nagbago. Pero hindi pa roon nag tatapos lahat. May iba siyang gusto.

James: Laro laro lang naman yon wala naman seryoso

Axle: Hindi yan, gusto mo talaga siya

James: Hindi kaya

Axle: Anong hindi? Bakit ka natutuwa tuwing kausap mo siya? Bakit mo siya namimiss kapag hindi mo siya nakakausap? Meron kang nararamdaman for her, dinedeny mo lang talaga.

James: Oo na, gusto ko na ata talaga siya

Pareho kaming bisexual, pero tinuring ko nalang siya parang kapatid sa kabila ng lahat pero habang tumatagal mas lalo ako nahuhulog sakaniya. Mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sakaniya.

Aaminin ko nasasaktan ako ng sobra sobra roon, sinabi ko sa kaibigan ko ang problema ko.

Axle: May iba siyang gusto

Donny: Haysss

Mikha: Binalaan ka na nung una eh

Marie: Sabi ko sayo masasaktan kalang diyan

Axle: Sana ako nalang yon eh,

Naglabas pa ako ng mga saloobin sa mga kaibigan ko, iniyak ko lahat yon. Pinipilit ko naman na hanggang kaibigan nalang pero hindi talaga pwede kahit anong gawin ng nararamdaman ko.

James: Ano gagawin ko?

Axle: Umamin kalang sakanya, walang mawawala kung aamin ka

Nag advice pa ako ng marami para sa nararamdaman niya sa taong gusto niya kahit masakit yon sa part ko dahil gusto ko siya eh. Bakit ganon?

Hindi ko siya chinat ng isang araw kasi sobrang busy ko talaga that day, dahil sa online class at maraming pinapagawa sa amin. Pero kinagabihan non chinat ko naman siya.

Axle: Hoyy

James: Busy ako maglaro saka nalang tayo mag usap

Sabi ko nalang no'n goodluck at sana mag enjoy siya, natulog nalang ako. Nagising ako gabing gabi na, nag message ako sakaniya pero hindi siya nagreply. Akala ko tulog na siya, kasi lagi naman ganoon kapag late na ako mag message.

Akala niya nang nagtagal ay wala na ko nararamdaman sakaniya,

SEP 25 AT 5:52 PM

Axle: Hoyyy

SEP 26 AT 12:03 AM

Axle: Hoyy

Axle: Busy ka ba?

Axle: Bakit hindi ka nagrereply?

Axle: Active ka naman

Axle: Huyyyy

SEP 26 AT 9:19 PM

Axle: Nakalimutan mo na ako?

SEP 27 AT 8:48 AM

Axle: Hoyy bakit hindi mo na ako nirereplyan?

SEP 27 AT 9:17 PM

Axle: Ang daya

SEP 28 AT 10:08 AM

Axle: Umaasa pa rin ako magchachat ka

Dumaan ang mga araw hindi na nga siya nagreply sa mga chat ko, masyado ko pang pinupush kahit alam ko na yung nangyayari.

Ang daya niya, wala man lang dahilan kung bakit nawala siya bigla bigla. Sobrang sakit sa part ko, kasi pinaramdam niya sa akin na pwede naman kami maging mag kaibigan, pinayagan niya pa akong tawagin siya sa nickname niya at magchat.

Ang childish pakinggan diba? Siguro sobrang fragile kong tao, sobrang soft ko as a person. First time nangyari 'yong gan'tong karanasan kaya malaki ang impact nito sa buhay ko. Lagi kong nafifeel na baka lagi ko na pala siyang naiistorbo.

Napagtanto ko na hindi lahat ng bagay nabibigyan ng magandang dahilan kung bakit bigla nalang nawawala ng parang bula.

ONE-SHOT STORY (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon