"depression is not a joke.."
basa ko sa librong Nakita ko sa daan kanina. Natawa ako at napailing. Exactly depression is not a joke pero bakit hindi siniseryoso nang iba? bakit para sa kanila drama lang ang lahat? tanginang mga tao pag namatay kana jan na sila magsisisi pag nawala kana jan na sila magpapakita nang pake.
hindi ko maintindihan, nung buhay ka hindi ka pinapahalagahan pero nung patay kana iiyak iyak sa harap nang kabaong mo, magsisisi, magtatanong bakit mo nagawang magpakamatay.
napatingin ako sa palausuhan ko kung saan mayroong mga sugat mga sugat na akala ko makakatulong mabawasan ang sakit na dinadala ko. Mga sugat na panandalian ko lang naramdaman ang sakit sana ganon din ang ang nararamdaman ko.
humiga ako sa malambot kong kama habang pinapakalma ang sarili tanginang anxiety kalian ba matatapos ang lahat nang to. kalian ba matatapos ang nararamdaman kong ganito? gabi-gabi nalang ba? pwede bang kahit isang araw wala muna to?
minsan napapaisip nalang ako deserve ko ba to? ganon ba ako ka makakasalanan? kasi naman grabe naman to. hindi ko na kasi kaya pa hindi ko na kayang mabuhay sa ganito.