II

21 0 0
                                    

Chapter 2: Beat

"Ano kayang mahika ang meron sya?" Sabik na tanong ni Shra habang sila'y naglalakad patungo sa underground hall.

"Pakiramdam ko pang-absolute spring ang mahika niya," malumanay na hula ni Nina.

"Pero sana hindi kasing pangit ng kay Veronica," bambibwiset ulit ni Taroe sa kaklase.

"At nagsalita ang bigla nalang nagiging kapre," bwelta ni Veronica.

Maingay na natawa ang ilang mga phobics sa sinabi ni Veronica kung kaya't hindi na napigilan ni Ianna na pagalitan ang mga ito.

"Pwede bang mamaya nalang tayo magdaldalan? We are still on the formal part of the arrival," seryosong wika ni Ianna.

Pagdating sa underground hall, napanganga ang halos lahat ng phobics sa kanilang nakita. Maging ang dalagita ay hindi maiwasang mamangha sa napakagandang disenyo ng hall. Sa buong buhay niya, ito pa lang ang unang beses na nakakita siya ng mga naglalakihang chandeliers at mesa na pinalibutan ng napakaraming pagkain na bago lahat sa kanyang paningin.

Kahit kanina pa nakatingala sa iba't ibang bagay sa paligid, nasa isip pa rin ng dalagita ang dapat gawin ngayong nasa kalagitnaan na sila ng malapad na hall. Nagtungo ang dalagita sa may entablado at inalayan naman siya ni Master Jung sa pag-akyat. Ang mga phobics na nakasunod ay nakaupo na sa kanilang mga sariling pwesto. Nakatingala ang mga ito sa dalagitang nakahawak na sa mikropono na nasa gitna ng entablado.

"Magandang gabi po sa inyong lahat...," panimula ng dalagita at medyo nabingi pa sa lakas ng kanyang boses na siyang nagpaingay sa mala-kweba na katahimikan ng hall.

Inilibot na muna niya ang kanyang tingin sa mga phobics at sa iba pang mga katulong na sa kanya lang nakatitig. Talagang ibinubuhos ng mga ito ang kanilang atensyon sa mga sasabihin pa niya.

"Uhm, unang-una, gusto ko po munang magpasalamat sa inyong mainit na pagtanggap sakin. Ang araw na ito ay isa po talaga sa mga karanasang hindi ko kailanman makakalimutan,"giit ng dalagita na ikinangiti naman ng mga phobics.

Humugot muna ng isa pang malalim na paghinga ang dalagita bago ipakilala na ng tuluyan ang sarili sa lahat.

"Ako nga po pala si Kyra Zirvana. Labing-walong taong gulang at ako po ay may hemophobia."

Iba't ibang reaksyon ang bumakas sa mga mukha ng mga phobics. Si Taroe na nalilito sa narinig ay nilinaw muna kay Pi ang ibig sabihin ng phobia ni Kyra.

"Ano raw?"

"Takot siya sa dugo."

"Oohh."

Nang maintindihan na ito, bumalik na ulit si Taroe sa pakikinig. Lalo na't ang paborito niyang parte ng pagpapakilala ay ang pagpapakitang gilas ng bagong phobic sa kanyang mahika.

"Ngunit katulad ninyong lahat, may angking mahika rin po ako na gusto kong mahasa sa akademyang ito. Tinatawag po itong Soul Taking Magic at humihingi po ako ng paumanhin kung hindi ko man po ito maipapakita sa inyo ngayon dahil ayoko pong may mapahamak dito."

Natameme ang lahat sa narinig. Hindi nila inakala na ang mahinhin na dalagitang nakamayan nila kanina ay nagtataglay pala ng isang mapanganib na mahika.

"Bakit gulat na gulat kayo? Ano ba ang Soul Taking Magic?" Pagtataka ni Taroe na siya lamang hindi alam kung ano ang nagagawa nito.

"Isipin mo nalang Kuya Taroe na siya ang female version ni kamatayan," pa-suspense na sagot ni Shree.

"Nangunguha siya ng kaluluwa?!"

Napatingin ang lahat kay Taroe na hindi namalayang napalakas pala ng kanyang pagbulalas. Humingi agad ito ng paumanhin at sumenyas kay Kyra na ipagpatuloy na ang pagpapakilala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

World of Stafyan : Phobia Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon