CHAPTER THREE

1 0 0
                                    

MILES POV

Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay ay dala ko pa din sa aking isipan ang nangyari sa opisina. Pati sa pagkain ay nawalan ako ng gana.


"Ate ok ka lang ba? Ayaw mo ba ng mga niluto ko?" Puna sakin ni Sam. Nahalata siguro nya na wala akong gana.


Napatingin ako sa kanya. "Ok lang ako Sam. Pagod lang ako sa trabaho." Sagot ko at ngumiti para hindi na sya mag alala pa.


Pagtulog ng kambal ay nahiga na din ako para magpahinga. Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ako dalawin ng antok. Pilit na nagsusumiksik sa isipan ko ang mukha ni Christian. Ang kanyang tindig. Kung paano sya magsalita at ngumiti sa harap ng mga katrabaho namin kanina.


Pitong taon na ang lumipas at marami ng nagbago sa kanya. Bahagyang nadagdagan ang kanyang taas. Lumaki ang kanyang pangangatawan na bumagay sa kanya. Kaya hindi na ko nagtaka kung pagpantasyahan sya ng mga kababaihan sa opisina.


Napatingin ako sa kisame ng kwarto ko. Pano kung magkita kami bukas? Pano kung kausapin nya ko? Anong gagawin ko? Napapikit ako ng mariin at tumagilid ng higa. Pagdilat ko ay nakita ko ang litrato sa bedside table. Inabot ko ito.


"Santi..." Kausap ko sa larawan nya. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko." Nahihirapan kong sabi. Napapikit ako at niyakap ang larawan namin hanggang sa dalawin na ko ng antok.


—————

Kinabukasan nagising ako sa pagtunog ng alarm ng orasan sa ibabaw ng bedside table. 6:00 am.


Kahit halos wala pang tulog ay pinilit kong tumayo. Nakita kong wala na ang kambal sa kanilang mga crib. Dumiretso ako sa cr.


Lumabas ako pagtapos para hanapin ang kambal. Nakita ko silang nakaupo sa mga high chairs nila at pinapakain ni Sam. "Good morning ate!" Bati nya sakin.


"Good morning Sam. Anong oras nagising tong dalawa? Hindi ko yata napansin?" Nakangiti kong baling sa kambal. "Good morning Basty. Good morning Liv." At hinalikan sila isa isa. Napabungisngis si Liv at itinaas ang mga kamay para magpabuhat. Habang si Basty naman ay abala sa pagkain. Kinuha ko si Liv at kinarga.


"Kani-kanina lang ate. Hindi na kita ginising kasi himbing na himbing ka pa eh." Sagot nya.

Napatangu-tango ako. Umupo ako para kumain habang nakaupo si Liv sa kandungan ko. Pagtapos namin kumain at liguan ang mga bata ay naghanda na ko para pumasok sa trabaho.


—————

Thirty minutes before eight nakarating na ko sa trabaho. "Mrs. Del Valle good morning po. Ang aga po natin ah." Bati sakin ni Mang Jerry ang on-duty na guard sa umaga.


Bahagya akong yumuko at napangiti. "Good morning din po Mang Jerry. Sabi ko sa inyo Miles na lang itawag nyo sakin eh. Ang pormal masyado ng Mrs.Del Valle." Ganting bati ko.


Napakamot sya ng ulo. "Eh baka ho kasi pagalitan ako ng Head namin kapag Miles lang ang tawag ko sa inyo eh." Sagot nya.


"Wag ho kayong mag alala. Ako pong bahala sa kanya. Basta po Miles na itawag nyo sakin ah." Sabi ko at nagpaalam na.

"Sige po Miss Miles ingat po kayo." Nangingiti nyang paalam.


Abala ako sa paghahanap ng wallet ko sa bag habang naglalakad papunta sa elevator. Kinailangan kong gumamit nito para makapunta sa working place ko na nasa ika-limang floor. Isa akong accounting staff. Pareho kami ni Cass. Halos sabay lang kaming nakapasok sa kumpanya kaya sya ang pinakaclose ko sa lahat.


Nakarating na ko sa elevator pero hindi ko pa din nakita ang wallet ko. Napagpasyahan kong tumawag kay Sam. Hinihintay ko syang sumagot nang may biglang pumigil sa pagsara ng pinto ng elevator.

Napatingin ako kay Christian at pareho kaming natigilan ng makita ang isa't-isa. Sya ang unang nakabawi at tuluyang pumasok sa loob.

Kinabahan ako. Pakiramdam ko namutla ako. Kapagkuwan ay naisipan kong bumati. "G-good morning Sir." Bati ko na bahagyang yumuko. Lihim akong napapikit dahil sa pagkautal.


Tumango sya at gumanti ng bati. "Good morning." Matipid nyang sabi at tahimik na tumayo sa tabi ko na may sapat na distansya.


"Hello ate?" Nagulat ako ng madinig si Sam sa kabilang linya. Halos makalimutan kong tinatawagan ko sya dahil sa kaba.


"H-hello Sam..." Sagot ko sa kanya sa mahinang tinig. Bahagya akong pumihit patalikod kay Christian. "Pakitingin naman sa kwarto ko kung naiwan ko dun yung wallet ko. Please..?" Sabi ko sa kanya.


"Ok ate. Sandali lang." at saglit syang nawala sa kabilang linya. Napatingin ako sa repleksyon ni Christian sa pinto ng elevator. Nakita kong mataman syang nakatingin sakin. Kapagkuwan ay nagbawi ako ng tingin at bumaling sa ibang direksyon.


"Ate nandito lang. Nakita ko sa kama mo." Maya-maya ay sabi ni Sam.


"Ok salamat. Kamusta ang kambal?" Tanong ko.


"Ok lang ate. Naglalaro sila ngayon. Mayamaya papakainin ko na para makatulog na sila." Sagot nya.


"Ah ok Sam. Salamat. Tatawag na lang ako mamya." Paalam ko ng makitang malapit na kami sa 5th floor.


Pagbukas ng elevator ay walang lingon-likod syang lumabas. Napahinga ako ng malalim. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Matutuwa ba ko na parang hindi nya ako nakilala o madidismaya na hindi man lang nya ako naalala. Lumiko sya pakaliwa patungo sa kanyang opisina. Ako naman ay lumabas na at dumiresto hanggang sa table ko.


Nanghihinang napaupo ako sa upuan ko. Napahugot ng malalim na buntong-hininga at napahawak sa sentido. Sumakit bigla ang ulo ko sa hindi inaasahang pagkikita namin. Umpisa palang to ngayon. Pano na lang sa susunod na mga araw?


Ilang minuto pa ay dumating na din ang iba ko pang mga kasamahan at naging abala na kami sa kanya-kanyang trabaho.


—————

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE LOST PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon