TML 2

534 25 3
                                    


DEX'S POV

Dahil wala ngayon si Natha ay naisipan ko munang pumunta sa bahay dahil wala naman akong gagawin samin tutal tapos nadin naman ako maglinis.

Bago ako umalis ay nagpaalam din ako kay Nathan (Kailangan lagi daw syang updated haha) Pumayag naman sya basta daw wag lang ako papagabi.

Pag-dating ko samin ay sinalubong agad ako ni Kyline at Mama.

"Kuya!!!!!" Masayang sabi nya sakin at niyakap ako.

"Oh anak kamusta sa bago nyong bahay?"

"Eto Ma nakakapanigo pero makaka adjust din naman kami paunti-unti. Asan po pala si Papa?"

"Nandon nanonood."

Panatag na ang loob kasi kahit wala ako dito ay alam kong maayos ang kalagayan nila dahil patuloy padin naman ang mga negosyo na pinatayo namin dati.

Sabi kodin sa kanila na kahit wag na silang magtrabaho at dito sa bahay dahil sapat naman ang kita ng business namin.

"Pa?"

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Kahit hindi na ako bata ay naglalambing padin ako sa kanila na parang bata haha.

"Bakit ikaw lang mag-isa nasan ang asawa mo?"

"Pumasok sya Pa."

"Ganon ba? Kumain kana ba? May niluto ang Mama mo."

"Hindi pa nga Pa."

"Oh tara na kumain na muna tayo." Singit ni Mama.

Tumayo naman kami ni Papa at sumunod sa kusina.

Nilapag ni Mama yung niluto nya at pinaghain kami.

"Anak dapat matuto kana ng mga gawaing bahay at marunong kana ding magluto para  ipagluto ang asawa mo."

"Marunong naman ako Ma."

"Ay oo nga pala tinuruan nga pala kita."

"Kuya Dex sama ako sa bahay nyo."

"Nako kyline sa sunod nalang ha? May klase kapa eh."

"Sige po."

Ang sarap sa pakiramdam dahil sabay-sabay ulit Kaming kumakain habang nagkukwentuhan.

"Dex mamaya pag dating ng asawa mo may lulutuin kana ba?"

"Wala pa nga po."

"Dapat mag-isip kana, kasi alam mo anak isa sa pinakamahirap sa pag-aasawa ang pagluluto. Alam mo kung bakit? Kasi syempre araw-araw iisipin mo din kung anong lulutuin mo para sa kanya."

"Mamaya Ma Samahan mo ako mamili."
"Sige ikaw paba? Malakas ka sakin eh."

////////

After naming kumain at magpahinga ay namili nadin kami ni Mama sya ang pinagdesisyon sa bibilhin namin dahil mas marami syang alam tungkol sa pagluluto.

Medyo kinakabahan ako kasi first time kong magluluto para samin ni Nathan bilang mag-asawa na.

Naghiwalay nadin kami ni Mama sa sakayan dahil sabi nya ay umuwe nadaw ako para mapaghanda ko ng makakain si Nathan.

"Ma sigurado ka gusto mo ihatid na kita?"

"Hindi na Dex kaya kona ang sarili ko. Sige na para makapag handa kana."

Pagdating sa bahay ay excited kong inayos yung mga pinamili namin nilagay ko yung iba sa ref at yung mga gagamitin ko sa pagluto ay iniwan ko sana lang talaga ay magustuhan ni Nathan ( takot nya lang sakin haha)

KUNG AKO NALANG SANA (THE MARRIED LIFE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon