1

19 1 2
                                    

There is nothing wrong being single. As for me,it is a privileged though. You have your own time,your own pace,your own world. Also,there is nothing wrong having a partner. Its just that somebody is destined to someone. And maybe, someone is not destined to somebody. But,hey maybe for a longest period of time na you are single and maybe these 100 reasons are for you. Ilag ka besh,baka matamaan ka. Just kidding.

These are just my opinions and reasons. So chill ka lang. Okay?

Bakit ka nga ba single?

Reason # 1- You are afraid of rejection

Lahat naman tayo ay ayaw maayawan. Right? Okay lang sayo na nakikita mo lang siya. Takot ka na pag nagconfess ka irereject ka ng crush mo. Tandaan mo, hindi lahat ng may crush kinacrushback. Hindi oblige si crush na i like back tayo. Maybe, you are afraid that he/she can't accept you. You have doubts. You are not sure of yourself. You are afraid that when you confess your feelings to your  crush  he/she will crash your heart. Ouchy. You are afraid that he/she will not like you back. Takot kang i-reject at mareject! Kaya hindi ka nalang nagkakaroon ng lakas ng loob na umamin kasi sure ka na ayaw din niya sayo.
Masaya ka nalang na nakakausap lang siya. Nakikita lang sa kalayuan. Simpleng hi/hello lang galing sa kanya ay okay na sayo. Napapasaya ka na sa mga ganitong simpleng bagay.  Yung tipong gustong-gusto mo na siyang sabihan ng 'I like you' pero hanggang sa dila mo na lang. Ayaw na lumabas sa bibig mo pag nasa harap mo na siya. Dahil nga takot ka. Wala na sigurong mas sasakit pa,yung tipong sa tingin pa lang niya reject ka na agad. So ouchy.


Reason # 2 - You have high standards

Lahat nalang ng lalaki o babae sa mundo hinahalintulad mo sa mga nababasa mo sa wattpad,sa novel, sa libro o di kaya sa napapanood mo sa pelikula o sa tv. Yung sobrang perfect niya. Kaya hanggang ngayon ay single ka pa rin kasi di mo mahanap ang ganoong klase ng tao dito sa mundong ginagalawan natin. Nasa pelikula o di kaya sa libro mo lang makikita ang mga ganoong klase ng tao. Yung mayaman,gwapo,maganda,marunong magdamit. Lahat nalang ng positive traits sa isang tao dapat nasa sa kanya. Pag hindi niya na me-meet ang standard mo, wala. Deadma na. You don't settle for someone who is not capable of your standards in love. May it be physical or emotional. Remember, perfect prince charming is only seen in fairytales. We ain't living in fairytales besh. Nasa real world tayo. Walang knight and shining armor na dadating pag nasa panganib tayo. Walang magdadala ng payong para payongan ka kapag umuulan. Walang hihila sayo sa club kapag lasing ka na sasabihing 'tara na love,uwi na tayo'. Single ka parin kasi hinahanap mo lahat ng 'to sa kanya pero di mo makita. You have this standard na dapat ganito siya. Dapat ito yung gagawin niya. Dapat kasing cute ni Song Joong Ki or kasing gwapo ni Lee Min Ho. Kasing ganda ni Catriona Gray. Maybe this is the time to lower your standards. Hindi naman porket ni lower mo ang standards mo hindi ka na higher magmahal. Yung capacity mo to love someone hindi naman maaapektuhan nun.

Reason # 3- Inlove pa rin kay Ex

Di makaget over kay ex. Hopia ka parin na magkakabalikan pa kayo kahit alam mong mayroon na siyang iba. Si ex nagcecelebrate na ng monthsary sa bago niyang jowa pero ikaw iyak nang iyak pa rin sa kanya. Move on ka na besh. Tanggapin mo na lang ang katotohanan na hindi ka na niya mahal kasi may mahal na siyang iba. Ouchy. Get a life! Ipamukha mo sa ex mo na sinayang niya ang isang katulad mo. Ang ganda mo lang para iyakan ang katulad ng ex mong iniwan ka at niloko.

Reason # 4- Workaholic

Work is lifer. Ayaw magpadestruct sa work kaya walang jowa. Puro na lang work ang inaatupag mo. Well in fact,you can work while being inlove din naman.  In love ka nga pero sa trabaho naman. Nawawalan ka na ng social life kasi mas matimbang pa rin ang work. Iniisip mo palagi na papaano nalang ang trabaho kapag nagkajowa na ako. Mas pipiliin mo nalang ma engaged sa trabaho kaysa ma-engaged sa tao. Ayaw mo lang talaga ng destructions.

Reason # 5- You are  afraid of commitments

Jowang jowa ka na pero ayaw mo ng commitment. Dahil for you masasakal ka lang pag nasa relationship ka na. Takot ka magkaroon ng responsibilidad sa iba. Takot ka na makasama ang isang tao habambuhay. Yung tipong landi landi ka lang pero walang label. Ayaw mo ng may mag-oover power sa life mo. Kasi you think, its your own life,your own rules.


Reason # 6- Family first

Yung ang dami mong responsibilidad sa pamilya niyo. You are the breadwinner so you need to provide for your family. You have so much in your plate kaya nawawalan ka na ng time for other things. Iniisip mo pa lang na magkajowa natatakot ka na baka pagnagkaroon ka na ng jowa mahahati na ang oras mo para sa pamilya mo. You always have your family as your priority first and foremost.

Reason # 7- Taga sana all ka lang

Ikaw ang dakilang nagsasabing sana all. Sana lahat. Ikaw lang yung nag rereact ng heart emojies sa mga nakikita mo sa social media na mga couple na sweet sa isat isa. Ikaw lang yung taga comment sa kanila ng sene ol. Sana all ka nalang ba palagi besh? Sana all na lang nakahanap na ng jowa. Sana all magcecelebrate na ng anniversary. Taga share ka na nga lang sa facebook sa mga sweet videos ng couple na nagpoprose,kinakasal at nagdedate. Sana all. Hope langis ka na lang ba palagi besh?

Reason # 8- Choosy ka

Ilag ka besh,baka matamaan ka? Sa pagiging choosy mo wala ka ng mahahanap. Meron namang nanliligaw sayo pero di mo naman siya bet. Ang dami dami naman diyang nagkakagusto sayo pero ayaw mo sa kanila. May hinahanap ka ni di mo makita sa kanila kaya nirereject mo sila. Wag na kasi maging choosy baka tatanda ka mag-isa niyan. Sige ka.


Reason # 9-  You have trust issues

You are not capable of trusting someone. Palagi ka na lang may pagdududa kapag may nagpaparamdam sayo na gusto ka nila. Ayaw mong e entrust ang heart mo sa isang tao kasi natatakot ka na baka masaktan ka at maloko ulit. Hindi naman sa sinisisi mo ang past relationship pero parang ganun na nga. Takot ka ng maniwala kasi nasaktan ka na. Para ka ng na trauma sa past mo kaya sa present mo medyo hesitant ka sa mga newbie na nag-aaligid sayo.


Reason #10 - You are afraid to fall in love again

Nagmahal ka na noon pero naging failure yung relationship mo. You are afraid to fall in love again because you don't want to feel the pain again. Sobra kang nasaktan sa past relationship mo to the point na ayaw mong bigyan ng pagkakataon ang heart mo to fall  again. You swear to yourself to never fall in love again because what if masasaktan ka na naman ulit. Iiyak ka na naman ulit. Natatakot ka na mag risk sa pagmamahal kasi you don't want to be brokenhearted na naman. Kasi palagi nalang failed yunh past relationships mo. Ayaw mo ng magtry ulit. Ano ka ba besh, parang trial and error lang ang pagpili ng jowa na makakasama mo sa habambuhay kaya dive ka na lang.





I hope you enjoy reading this. Hehe. Winks  

😉

100 Reasons Why You Are SingleWhere stories live. Discover now