3

9 1 0
                                    


Reason # 21- Nagpaubaya ka

Sabi nga sa kanta ni Moira, ikaw yung kasama pero siya ang hanap niya. Hindi mo matiis na makita pa siyang nahihirapan kaya ikaw na mismo ang nagpaubaya. Ikaw na mismo ang umalis para di na siya mahirapan pa. Ikaw nga yung kayakap niya pero iba ang nasa isipan niya. Wala na sigurong mas masakit pa sa kapiling mo nga yung taong nagpapatibok ng puso mo pero iba naman pala yung hanap at tinitibok ng puso niya. Hindi ikaw. Kundi siya. Siya naman talaga ang mahal niya hindi ikaw kahit ikaw yung nauna. Hindi pala basehan na ikaw ang nauna kaya ikaw ang makakasama niya habambuhay. Minsan kung sino pa yung bago pa lang niya nakilala't dumating siya rin pala ang nakatadhana para talaga sa kanya. Ang hirap kalabanin ang nakatadhana lalo na kung sa umpisa pinilit kalang piliin kasi ikaw yung nandoon. Pero pag dumating na yung taong para sa kanya talaga,iiwanan ka lang rin. Ang hirap man tanggapin na ayaw niya sayo, nagpaubaya ka pa rin kasi alam mong doon lang siya sasaya. Sasaya siya sa piling niya hindi na sa iyo. At never ng magkakaroon ng isang ikaw at ako sa pagitan nyong dalawa. Dahil meron ng sila. Sila na masaya sa isa't isa. Kaya umalis ka na't nagpaubaya. Ayaw mo ng ipilit ang sarili mo kasi alam mong sa umpisa pa lang alam mong talo ka na.

Reason # 22- You have traumatic experience on your past

You choose to become single because you had this traumatic experience in love with your past. You are afraid to experience the trauma again. You already knew that there is no perfect love anymore. And you don't want to experienced the same shit again. You are blaming someone for being like that. Pinoprotektahan mo lang ang sarili mo sa anumang pweding mangyari kaya ikaw na mismo ang umiiwas. Naranasan mo ng masaktan physically,emotionally,mentally. Ayaw na ayaw mo ng maranasan mo pa ang mga iyon. You promised to yourself that it will never happen again. Never. Mas gugustuhin mo na lang mag-isa kaysa maranasan pa ang mga masaktan ng sukdulan.

Reason # 23- Hindi ikaw ang pinili

Ouchy diba? Sa lahat ng ginawa mo para sa kanya, sa huli hindi pa rin ikaw ang pinili. Hindi ikaw yung one true love niya. Dumaan ka lang sa buhay niya para maging isang leksyon. Kahit anong pilit mong iparamdam sa kanya na mahal na mahal mo siya, wala ka ng magagawa pa. Kasi nagdesisyon na siya. And the decision is not to pick you. Kaya nagpagtanto mo, ikaw naman yung nandyan palagi, ikaw naman yung kasama, ikaw naman yung palaging sumusuporta,ikaw naman yung nagmamahal pero bakit ikaw pa rin ang nasasaktan. Masakit man tanggapin na hindi ikaw ang pinili dapat maging masaya ka nalang para sa kanila. Para sa kanya. Their happiness is your happiness too. Kahit masakit. Kahit nadudurog ka na. Hindi ikaw ang pinili kasi hindi ka kapili-pili. Mayroon talagang mas better pa sayo. Na mas kapili-pili. Na mas matimbang talaga sa minamahal mo. Ikaw ang kasama pero di ang mahal. Ikaw ang nandyaan pero di ikaw ang kailangan. Isa ka lang dakilang supporting details sa lovestory na bubuuhin niya sa taong mahal na mahal niya.

Reason # 24- You have a strong personality

Minsan,intimidating sa iba kapag ang impression nila sayo ay napakastrong ng personality mo. Yung tipong ayaw nila sa isang kagaya mo kasi parang sa kanila, nasa tama ka palagi. Na hindi ka nagkakamali. Nagmumukha kasing di ka approachable pag strong yung personality mo. Kaya kadalasan, walang masyadong lumalapit sayo. Kung meron man na sa kanila na yun kung tatanggapin nila ang pagiging ikaw. Kasi ikaw yan eh. Ayaw mong magbago para sa iba. Ganyan ka na bakit mo pa babaguhin ang sarili mo para lang magustuhan ng iba. Siguro, natatakot lang sila na lapitan kasi you have this strong aura they can't handle. You are too strong, too blatant for them.

Reason # 25- You are bitter

Ampalaya ka ba besh? Napakabitter mo kaya di ka nagkakalovelife. Like, kapag may makita kang magjowa na sweet sa isa't isa ikaw yung tagasabi ng 'walang forever' 'mamamatay lang naman tayo lahat' or as what the bisaya says 'mangadugta ra tang tanan'. You. So bitter! Lahat nalang for you ay walang forever. Kaya ikaw rin mismo walang kaforever. Wag ka ganyan besh. May kanya kanya tayong timeline. Char. Baka sila sweet sila ngayon,malay mo bukas magkajowa ka na diba? Wag pairalin ang pagkabitter. Spice up! Add some flavors to your life! Wag puro pagiging bitter ang pairalin. Marami naman dyang catch. So stop being bitter na mga besh. Start being sweet. Pag may kakilala ka na magjowa, support them.

Reason # 26 - You are the expert in giving advices

Parang pinanganak ka lang para taga advice sa mga kaibigan mo o sa kakilala mo sa kanilang mga relationship. Pinatutuhanan mo ang kasabihang coach don't play. Ikaw lang yung taga bigay ng moral support, taga bigay ng words of wisdom,taga bigay ng paalala sa kanila. Kahit paulit-ulit ng nasasaktan yung kaibigan mo dahil sa jowa nila, andyan ka parin para magbigay ng advice. Hindi ka nagsasawang mangaral. Andami mong alam about sa love pero di ka pa naman naiinlove. Yung tipong akala mo ang expert mo na when in comes to love. Paano mo nagagawang magbigay ng advice kung di ka pa naman naiinlove? Ironic right? Well,may mga kakilala talaga tayong ganyan mga besh. Ikaw yung taong masasandalan ng kaibigan mo kapag nag- aaway sila ng jowa nila kasi andami mong maibibigay na advice e. Siguro, time na rin na e advice mo sa sarili mo na baka naman, pwedi ka ng magkalovelife na rin. You are too focus on giving advices to your barkadas. Parang fix an fix na yung status mong taga advice ka lang. Fulfillment na para sayo kapag nakikita mong nagiging okay na yung kaibigan mo dahil sa mga advices na binibigay mo sa relationship nila.

Reason # 27- Option ka lang

Isa ka lamang sa mga options niya at hanggang doon lang talaga.  Kinakausap ka lang kapag bored lang siya. Pagnandyan na yung taong nagpapasaya talaga sa kanya, etshapwera ka na. Kinikita ka lang kapag gusto lang niya pero di ikaw naman yung gusto talagang makasama. Ikaw naman itong si tanga kahit option ka lang sumasaya ka na. Wag maging T.A.N.G.A.   walang ganunan besh. Pero aminin, naging tanga ka na rin sa taong mahal mo. Hindi naman yun maiiwasan. Pero kapag kaya namang wag maging tanga, wag na lang. Napakasakit man isipin na option ka lang niya.

Reason # 28- Nagmahal,Nasaktan

Single ka kasi nagmahal ka lang naman pero sa huli ikaw lang din ang nasaktan. Ibinigay mo naman lahat pero nagawa pa rin niyang saktan ka. Ngayon, mas pinipili mo na lang na maging mag-isa kaysa masaktan na naman. Pagod ka ng masaktan. Pagod ka ng maloko. Pagod ka na sa lahat. Pagod na pagod na ang puso mo sa mga sakit na naiidudulot ng pagmamahal. Nawalan ka na ng lakas ng loob na magbukas ulit sa pinto ng puso mo. Takot ka na sa lahat. Takot ka na sa sakit na maari mo namang maramdaman. Nasa isip mo na palagi na kapag magmamahal ka naman masasaktan ka na naman ulit. Takot ka ng magtake risk ulit sa love. For you, love is not worth risking for kasi nasaktan ka na sa taong pinili mong mahalin. You don't believe in love again. Love is a waste of time na para sayo kasi sobrang sakit yung naranasan mo sa past mo. But hey besh, continue to believe in love. Hindi man happily ever after ang una mong relationship baka sa susunod na lovestory mo magaganap na ang happy ending mo. So, believe in the magic the love could give.


Reason # 29- Na-ghost ka

Uso pa naman ngayon ang ghosting. Grabe. Grabe. Maganda naman ang simula ng pagkakakilala niyo sa isa't isa. Umaga hanggang gabi yung conversation niyo sa messenger o kaya dm sa instagram. May tawagan na kayo sa isa't isa. Feeling mo siya na talaga yung 'the one' na para sayo. Good morning o good night texts lang niya ay kinikilig ka na. Abot hanggang tenga na yung ngiti  sa labi mo. Kapag kausap mo siya, ang saya lang sa pakiramdam. Hanggang sa nahulog na yung loob mo sa kanya. Sa simpleng chat niyang kumain ka na ba? Wala na. Hulog na hulog ka na. Nagpakita kasi siya ng motibo sa iyo kaya ikaw umaasa na magkaka something ang kung ano man ang meron kayo sa isa't isa. Hanggang sa naging cold na siya. Nawala na yung good morning bawat umaga. Wala na yung goofmd night bawat gabi bago matulog. Wala na yung mangungulit sayo. Bigla na lang siyang nawala. Nawala ng parang hula. They just leave you hanging. No explainations. No goodbyes. Not at all. Yung feeling na dinala ka sa langit tapos sa kalagitnaan bigla ka na lang binagsak. Diba, so ouchy? Nagtataka ka bakit ? Paano nangyari yun? Yung uhaw na uhaw ka sa explanation pero di niya masabi sayo kasi nawala na lang siya bigla. Na-multo ka na niya.  Masakit man tanggapin dapat kayanin mo besh. At least hindi ikaw ang nangghost. Do not blame yourself kung bakit ka na-ghost. It is not your loss,it is on them who ghost you.


Reason # 30- You are inlove to a man not existed in the real world

Technically, you are single. In love ka lang sa nakikita mong bida sa movie. O di kaya naghahalucinate ka sa isang taong di naman nakikita ng kasama mo. Ikaw lang mismo ang nakakakita sa kanya. Di naman sa baliw ka but mayroon talaga siya. Nag-eexist siya sa mundo mo. Nakakacreepy man but parang ganoon ang show mo. Familiar ka ba sa movie ni Julia Montes at Gerald Anderson na Halik sa Hangin? Parang ganoon.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

100 Reasons Why You Are SingleWhere stories live. Discover now