2

11 0 0
                                    

Reason # 11- You are actually waiting for someone who is unsure of you

For the longest period of time, you are still waiting for that someone to be with you. Despite the fact that, that someone is too far away from you. Meron namang dumadating na iba pero inaayawan mo sila kasi may hinihintay ka. At yung hinihintay mo hindi siguradong mapupunta sayo. Pero kahit ganoon man, nagbabasakali ka pa rin na baka someday magiging kayo. You are wishing so bad na at the end, meron kayong happily ever after. Hininhintay mo siya pero balewala ka na sa kanya.

Reason # 12- You are a perfectionist

Lahat nalang ng bagay ay dapat in place,in order at perfect sayo. Kaya pati sa lovelife, gusto mo ring perfect din yung partner mo. You want to fall in love to a perfect man,in a perfect time and in a perfect place. However, walang perfect besh. We are perfectly imperfect. Hindi naman kita masisi,kasi ayaw mo mapunta sa taong pucho-pucho lang.  Billions of people around the world but you can never find someone who will define perfectly for you. Yung akala mong perfect na tao, sa mga kdrama mo lang yun makikita. In short, perfect partners are just mere fantasies. Wake up ka na! Tandaan, hindi lahat ng gusto mo pwedi mong ipilit.

Reason # 13- You have low self-esteem

In order to love, you should love yourself first. This is the topmost of the pyramid. You should build self-confidence and self-esteem. Yung wala kang tiwala sa sarili mo. Na marami kang insecurities sa katawan mo o sa pagmumukha mo. Kaya nawawalan ka ng gana magka social life. Para kang kinakain ng sarili mong insecurities kaya di mo magawang lumandi kasi natatakot ka na hindi ka magustuhan. Don't let your insecurities to stop you. You should have the guts besh!

Reason # 14- Maybe you have other vocation

Kaya ka single baka kasi sa simbahan ka nararapat. Baka tinatawag ka ng bokasyon sa pagiging madre o di kaya padre. Malalaman mo rin naman yun sa takdang panahon kung saang bokasyon ka tutungo.

Reason # 15- Nain-love sa alagad ng Diyos

Sa lahat ng pwedi mong mahalin, nagmahal ka pa sa maling tao. Mali kasi bawal. Nagkagusto ka sa isang seminarian o di kaya sa madre kaya malabong maging kayo. Alam mong bawal yun kaya habang mas maaga pa tinuturuan mo na ang puso mong wag na siyang magustuhan. In the end, ikaw lang din naman ang masasaktan. Kasi ang pipiliin niya ay hindi ikaw kundi ang first love niya-ang Panginoon.

Reason #16- You have self identity crisis

Nasa point ka pa sa life mo na hindi mo pa alam kung sino ka ba talaga. Yung hinahanap mo pa ang sarili mo. You have difficulty in determining whom you should love kasi pati mismo sa sarili mo hindi ka sure.

Reason # 17- You never let someone enter to your life

You don't want other people to stay in your life. Hindi ka naman takot sa commitment. Basta. Ayaw mo lang talaga. You have this wall that no one can break. You just don't want somebody to meddle in your life. You have you. Only you. You do not need somebody to become happy. You have this trait na kapag hindi niya mabreak ang wall mo wala siyang karapatan to be in your life.

Reason # 18- You are so bitter in love

You have this attitude na kinamumuhian mo ang mga sweet couples. Ayaw mong mainlove kasi bitter ka. Bitter ka in all aspect. Yung diring-diri ka kapag nakakita ng couple na naghoholding hands o di kaya mga couple na dedate sa park. You all hate that. Yung tipong ayaw mo pag-usapan ang love. Wag na maging bitter besh. Maraming dahilan kung bakit ka bitter. Maybe,sa past relationship mo ay nasaktan ka na kaya ayaw mo ng sumugal kaya bitter bitterran ka na. O di kaya dahil sa mga experiences ng mga kakilala kaya ayaw mong mainlove.

Reason # 19- You choose barkada over jowa

Yung masaya ka na kapag kasama ang mga kaibigan mo. Ayaw mong magkalovelife kasi mas nag-eenjoy ka naman na kasama ang mga barkada mo. Yung gala lang kasama ang barkada sapat na. Parang walang space sa buhay mo ang pagkakaroon ng lovelife kasi occupied ka sa mga bagay na ginagawa mo kasama ang barkada. Sa pagiging barkadista mo, parang lahat na lang ng may dumadating tinotropa mo lang. Hindi na jinojowa.

Reason # 20- You prefer no label

Fling lang. No label. Less headache. May mutual understanding kayong dalawa pero you both prefered to be just flings. Kasi may kanya kanya kayong priorities in life. At wala pa sa list ng priority niyo ang pagkakaroon ng stable na relationship. Wala ka pa sa point ng life mo na magseryoso sa isang relasyon. Kasi may binibuild ka pa na pangarap mo. Pangarap mo magkaroon ng magandang trabaho. Pangarap mo magkabahay pa. Pangarap mo magkakotse. Gusto mo munang unahin ang mga pangarap mo while having flings before ka magsettle down sa isang tao.

100 Reasons Why You Are SingleWhere stories live. Discover now