"Ano na magagawa mo ngayon, Ivy?" he said with a smirk, his gun pointed at me, as if savoring every second of my weakness.
Pinagmasdan ko siya, si Marcus, isang traydor na pinakain at binihisan ko, itinuring na kapatid, ngunit ngayon, heto siya, handang tapusin ako nang walang pag-aalinlangan.
"Kung ano man ang kahihinatnan nito," malamig kong tugon, pilit na itinatago ang sakit at panghihina sa boses ko.
Matagal na akong nabubuhay, nagpapakasarap, at sa tingin ko, ayos na sa akin ang mamatay dito. Kung tatalon ako mula sa building na ito, baka hindi na magising. Pero kung susubukan kong lumaban kay Marcus at sa mga tauhan niya, alam kong wala akong laban lalo na ngayon, na may mga tama ako ng bala.
And most of all, I can't kill Marcus. Not because I don't have the chance, but because despite everything, there's still a part of me that can't bring myself to end him.
Pumikit ako at ninamnam ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Dito rin pala magtatapos ang buhay ko. funny, right?
Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw, at doon ako napangiti. Ito na nga talaga ang katapusan ko.
Nagising ako sa matinding lamig ng tubig na binuhos sa akin. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, nasaan na ako? at sino itong lalaking nasa harapan ko? Tinitigan ko lang siya saglit bago ako tumayo.
"Limang araw kang suspendido, at bukas na ang araw ng pagbabalik mo sa paaralan. Kaya maghanda ka na, sabi ni Ama," sabi niya habang nakatingin sa akin.
Napakunot ang noo ko. Bakit ako nandito? naguguluhan ako, pero ramdam ko ang bala na tumama saking katawan at lamig ng hangin bago ako bumagsak.
"Nakikinig ka ba? Ang sabi ko, maggayak ka na at sumabay ka sa amin sa hapag kainan, kakain na tayo," sabi niya, halatang may inis sa boses.
Tumalikod siya at umalis, marahang isinara ang pinto. Nilibot ko naman ang paningin ko sa buong paligid, bakit ang dumi? Kwarto ba talaga ito o isang lumang bodega?
Hindi pa rin ako makapaniwala. Binigyan ulit ako ng buhay. Ang swerte ko naman... Isang bagong simula. Isang bagong buhay.
Hinabol ko siya at sinubukang pantayan ang kanyang bilis, pero sa halip na huminto, mas lalo pa niyang binilisan ang lakad. Wala akong nagawa kundi sumunod hanggang sa makarating kami sa isang lugar. Yumuko siya at naupo, kaya napilitan na rin akong umupo sa tabi niya.
"Ihatid mo ang kapatid mo bukas, Leo," sabi ng tinawag nilang Ama, sabay ngiti sa akin.
"Bakit ho ako, Ama? May iba pa akong dadaanan. Puwede namang siya na lang, kaya na niya 'yon," sagot ni Leo, halatang may inis sa boses niya.
Bakit siya galit? Ano bang nagawa ko sa kanya?
"Wag ka nang humindi, at bantayan mo ang kapatid mo. Hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari sa kanya. Naiintindihan mo ba?" mariing sabi ni Ama, halatang hindi na gusto pang makipagtalo.
Ngunit bago pa makasagot si Leo, isang boses ang pumunit sa katahimikan.
"Mahal na Haring Duke, pasensya na po sa abala, ngunit may ipinararating sa inyo si-"
Bigla itong natigil nang tumayo si Ama. Wala siyang sinayang na sandali at lumabas sila upang doon ituloy ang kanilang pag-uusap. Iniwan niya kaming dalawa, at ngayon, mas lalo akong nalito. Haring Duke? Ano bang pinasok kong mundo?
Tiningnan ko ang aking kapatid na si Leo, isa siyang prinsipe, at ako naman ay isang prinsesa ang saya naman.
Akala ko magiging simple lang ang buhay ko, pero hindi. Isang prinsesa pala ako!
