FIL-5

2 0 0
                                    

Goodmorning Philippines! Ang ganda ng panaginip ko kasi nagkatuluyan daw kami ni Gino hehe sana magkatotoo

"Goodmorning ma!" Kailangan goodvibes kalang tuwing umaga para di malas buong araw mo

"Goodmorning nak nga pala si Gino dito kakain." Kita mo yun pati agahan di man lang intindihin hayss tamad Hmp!

Maya maya ay dumating nasi Gino na nakangiti ang ganda ng ngiti

"Goodmorning tita, Vane!" Wow in the first time goodmood siya!

"Goodmorning." Teka sinapian ba ito?

Habang kumakain si Gino ay nakatingin lang kami ni mama sakanya kasi nakakapanibago siya ehh

"May amos po ba ako?" Napaiwas agad kami ni mama ng tingin sakanya ng nagtanong ito

"Ahh wala kasi nakakapanibago lang iho nakangiti ka kasi ehh." Si mama na yung sumagot

"Oo nga bakit nga ba?" Tanong ko dito

"Mamaya ko sasabihin sayo pag nasa kotse na tayo!" Sabay kindat

Wowow easy nakakamatay yun ahh muntik na akong mahimatay dahil sa kindat na yun

"Oh sabihin mo na nasa kotse na tayo." Bungad ko dito ng makapasok ito sa kotse

"Si Cheska kasi naka text ko kagabi tapos niyaya ko siya manood ng sine after class and she said yes!" Ahhh oo nga naman si Cheska lang naman ang nakakalabas ng napakagandang ngiti ni Gino na hindi ko magawa

"Goodluck nalang!" Yeah goodluck to him

Ayaw ko naman talaga na magkadate sila pero ayaw ko parin na mapahiya si Gino kay Cheska kasi lahat ng nakaka date niya nuon nababasted siya kasi tuwing nagde-date sila laging naiihi itong si Gino kaya kesa manood ng sine lagi silang nasa CR. Pano ko nalaman? Well kinuwento sakin ni Gino tsaka isa sa mga naka date niya pinsan ko, hindi naman ako nagseselos noon kasi wala pa akong may gusto sakanya

"Wahhh nandito na sila!"

At nagsisigawan nanaman silaa!

"Ang kyut talaga ni Vanessa!"

Oh thank you

"Ang pogi ni Fafa Gino!"

"Ang sweet talaga ng GinEssa!"

"GinEssa? Pfft mas bagay padin yung GinKa!" GinKa? Pfft parang nagaaya lang ng kainuman!

Hoy Gin Ka!

Whahaha

"Hi Vane!" Ay nandito na pala kami sa room

"Hi Kent!" Bat ang pogi niya pero bat di ko mapalitan si Gino sakanya kagaya ng mga hinayupak na fangirls niya!?

"Bigay pala ni mama sayo." Sabay bigay ng...donnut?

Waaaaaahhh long time no eat na miss kita!

"Nako namiss kong kainin toh paki sabi sa mama mo tenkyu!" Malalasahan na ulit kite hehe

"Kung gusto mo pala kainin yan dapat nagpabili ka sakin." At naging bubuyog nanaman siya

"Vanessa sasagutin ko lang tawag ni mama excuse me!" Paalam ni Kent at sakto yun para masigawan ko si Gino total kami lang dalawa dito

"Ano ba Gino bakit ba ayaw mo kay Kent ahh bulong ka pa ng bulong!" Sermon ko dito

"Masyado kasing sipsip ehh!"katwiran nito

Eto nanaman tayo!

"Anong sipsip? Nagbibigay lang ng donnut sipsip na? Kung dahil lang sa donnut para sa ikatatahimik ng buchi mo hindi ko na kakainin!" Sigaw ko dito

Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon