MCZ: Prologue

3 0 0
                                    

I currently entered the bar to find someone. I was busy asking some person I knew where I  can find that 'guy'. Palinga-linga ako kung humanap at sa kasamaang palad ay hindi ko pa rin siya makita.

Habang naglalakad ay may biglang humablot sa kamay ko.

"Ano ba-" agad kong namukhaan kung sino ito. "Zayn? Oh, ikaw pala. Nakita mo ba si Jai? Kanina ko pa siya hinahanap, eh. Umalis kase siya kanina." Sabi ko. Bahagya namang napakunot ang noo niya. Kahit nakakunot, ang gwapo pa rin. Psh!

"Hindi ko siya nakita. Tsaka ba't yun pupunta dito eh magkasama kayo kanina sa school diba?" tanong niya. Luminga-linga na rin siya.

"Ahh, Oo. Kaso medyo hindi kami nagkaintindihan kanina eh. Ang init ng ulo niya. Baka kako pumunta rito't nagpalamig." Nag-aalalang sagot ko. Na'san na ba kase yung batugang yun?

"Ahh ganto nalang Yumie, ah? 'Don ka sa bandang kaliwa maghanap at dito naman ako. Susubukan nating mahanap yang jowa mong may sayad at nang maayos yan." Bahagya akong natawa sa sinabi niya at tumango.

Habang naglalakad malapit sa dance floor ay pansin kong kanina pa sila nakatitig sa akin. Ano bang meron? Marahil siguro sa suot ko ngayon. Haha. Nakadress kase ako. Kakatapos ko lang magsimba kanina. Tsaka, anniversary din namin ngayon ni Jai Alejaga. Yung may sayad kong jowa ika nga ni Zayn.

Napadako ang tingin ko sa isang lalaking nakaupo sa couch. Panay ang titig ko sa kanya at nang mapansin niya ako ay bahagya pa siyang nagulat at agad na lumapit sa akin.

"O-oh Y-Yumie, nandito ka p-pala? Sino kasama m-mo?" Napakunot ang noo ko nang mapansing kinakabahan siya.

Ngumiti ako. "Jerald, asan si Jai? Nakita mo ba siya?" Namilog ang mga mata niya sa gulat at halatang nanginginig siya. Nagtaka naman ako kung bakit pero binalewala ko nalang.

"A-ah hindi k-ko nakita si Jai e-eh." Sabay kamot sa batok. Suminghap nalng ako at akmang aalis nang hinablot niya ang kamay ko.

"Bakit? May kailangan ka? Kung meron, saka na ha kase nagmamadali kase ako. Nag-away kami ni Jai at kailangan naming ayusin  yon. geh..." akmang lalakad na ulit sana ako ngunit hindi niya pa rin binitawan ang kamay ko. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mukhang seryoso pero kinakabahan. Ay ewan.

"Bakit?" Halata na ang inis sa tono ng pagsasalita ko. Eh sa nagmamadali ako eh! Halatang malalim ang kanyang iniisip at kalaunan ay bumuga nang malalim.

"Sumama ka sa akin." Sabi niya. Mas lalo akong nainis kase hahanapin ko pa si Jai. Problema neto?

"Ano ba kase kailang-" kumakawala na ako sa hawal niya nang bigla siyang nagsalita.

"Alam ko kung nasaan siya." Malamig niyang sabi.

"Yun naman pala! May pasabi-sabi ka pang di mo siya nakita. Ano na? Arat puntahan na natin."

Nakasunod lang ako sa kanya at pansin kong papunta kami sa mga VIP rooms. Abay ewan ko dine? Sabi niya alam niya kung nasan si Jai.

Huminto kami sa tapat ng isang pintuan. Isa ito sa mga VIP room dahil nakatatak ang salita sa pinto.

"Yumie," pagtawa niya. "Kung ano man ang makikita mo, lakasan mo loob mo ha?" Bahagya naman akong nagulat at nagtaka sa sinabi niya.

"Bakit Jerald? May problema ba kay Jai. Anong nangyari? Kalamadong sambit ko.

"Mauna na ako." Magtatanong pa sana ako kaso nagmamadali na siyang umalis.

Napatingin ako sa harap ng pinto. Nandito daw si Jai at kailangan ko siyang makausap. Kailangan naming magbati ngayon lalo na't 3 annieversary namin ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Comfort ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon