Ang Tipo Kong Lalake

47 0 2
                                    

Mukha siyang bad boy pero hindi masama ang ugali niya

At dahil doon minahal at minamahal ko siya

Nagkakamali't nakakagawa ng kasalanan kagaya ng iba

Pero kahit ganun binibigyan niya parin ako ng lubos na ligaya

Hindi ipokrito, at hindi sinungaling yan ang lalaking nakilala

Ang lalaking siyang nagdulot sakin ng lubos na galak at saya

Natatanging lalaking nagsakripisyo't nagpakatotoo

Para sa babaeng minahal niya ng buong buo

Hindi siya perpekto pero pinipilit niyang gawing perpekto ang buhay ko

Bawat pagsubok hindi nagtago, bagkus isang lalakeng matapang at totoo

At kahit nasasaktan pinipilit niyang lumaban at bumangon

Dahil walang mangyayari sakanya kung hindi aahon

Itinuring niya akong isang kaibig-ibig na bulaklak

Kahit ako'y payak, simple at isang hamak

Ngunit bulaklak ay may tinik, nagbigay sakit at kirot

Ako'y nagpapaumanhin at nahahabag sa nabigay na puot

Alam ko na hindi naging madali ang kanyang buhay

Pero ipinapangako ko pipintahan ko ulit ito ng iba't ibang kulay  

Oh ang tipo kong lalake kahit pintas ko sayo'y maitim ang puso

Ako'y nagpapasalamat saiyo ng lubos at tao's puso

Kahit sa hapag lugaw araw araw

Basta't Ikaw ang bukas kong natatanaw  

Hanggang sa huli gustong makasama'y ikaw

Hanggang sa araw ng aking pagpanaw

______________________________________

:) <3

the last part of my Novel "ANG TIPO KONG LALAKE!?"

https://www.wattpad.com/story/11167109-ang-tipo-kong-lalake-completed 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Poems (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon