LEAN ON MY SHOULDER

32 1 0
                                    

CHAPTER 29

KIM'S POV

"Pa! Wala pa pong balita!" Sigaw sa akin ni Luiz. Shit! Kanina nagkakagulo dito sa bahay sa Manila dahil isa ang anak ko sa pasaherong nagcrash! Lahat kami dito sa bahay ay puno ng takot, pighati at pangangamba sa aking anak. Si Bea ay grabe na ang iyak dahil sa kanyang pag-aalala. Marami ng nakakarecover pero wala pa rin kaming list sa anak ko! Punyeta! Shit! Ayoko ng mawalan ng kapamilya! Di ko na kaya pa lalo na kung anak ko pa ang mawawala! Mababaliw siguro ako!

"Kyle?! Asan si Timmy?" Tanong ni Luiz kay Kyle ns umiiyak na rin sa gilid.

"Nasa kwarto po nya ata" sagot ni Kyle.

"Hah?! Puntahan nyo! Di pa yun lumalabas kanina pa!" Sigaw ni Luiz kay Kyle kaya hetong Kyle ay nagmadaling pumunta sa kwarto ni Timmy.

Krrrriiiiinnnnggggg

"Hello,

Yes sir

Okay sir, thank you!

"Pa! May bagong list ng recoveries!" Wika sa akin ni Lloyd.

"Okay,Luiz and Lloyd samahan nyo kong lumuwas para isearch natin si Bryle sa lahat ng hospital malapit sa pinagyarihan ng Aksidente!" Aya ko sa mga anak ko. Pero agad na tumayo si Bea.

"Pa, sasama ako! Gusto kong makita ang anak ko!" Wika sa akin ni Bea. Niyakap ko lang sya at hinalikan sa noo.

"Maiwan ka na ma ha. Kami nang bahala" sagot ko sa kanya.

"Pero, di lang ako mapakali dito!" Sabi ni mama.

"Please Bea. Kami na ang bahala kay Bryle okay?! Okay lang si Bryle! Okay lang sya! Magpakatatag kayo para sa kanya okay?!" Madiin kong sabi sa kanya. Hinalikan ko muli sya.

"Boys! Let's go!" Aya ko sa dalawa kong anak.

---

KYLE'S POV

"Timmy, Timmy, papasok ako ha" wika ko kay Timmy habang papasok sa kwarto nila ni Bryle. Nakahiga sya ngayon sa kama, tulala, umiiyak, nasasaktan habang yakap-yakap nya nag alaga nilang aso na si Brymmy. Ni wala akong narinig na sagot nya sa sabinabi ko. Nakatingin lang sya sa kisame. Yes, nasasaktan din ako ng sobra dahil kuya ko ang nawawala paat kasama sa pasahero ng eroplano. Pero ang sakit na nararamdaman ngayon ni Timmy ay doble sa aking nararamdaman nya ngayon. Yes, boyfriend sya, at alam ko ang nararamdaman ng isang nagmamahal kung lalayo sayo ang mahal mo sa buhay lalo na't walang kasiguraduhan ang buhay ng kapatid ko. Si kuya nalang ang pamilya ni Timmy kaya sobrang sakit iyon para sa kanya. Kamamatay lang ng nanay nya last year at ngayon naman ay dumating na naman ang dagok ng kanyang buhay. Di ko sya masisisi kaya ang kailangan ko nalang gawin ay damayan sya sa kanyang pinagdadaanan ngayon.

Lumapit ako sa kanya at naupo sa gilid nya. Pinunasan ko ang luhang inilalabas nya.

"Timmy, halika, hintayin natin si kuya sa labas" wika ko kay Timmy.

"Nakauwi na po ba si lab lab? Miss na miss ko na sya" walang kagana ganang wika sa akin ni Timmy. Tulala pa rin sya hanggang ngayon.

"Hindi pa. Pero uuwi rin yun. Hinanap na sila nila papa" sagot ko sa kanya.

"Hihintayin ko nalang po sya dito sa bahay" sabi nya sa akin.

"Kailangan mong lumabas. Di ka pa kumakain ng lunch pati dinner hindi pa. Sa tingin mo matutuwa si kuya nyan?" Sabi ko sa kanya.

"Hihintayin ko sya dito" madiing sagot nya sa akin.

"Timmy naman! Papaano kung matagalan syang makauwi?! Papaano kung di na sya umuwi?!" Sigaw ko sa kanya. Tinignan nya ako ng masama at nagsimula namang rumagasa ang luha nya.

LEAN ON MY SHOULDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon